Chapter 23: Late Night Talks

80 6 0
                                    

DESTINY

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DESTINY

Gamit ang palad, madiin kong pinunasan ang mga luha kong halos manlagkit na sa 'king magkabilang pisngi. Ilang segundo muna akong nakasandal sa pader bago ko naisipang lumipat sa kama at marahang umupo habang malalim na humihinga dulot ng paninikip ng dibdib. Patuloy pa rin ang pagtulo ng iilang mga luha kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.

Saglit pa ang nakalipas ay bumaling ako sa salamin ng closet ko. Muli ko na namang naalala ang mga sinabi ni Kuya. 'Tang ina niya.

Habang nakapirmi ay paningin ko rito ay basta na lang may kung anong ideya ang pumasok sa 'king isipan. Kumuyom ang dalawa kong mga kamay sa bed sheet saka tumayo papalapit dito.

Mula sa itaas ng closet ay kinuha ko ang isang bag na walang laman. Pagkuwa'y binuksan ko na ang closet ko't kumuha ng damit na pampalit ko sa suot ko ngayon gayundin sa isang pares ng damit na walang pag-aalinlangan kong pinasok sa loob ng bag maging ang iba pang mga kakailanganin. Bumalik na ako sa kama't agad na tinawagan si Lauren.

Alam kong mali ito pero wala na akong ibang choice. Mas lalo akong maiinis kung mananatili ako rito. Kahit ganito kami nina Mommy at Daddy ay 'di pa rin kami ayos saka 'di ko pa nakakalimutan 'yung pagbenta nila sa painting ko nang labag sa loob. Dumagdag pa 'tong si Kuya. Geez lang. Nakaka-puta silang lahat.

d-in-ial ko na ang numero ni Lauren subalit out of the line siya. Marahil naka-off siguro ang kaniyang phone. Sinubukan ko pa ulit pero wala talaga.

Buwisit. Ba't ayaw nilang maki-cooperate?

Sa kadahilang wala na akong mapagpipilian ay mukhang wala na akong ibang magagawa pa kundi ang maghintay hanggang madaling araw.

***

"Dito na lang po, Manong. Para po," wika ko nang makita ang poste.

Bitbit ang aking bag ay kabado akong bumaba ng taxi pagkabayad. Mas humigpit pa ang pagkakahawak ko nang umalis na ang taxi at naiwan na akong mag-isa. Kasalukuyan na akong nasa tapat ng pasilyo papunta sa dorm ni Lorenz.

Sobrang dilim ng paligid at mga ilaw sa poste ang mga naiwang nakabukas. Idagdag mo pa ang malamig na simoy ng hangin na nagpapatayo sa mga balahibo ko.

Mariin akong napalunok at nagpakawala ng hangin bqgo dumiretso sa loob ng madilim na pasilyo. Sa bawat paghakbang ko ay rinig ang bawat yabag na ume-echo sa kapaligiran. Dahil sa pagkapraning ay mas nilakihan ko pa ang mga hakbang ko't nagmadali hanggang sa makaabot na ako sa tapat ng pinto ni Lorenz.

Nang makarating ay nalimot ko pa ang dapat gawin. Naging blangko ang takbo ng isipan ko sa mga sandaling 'yon. Huli ko na lang mapagtantong nagsisimula na namang uminit ang mga mata ko. Natagpuan ko na lang ang aking sariling wala sa wisyong kaswal na kumakatok.

"Lorenz..." tawag ko sa pangalan niya. Nilakasan ko pa ang bawat pagkatok ko. "Lorenz..." pag-uulit ko. Muli akong kumatok ngunit wala pa rin akong tugon na narinig gaya ng mga paang humahakbang mula sa hagdanan. Para bang nawawalan na ako ng pag-asa gayong kailangang-kailangan ko pa naman siya ngayon.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerWhere stories live. Discover now