Pagkakita sakin ni Justine ay hindi maiwasan ang pagkagulat sa mukha nya.

"Craye, bakit andito ka?" Tanong ni Justine sa akin ng nakangiti

Inikot ko nang tingin ang paligid at wala akong makitang kotse ni Lance, so wala si Lance dito?

Anu to? It's a prank? Potek Lance, pinakaba mo ko.

"Ahh kasi balita ko may sakit ka." Pagamin ko na sa kanya

"Masama lang ang pakiramdam ko pero wala naman akong trangkaso, malalate lang ako ng pasok kaya andito pa ko sa bahay." Explain nya sa akin. "Teka wala kabang klase?" Dagdag nya pa

Patay na!

"Hummm meron pero discussion lang naman." Pagsisinungaling ko

"Yung totoo, Craye?" Matalim na tingin ang natanggap ko mula kay Justine

"Nagwawala na si Mon kakahanap sayo dahil may long quiz daw kayo sa major subject, Ikaw Craye ha, umayos ka sisiguraduhin mo lang ngayon na makakapag special quiz ka pag hindi nako, masasapak talaga kita." Litanya ni Justine sa akin "halika na pumasok kana dito." Dagdag nya.

Pumasok na ko kasunod sya, pahamak naman kasi si Lance kaso anung magagawa ko kung concern ako sa kanya tapos sya pa galit sakin? Aba matinde.

"Umupo ka jan." Naiinis na sabi ni Justine sa akin

Sabi na ehhh, galit to. Wala na sa mood.

Umupo na lang ako kung saan nya tinuro yung sofa nila, nilapag ko na din yung mga pinamili ko para sa kanya.

"Wala sila Mom at Dad pumasok na sa office, so si Nay Carmen at Nay Gina na lang yung andito, si Nay Carmen nasa palengke at si Nay Gina naman nasa likod bahay naglilinis ng garden." Pageexplain ni Justine habang nilalapag nya yung juice at cheese cake sa table.

"Ahhh thanks, may dala nga pala ako para sayo." Sabay abot ko naman ng pinamili ko kinuha nya lang tyaka sya bumalik sa kusina

Wahhhhh! Ang seryoso nya today. Bakit naman ganon Lord? Galit ba talaga sya sakin? Ako na nga yung concern dito ahh.

"Justine, hui Justine." Tawag ko sa kanya kasi ang boring, bakit andito ako kung hindi naman nya ko haharapin tyaka bakit nya pa ko pinapasok sa bahay nila? Ako na nga yung hindi nakapag take ng quiz tapos ganito pa treatment nya sakin

Hindi sya umiik pero alam kong nasa kusina lang sya, bahala sya pero pupuntahan ko na sya don. Ayokong masayang lang ang lahat.

Pagdating ko sa kusina napansin ko kaagad ang malawak nyang ngiti, nakatingin lang sya sa phone nya at kung hindi ako nagkakamali ay may katext sya, importante siguro yung taong yun dahil kaya nyang mapasaya si Justine tru text.

Nainggit ako, sobra.

Masakit palang makita yung taong napapasaya ng iba.

"Justine" tawag ko sa kanya, istorbo na kung istorbo pero kailangan kong alisin pansamantala ang mga ngiting yon sa labi nya.

Tumingin sya sakin pero binalik nya din ang tingin sa phone nya.

"Sabi ko umupo ka dun sa sofa." Utos nyang muli sa akin

"Aalis na ko, papasok na ko total ay wala ka naman palang sakit." Walang ligoy na sabi ko, kasi pakiramdam ko para na kong tanga dito diba?

Ako na yung concern, nagsayang na ng long quiz, binigyan nya ng hindi magandang pakisama tapos ako dito, parang Tanga?

"Sabi ko doon ka muna sa sofa, mahirap bang intindihin yon Craye?" Naaasar nyang pagbaling sa akin

"Hindi mo naman ako kinakausap, edi aalis na lang ako." Reklamo ko sa kanya, nakakainis na kasi.

"Craye, pag sinabi kong doon ka muna please doon ka muna." Mahinahon nyang sabi sa akin tyaka nya ko nilapitan. "Sorry kung nainis ako kanina kasi nag skip ka ng long quiz dahil sakin, ayoko non kasi gusto ko ipriority mo yung acads mo, okay?" Tyaka nya hinawi yung mga strands ng buhok ko para isipit sa kaliwang ear ko. "Tyaka pag pupunta ka dito mag abiso ka naman, tingnan mo naman ang ayos ko, nakakahiya." After nya sabihin yon ay tyaka sya tumungo siguro ay dahil sa hiya.

Ang cute.

Letche! Kuhang kuha mo talaga ako ehh no Justine?

Nawala din bigla ang lahat nang mga lungkot, inis, inggit na naramdaman ko kanikanina lang.

"Justine, andito na ko. Eto na yung pinabili mo sakin na black forest chocolate trifle, grabe ang hirap naman nitong pinapabili mo sakin, mabuti na lang nagtanong tanong ako. Andito din pala yung bacon maghe, basta yung pizza na pinabili mo." Nagrereklamong si Nay Carmen

Natatawa kaming dalawa ni Justine kay Nay Carmen dahil mukang nahirapan nga sya sa mga pinabili ni Justine sa kanya.

"Thank you Nay, you the best." Sabi ni Justine tyaka nya ito kiniss sa pisngi at kinuha yung binili ni Nay Carmen.

"Ikaw pa ba? maya maya ko na din iluluto itong nirequest mo ha. Nako Craye, ito kasing si Justine kanina pa text ng text sakin na ipagluto daw kita ng favorite mong tender pork spareribs. Tawa pa yan ng tawa kanina kasi napagod talaga ko sa paghahanap ng black forest na yon." Reklamo pa rin ni Nay Carmen pero in a good way, ang cute nga ehh.

"Nako Nay, tama na ang chika jan at Ikaw Craye, wala kang balak na samahan akong kainin to?" Inangat nya pa ang hawak nyang binili ni Nay Carmen

Lord binabawi ko na po ang lahat ng mga sinasabi ko, nadala lang po talaga ako ng aking damdamin. Pasensya na po talaga kasi andami kong sinasabi pero si Nay Carmen lang pala yung katext nya, nagselos pa ko.

Umuna na si Justine sa salas at sumunod na lang ako.

"Kailan ko pa naging favorite ang pork spareribs?" Natatawang tanong ko kay Justine tyaka ko sya tinabihan sa sofa

"Ngayon, ngayon mo sya magiging favorite kasi lahat ng favorite ko magiging favorite mo na, weather you like it or not." Natatawang sabi ni Justine sa akin

Natawa ako sa part na yon, kailangan ko palang maging favorite yung favorite nya. Hummm sya nga matagal ko nang favorite, actually tyaka yung family nya gusto ko ding maging kapamilya.

"Well, let see." Pang iinis ko sa kanya

"Dapat lang na maging favorite mo, kasi itong black forest chocolate trifle na favorite mo, matagal ko nang favorite." Hirit ni Justine

Ewan ko pero grabeng magpakilig si Justine, sagad!

Wala na akong masabi, binuksan ko na lang yung pizza na nakalagay sa mesa at kumuha ng isang slice nilagyan ko ng hot sauce kahit hindi ko talaga gusto ang maanghang tyaka ko ito kinain.

Ayokong mahalata nya na nag bblush ako, feeling ko safe tong hot sauce. Palusot ko na rin kung tutuksuhin nya kong muli na nag bblush. 😂

Once in a lifetimeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu