Napatango na lamang ako sa kaniya.

Thrizel’s POV

Nakatulala ako habang nakatingin sa bintana ng aking apartment. Hindi maalis sa aking isipan ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin iyon. Puro pagtatanong dahilan para maguluhan ako.

Napatingin ako kay Brooks na kakalabas lang ng banyo. Oo, dito siya naligo. Kanina pa siya walang imik. Hinihiling ko nga na sana wala siyang naalala kagabi. Ano nalang ang ihaharap kong mukha sa kaniya? Mukha ni Arella?

“You’re done. P’wede kang kumain muna.”

Umiling siya sa akin, sinasabing hindi na kakain. Nagluto pa naman ako pero dahil ayaw niya, wala na iyon sa akin. Seryoso lang ang kaniyang mukha. Nagmamadali kumilos para makaalis sa aking apartment.

“I need to go.” Malamig ang kaniyang boses. Hindi ko alam ang kaniyang problema.

Lilinasin niya na sana ang aking apartment nang pigilan ko siya. “Ah, Brooks!” Bigla akong nailang dahil titig na titig siya sa aking mukha. Hindi ko kaya makipagtitigan sa kaniya kaya lumihis ako g paningin. “Ah, ano kasi...” Ano bang sasabihin ko? Bakti bigla kong nakalimutan? “Bak—”

“Iyong nangyari kagabi hindi ko sinasadya.” Sa kaniyang sinabi, napaharap ako. Seryoso lang talaga ang kaniyang mukha. “I’m sorry, Thrizel. I was just really drunk so I kissed you. Please don't give any meaning. I was just taken away because I was drunk. If I got your first kiss and you’re mad at me, I’m really sorry. If you are angry, I accept your anger. I have no intention to you. Kung nabastusan ka sa ginawa ko kagabi, I’m so sorry.”

Thrale is my first kiss.

“No, it’s okay. Naiintindihan ko naman.” Ngumiti ako sa kaniya ng peke dahil ramdam kong may pagkailang sa aming dalawa. “You can go now. Ingat.”

Alinlangan pa siyang tumango sa akin ngunit umalis din naman. Naiwan akong nakatayo rito sa harap ng pintuan. Nawala ang pagsunod ko ng tingin kay Brooks nang tumunog ang pinto ng kaharap kong kwarto. Hindi ko na iyon pinansin saka na pumasok sa loob.

“HERE’S your order, sir.” Ani ko sa isang costumer.

Ngayong araw na ‘to ay crew ako. Wala naman akong reklamo kahit sobrang arte ng aming manager. Minsan ay nilalagay ako sa kitchen helper, minsan naman ay dito. Wala naman akong balak magsumbong kay Gio dahil ito lang naman ang pinapagawa. Hindi naman ito mahirap para sa amin.

“Ito pa, Ms. Wrent.” Kinuha ko ang serving tray at muling binigay sa  isang costumer.

“Ano bang pinaggagawa mo?!”

Napantingin ako sa pintuan ng kusina dahil rinig ko ang sigaw ni Chef Sanchez. Dali-dali akong pumasok para tingnan ang nangyayari. Nakita ko ang isang baguhan na nakayuko sa kaniyang harap. Mukhang may mali itong nagawa.

“Ilang beses na kitang tinuruan, hindi mo pa rin ba makuha? Mag-iisang linggo ka na, Urie! Hindi ganiyan ang paghihiwa ng gulay. Kung hindi mo pag-aaralan ang mga tinuro ko. Ano nalang ang mangyayari? Sino nag-interview sa ‘yo at ganiyan ka pumalpak gumawa?” Napahilamos ng mukha ni Chef Sanchez. Mukhang nagluluto siya. “Tawagin si Ms. Wrent, siya ang ipalit dito!”

“I’m here, sir.” Agaran akong nagsuot ng apron dahil mainit ang kaniyang ulo. Mapupuna na naman niya ang pagiging makupad ko.

“Pumalit ka muna sa posisyon ni Ms. Wrent, Urie.” Muling bumalik si Chef Sanchez sa pagluluto.

Naiilang na tumango si Urie. Tumingin muna siya sa akin bago tumuloy ng lakad. Siguro hinihintay niyang palakasin ko ang kaniyang loob. Like...

‘Kaya mo ‘yan, masanay ka na kay Chef Sanchez! Ganiyan talaga iyan sa baguhan!’

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now