Game Day: Part 1

68 7 3
                                    

D E A N N A

"D, may extra ka bang knee pads dyan? Nawawala kasi yung sakin." tanong sakin ni Bea.

"Oh eto, sayo na lang yan. Bayaran mo nalang ako." sabay hagis ko sa kanya ng extra kong knee pads. May laro kasi kami today laban sa Balipure.

"Eto naman, libre nalang to. We're friends naman diba?" pa cute pa niyang sabi sakin. Cringe talaga nitong si Bea minsan eh.

We are getting ready kasi maya maya aalis na din kami papunta sa venue. Antay lang kami ng text sa staff kung andiyan na ba ang bus namin.

"By the way, we are going against Balipure huh?" lumingon sakin si Bea habang nagsasara siya ng zipper ng bag niya. "Ready to see your darling again?"

Dahil sa sinabi niya, nabato ko tuloy siya ng unan. Bwesit nang-aasar na naman to. Kaya wrong move talaga na sakanya ko sinabi yung nangyari eh. Simula ng sabihin ko sa kaniya di na siya natigil kaka-"darling" sakin.

"Pwede ba Beatrice? Tigil tigilan mo ko kung ayaw mong lapitan ko mamaya si Ate Jho at sabihin sa kanyang miss mo na siya." asar ko sa kanya.

"That, Deanna Wong, is something you're not allowed to do." tinuro pa ako. Takot naman pala pag si Jhoana Maraguinot pinag-uusapan eh.

Ilang minuto pa nag text na ang staff at sabay na kaming bumaba ni Bea. Andito na pala ang iba naming teammates nag-aantay sa lobby. Di naman kami nag hintay ng matagal kasi dumating din agad ang Bus.

Malapit lang ang venue sa hotel at wala namang traffic sa lugar na ito kaya madali lang kaming nakarating. Pagbaba ko, nakita kong may bus sa harap ng bus namin.

Baka sila na 'to.

At hindi din ako nagkakamali kasi biglang bumaba si Hernandez ng bus. Napalingon siya sa kinaroroonan namin kaya nagtagpo ang aming mga mata.

Nakita kong nagulat siya nang makita ako. Halata naman sa mukha niya kasi medyo napabukas yung baba niya ng konti. Cute.

HUH? ANONG CUTE KA DYAN DEANNA? TALAGA BA NAISIP MONG CUTE SIYA?

Bigla naman siyang tumalikod at naglakad na papasok sa gym. Napalingo nalang ako ng ulo at inalis sa isip ko yung thought na cute siya. Kahit totoo naman.

"Kita ko yon." nagulat ako ng biglang may bumulong sa likod ko. Nang malaman ko kung sino, napairap nalang ako. Kulit talaga nitong si Beatrice. Pag mamaya talaga makita ko si ate Jho, naku Bea tumakbo ka na agad.

Pumasok na din kami sa venue at nagpunta sa locker ng team para magbihis at dito antayin na matapos ang game na kasalukuyang nagaganap ngayon. Naisin man naming manuod, pero bawal yon.
.
.

C A R L Y

Saan na ba kasi yung cellphone ko? Hinahanap ko dito sa loob ng bus ang cellphone ko kasi pag check ko sa bag ko kanina, wala doon.

"Kuya, wala ba talaga dyan?" tanong ko kay kuyang driver. Nagpatulong na kasi ako para mapabilis mahanap kasi baka pagalitan ako ni coach wala pa ako sa locker.

"Ma'am sinubukan niyo po bang tawagan?" tanong sakin ni kuya.

"Oo po. Kaso naiwan ko ata yun na naka silent." sabi ko.

"Naku ma'am, kanina pa tayo dito. Wala po talaga. Baka sa hotel niyo po naiwan."

Napatingin ako sa relo ko. 4:30PM na. Baka malapit na matapos yung naunang game samin. Mamaya na lang siguro yung cellphone ko.

"Kuya, kailangan ko ng bumalik sa loob. Pag may nakita po kayo, pakitago na lang po ha. Please po. Maraming salamat!" eto lang ang sabi ko kay kuya bago nagpaalam at bumaba na ng bus.

Pagbaba ko, nakita kong kakadating lang ng Choco Mucho team na syang makakalaban namin sa game nato.

Napalingon lang ako ng konti hanggang sa magtagpo ang mga mata namin. Napasinghap ako dahil sa gulat. Putek, munti pa ngang mapalakas yung pagkagulat ko. Buti nalang napigilan.

Hindi ko alam bakit nakatingin pa rin siya sakin kahit nahuli ko na siyang tinitignan ako. At lalong hindi ko alam bakit pako nakatingin pabalik.

Nang matauhan ako sa medyo kagagahan kong ginagawa, tumalikod na ako at dali-daling naglakad papasok sa locker namin.

"Tagal mo naman, Carlota!" reklamo sakin ni Satie. "Nakita mo phone mo? Grabe ha pinapa-ring ko talaga every minute, every second!"

"Thank you, dae. Di ko nakita eh. Baka nasa hotel yun. Sana andoon lang kasi wala akong pera pambili ng bago." sabi ko.

"Sus, humble neto. Mag uupgrade ka nga diba? Pero dali na magbihis ka na dahil tapos na ang game 1. Naiuwi na ang korona." sabi niya sakin.

Mabilis na din akong nagbihis kasi baka mapagalitan pa ako. Ayaw kong ma special mention. Pagkatapos ay lumabas na din kami papunta sa court para sa 30 minutes na warm-up.

Nakita ko namang nauna na ang team nila dito at nagsisimula na din silang mag warm-up.

"Carlota, yung focus sa game ha. Hindi sa setter ng kabila." sabi ni Satie sakin sabay sundot sa gilid ko.

"Alam mo ikaw Satie, dami mong alam. Patayin na kaya kita?" umakto naman akong sasaksakin ko siya sa gilid.

"Sus, pag tayo natalo, sisisihin kita kasi distracted ka sa setter ng kalaban." pabiro niyang sabi.

"Pag tayo natalo, pektus ka saking middle blocker ka." sabay hampas sa kanya at takbo agad papunta sa court kasama ang iba naming mga ka team.

Habang nag wawarm-up nahuhuli kong tumitingin sa akin si Bea De Leon ng Choco Mucho. Hindi ko alam pero sa tuwing nagkakatinginan kami, nililingon niya din si Deanna sabay ngiti. May alam kaya siya?

Hindi din nakakatakas sakin ang mga patawag ni Bea kay Deanna ng "darling". Di ko alam kung sadya ba o nang-aasar pero kung anuman ang ginagawa niya, nahihiya na din ako. Malakas ang kutob kong pang-aasar yung pag "darling" niya.

"Carly, pulang-pula ha. Kamatis yarn?" sabi sakin ni Alina, setter namin.

Tumawa na lang ako at kunwari nagpapaypay sa sarili, "init kasi eh." sagot ko.

Nakita kong tumingin si ate jho sakin at napatawa siya ng konti sa itsura ko.

SHUTA CARLY, MIND ON THE GAME HA! Pero parte din naman siya ng laro na to diba? Kalaban ko nga lang. AHHH! GINAGAWA MO SAKIN DEANNA WONG!???

~~~

It's YouWhere stories live. Discover now