Deanna

90 7 3
                                    

It had been a week since the conference started. Maayos naman performance namin as a team, pero may mga lapses pa din.

Even though we end the games as winner, we still look at our past games and learn from our mistakes.

Mahirap na kung di namin pagbubutihin yun, baka gawin pang advantage ng susunod naming makakalaban.

We still have no loss. And as much as possible ayaw talaga namin magkaroon ng talo. Nakafocus kami sa pag grab ng medal this conference.

"D, ice bath daw." tawag sakin ni Bea. Shuta ice bath na naman. Parang kahapon lang nung huli naming ice bath.

"Bawal ba mag skip?" tanong ko. Baka sakaling makalusot.

"Skip ka dyan. Lam mo naman ano consequence pag nag skip ng ice bath. Gusto mo yon?"

"Ah sige na nga. Tara na." tumayo na din ako mula sa pagkakahiga. Mas mabuti pa mag ice-bath for 20 minutes kesa humarap sa consequence ng staff.

Kumuha lang ako ng towel sa bag at lumabas na kami ni Bea. Sakto namang kakalabas lang din nila Ponggay at Caitlyn galing sa room nila.

Apiran agad si Bea at Cait. Kung di ko lang talaga to sila ka teammate, baka mag-isip na ako ng iba sa kanila.

Siguro nga kung tagahanga lang ako, nako ship ko na to sila. Kaso alam ko naman na walang namamagitan sa kanila. Pure friendship.

Ganyan din talaga si Bea kahit kanino, sweet. Kaya nga dati ng naship sa ka teammate namin during college eh.

Sabay na kaming pumasok sa area kung saan nakalatag na ang inflatable pool ng team. Kung bata ako baka natuwa na ako dito.

Pero dahil volleyball player ako at kahit kailan hindi ko talaga magugustuhan ang ice bath. Never talaga.

"Deanna, dali na diri." tinawag na ako ni Ate Maddie para papasukin sa pool. Nagbibisaya talaga si ate mads pag ako kinakausap niya.

Maganda din kasi sa pakiramdam na may nakakausap ka in your native language. Kahit magkaiba ang bisaya ng cebu at davao, nagcclick naman parin kami ni ate mads.

"Ate mads, 20 minutes lang ha." pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Oo na. 20 minutes lang. Dali na pasok na dito para maaga din tayong matapos."

Pumasok na kami sa pool at umupo sa gilid gilid. Nakakatawa talaga yung mga reaction ng teammates ko sa ganito eh kaso di ko sila mapagtawanan kasi kahit ako ganon din ang naging reaksyon.

Mabilis lang naman ang 20 minutes pero pag nasa ice bath ka, parang isang araw na yon.

Pwede din naman mag phone lang kaya nag scroll nalang ako sa instagram kahit lamig na lamig na ako at nag uumpisa nang mamanhid ang aking mga paa.

Pagbukas ko ng instagram, may message akong natanggap from Gel Cayuna.

_gelcayuna: nice game.

deannawongst: same

_gelcayuna: taga cebu ka right?

deannawongst: oo. bakit?

_gelcayuna: bisaya pud ko. skl

deannawongst: hala! ka nice gud makabalo nga bisaya pud ka.

_gelcayuna: mao gani. feeling close kayko kig chat saimo ba

deannawongst: sus okay ra man gud oy.
_gelcayuna: sige. see you sunod na pud.

It's YouWhere stories live. Discover now