"Are you really idiot kuya? I'm damn single! And who the hell made love with her? Tsk!" Asik sa akin ni AD no'ng makausap nito ang nurse. Bahagya pa akong nagulat dahil sa biglaan nitong pagpasok sa silid ni Precious Gem. Sinamaan ko naman ito ng tingin. Bahagya pa akong napaisip sa sinabi nito. I'm the one who took her virginity.

"I'm not idiot moron! Damn you!" Asik ko naman dito na tinawanan lang nito. Nakaramdam naman ako ng inis para dito.

"You are! If you are not, then you will realize that you are the father of the child. Damn you too idiot!" Wika pa nito bago padabog na lumabas ng silid. Naiwan naman akong natitigilan.

Napabuntong-hininga ako pagkatapos kong maalala ang naging tagpo kanina sa pagitan naming magkapatid. Tama naman ang lahat ng sinabi nito.

Muli akong napatitig sa mukha ni Precious Gem at pagkatapos ay sa tiyan nito na nagsisimula nang magkaroon ng umbok. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti. No'ng mapagtanto ko ang naging reaksiyon ko ay agad akong napailing-iling at sinuway ang aking sarili. Tsk!

Nawala ang atensiyon ko kay Precious Gem no'ng marinig kong tumunog ang aking cellphone. Nakita ko sa screen ang pangalan ng aking secretary. Lumabas ako ng silid upang doon sagutin ang tawag.

"What's the result?"

"Positive, sir" sagot ni Ms. Jimenez sa kabilang linya na nagpakunot sa aking noo.

"What do you mean?"

"You are really-----" Hindi ko na narinig pa ang ibang sinasabi ng aking secretary sa kabilang linya dahil napansin ko ang papalayong bulto ni Precious Gem. Ingat na ingat pa ito sa paglalakad na para bang ayaw nitong may makakaalam sa pag-alis nito. Napa-asik ako ng mahina. Hindi ako makapaniwala na may balak pala itong tumakas ng ospital.

"I have to go" wika ko sa kabilang linya bago nagmamadaling pinatay ang linya.

Lihim akong napamura no'ng makita ko na palihim na naglalakad palabas ng ospital si Precious Gem habang kumakaway para habulin ang taxi na tumigil sa tapat ng ospital.

"What the hell? Fuck! You can't run from me Precious Gem. Stop!" Sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kinaroonan ni Precious Gem.

Nakaramdam ako ng inis para dito pero hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na mag-alala sa kalagayan nito at sa bata. No'ng marinig ako nito ay lumingon ito sa akin.

Ang buong akala ko ay titigil na ito sa paglalakad pero nagkamali ako dahil nag-iwas ito sa akin ng tingin at mas iwinagayway pa ang kamay para makasakay sa taxi. "The fuck!" Inis na wika ko bago hinihingal na tumigil sa pagtakbo. Sinundan ko nalang ng tingin 'yung papalayong taxi. Napasabunot ako sa aking buhok pagkatapos. "What's on her mind? Tsk!"

Tatalikod nalang sana ako para balewalain ang pag-alis ni Precious Gem no'ng makatanggap naman ako ng mensahe galing sa secretary ko. Kumunot ang noo ko pagkatapos kong mabasa ang mensahe ni Miss Jimenez. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagmamadali akong lumabas ng ospital para pumunta sa aking kotse at sundan ang sinakyang taxi ni Precious Gem.

"I'll make you pay Precious Gem. Tsk!" Paulit-ulit na bulong ko sa aking sarili habang inis na minamaneho ang aking kotse.

––

Precious Gem

Nakahinga ako ng maluwag no'ng matagumpay akong nakababa ng taxi matapos kong tumakas sa ospital. Nagpanggap akong tulog kanina sa ospital kahit ayos na ang aking pakiramdam dahil ayokong makita ang mukha ni Dior. Ayoko na mag-isip na naman ito ng kung ano sa akin. Napabuntong-hininga ako.

Naglalakad na ako papasok ng eskinita papunta sa bahay no'ng maramdaman ko na mayroong sumusunod sa akin. Nagpalingon-lingon ako sa paligid pero wala naman akong nakita na kahit ano. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero agad rin akong napatigil no'ng makita ko sa aking harapan si Kulas. Hindi ko alam kung saan ito galing at kung paano ito napunta sa harapan ko. Napaatras ako dahil sa kakaiba nitong tingin sa akin.

Nakangisi ito habang malisyosong pinapasadahan ng tingin ang buo kong katawan. Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa takot. Nataranta ako bigla. "M-may k-kailangan ka ba sa akin?" Pilit pinapalakas ang loob na tanong ko dito.

"Masyadong mainit Precy. Gusto mo bang palamigin ang nag-iinit kong katawan?" Tanong nito habang unti-unting lumalapit sa akin. Napamulaga pa ang mata ko dahil hinubad nito ang damit nito na para bang naiinitan talaga ito.

Nakiramdam ako sa paligid pero lalong kumabog ng mabilis ang puso ko no'ng mapagtanto ko na sobrang tahimik na. Alam ko na sa mga oras na ito ay tulog na ang mga tao. Mga patay na rin ang ilaw kaya wala nang makakapansin sa amin.

"A-ayoko. M-maligo ka n-nalang" Wala sa sarili at kinakabahan na sagot ko habang umaatras. Narinig ko na mahinang tumawa si Kulas.

"Ayos 'yang naisip mo, baka naman gusto mong sumama sa akin paliligo?" Tanong nito na sinubukan pang hawakan ang kamay ko. Agad akong lumayo dito. Muli itong tumawa. "Huwag kanang pakipot--- alam ko namang hindi kana birhen eh. Huwag kang maarte Precy! Babayaran naman kita eh" wika pa nito habang takam na nakatingin sa akin.

No'ng mapansin ko na naglalakad na naman ito palapit sa akin ay mabilis akong tumalikod at tumakbo palayo dito. Nagulat ako no'ng may bigla nalang humigit sa buhok ko dahilan para mapigilan ako sa pagtakbo. Alam ko na si Kulas iyon. "Ahhhhh tulong!" Sigaw ko sa sobrang takot. "T-tulong! Tulo-----" Hindi ko na naituloy ang pagsigaw ko dahil marahas na hinigit ni Kulas ang buhok ko at tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay nito. Naramdaman ko ang pagsakit ng anit ko. Napahagulgol na ako dahil sa takot hindi para sa sarili ko kundi sa anak ko.

Sunod-sunod ang naging pagtulo ng luha ko no'ng maramdaman ko na idinikit ni Kulas ang bibig nito sa tainga ko. Kinilabutan pa ako no'ng dahan-dahan nitong dinadama ang dibdib ko. "Hindi ka makakatakas sa akin Precy. Alam mo naman na matagal na akong may gusto sayo tapos malalaman ko na sa iba ka lang nagpadali? Hayop! Hindi ko hahayaang pagsawaan ka ng iba tapos ako ay hindi ka manlang matitikman" Bulong nito sa may tainga ko bago ko naramdaman ang pagdila nito doon. Nandidiri ako sa ginagawa nito. Nagsimula akong mag-isip ng paraan para makatakas dito.

Nang maramdaman ko na ipapasok na nito ang kamay nito sa loob ng damit ko ay mabilis kong kinagat ang kamay nito na nakatakip sa bibig ko. Humarap ako dito para sipain ang pagkalalaki nito. Mabilis akong tumakbo palayo dito. "Hayop ka Precy! Hindi ka makakatakas sa akin!" Narinig kong sigaw ni Kulas sa pagitan ng mga daing dahil sa ginawa ko dito.

Nang mapansin ko na pilit akong hinahabol ni Kulas ay napahagulgol na ako dahil sa sobrang takot. Binilisan ko pang lalo ang pagtakbo ko. "T-tulong!" Paulit-ulit kong isinisigaw pero mukang wala manlang nakakarinig sa akin.

"Precy!" Narinig ko pang sigaw ni Kulas. Hindi ko ito pinansin dahil takot na takot pa rin akong tumatakbo.

Natigil lang ako sa pagtakbo no'ng maramdaman ko na mayroong akong nabunggo. Mabilis ako nitong sinalo gamit ang mga bisig nito. Agad nanuot sa ilong ko ang gamit nitong pabango.

"What the fuck Precious Gem?"

🌞 Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated ❤❤❤ Keep safe everyone!

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Where stories live. Discover now