---


We arrived at the bar 2 hours later. Maaga pa naman pero naisip namin na mabuti nang maaga magsimula para maaga din kaming matapos at makauwi.

Doon na namin tinagpo sila Kiefer kasama ang mga kaibigan niya.

Maya maya naman ay dumating na din si Mela at si Bang.

We were having a grand time. Everyone seems to be enjoying themselves.

Lahat ay napapa tugs tugs sa music. Ang mga bata ay nagsasayawan kasama ang mga kaibigan ni Kiefer.

Palalim na ang gabi, some of our friends seem tipsy pero merong mangilan ngilan na nagcocontrol sa pag-inom. Meron kasi kaming mga designated driver.

Nagbunutan kaming girls before kami umalis ng dorm para alam namin kung sino sino ang pwedeng tumodo at sino sino ang kailangang magpigil.

I took it upon myself na ako na ang isa pang magmamaneho pauwi. Mahirap na kapag isa sa mga bata ang nag drive pauwi. Mabuti nang kaming mga seniors ang umalalay sa kanila.


Habang masaya na nagsasayaw ang mga bata,mas minabuti kong maupo na lang at pagmasdan sila. Iniisip ko kung ganito din ba ako noon, noong panahon na wala akong ginawa kundi pumarty at uminom.

I guess Kiefer really helped me change. Gusto ko din naman ang pagbabago sa lifestyle ko. I am not the party girl anymore. Nagbibiro pa nga sila na ako na daw ang party pooper ngayon.

"Hoy Ye! Ano na? Uupo ka na lang ba diyan?" biro sa akin ni Kim habang nakatayo sila ni Mela at nakikisayaw sa mga bata. May tag isa pang bote ng beer na hawak.

"Ok lang ako dito ano ba kayo. Sige lang. Enjoy lang kayo."

"Asan na ba kasi ang magaling mong boyfriend? Bakit iniwan ka dito?" nakisali na din si Mela sa pagtatanong sa akin.

"Andiyan lang yun kasama nila Pauly. Baka nag restroom lang sandali."


~ARA

Napakabihira ko lang na sumama sa mga kaibigan ko sa mga ganitong bar. Mas gugustuhin ko pa talaga na kumain na lang at mag videoke kesa uminom at pumarty party ng ganito. Pero dahil na din nagyaya si Mika at gusto naman ng mga teammates ko na mag unwind, pumayag na din ako.

Isa pa, kasama naman si Bang ngayon at para masubukan ko naman ang "night life" na sinasabi nila.

Medyo hindi naman ako sanay talaga sa sayaw sayaw na yan kaya matapos ang isang kanta e umupo na ako at pinaubaya ko na muna si Bang kila Kim at Mela.

Umupo muna ako sandali para maubos ko na ang hawak kong gin tonic na inorder ni Bang para sa akin kanina.

Unang baso ko palang ito at hirap na hirap akong ubusin. Sinabi na kasing beer ang gusto ko at akma sa panlasa ko e.

I was sitting in a dark corner nang may marinig akong mga malalakas na boses na halatang nagaasaran sa likod. i think hindi nila ako napapansin kaya inilapit ko ang tenga ko sa kanila para marinig ng mabuti ang usapan. Isa pa, narinig ko kasi ang pangalan ni Mika.


"Sige na pre lapitan mo na!" sabi ng isang lalaki

"Tol, hindi mo ba nakikita? Kasama ko si Mika ano ba."

"E naka upo lang naman yung syota mo dun sa gilid o. Ano ba pre. KJ mo naman e."

"Dadagukan kita diyan Fonzo. Sinabi na ngang faithful ako e. Ano ba naman kayo!" iba ang boses nang nagsabi na KJ daw si Kiefer.

"Faithful pala paps ha. Kaya pala."

"Tarantado ka Ports. Huwag kang magulo diyan! Kapag may nakarinig sa'yo."

"Hahahahaha pero paps, tinawagan mo ba yung isang babae na nagbigay sa'yo ng number nung isang gabi?"

"Diba sabe naman sa'yo ni Mika na kahit anong gawin mo suyuin mo lang siya bibigay na din siya? Wala lang 'to paps. Siya pa rin naman girlfriend mo e."

Dahan dahan akong umalis sa kinauupuan ko. Baka may marinig pa akong ayaw ko naman talagang marinig. Masama pa nito, hindi ko naman gagawin na ikwento kay Mika nang walang pruweba.


~MIKA

I have been sitting here for quite some time now. My teammates have been asking me kung nasaan si Kiefer. I told them na baka nag rest room lang. Aba naman, 30 minutes na yatang nasa restroom.

I am slowly getting worried, but I kept on reminding myself na baka nageenjoy lang siya kasama ng mga kaibigan niya, besides, matagal tagal na din naman yung hindi lumalabas. Parating uwi na agad yun sa bahay after ng training nila.

In some instances na meron siyang commitments, parati naman niya akong tinatawagan at ka face time para magkausap at makita ko pa din siya.

I pacified and reminded myself na wala namang gagawin na masama yun. Paano naman siya gagawa ng kalokohan e kasama nga niya ako mismo dito at nagcecelbrate pa kami ng monthsary.

Kalagitnaan ng pagmumuni muni ko, I felt the urge to pee. Lumingon lingo ako sa paligid para makita kung meron ba akong mayayaya na samahan ako sa rest room but everyone is happily dancing kaya tumayo na lang ako magisa at nagdecide na magbanyo ng solo.

Nadaanan ko pa ang mga bata na nagsasayaw at niyaya pa nila ako na ipakita ko daw ang moves ko sa kanila.

Tatawa tawa pa ako habang naglalakad papunta sa restroom. I told them na iihi lang ako at makikijoin na sa kanila pagbalik ko.

No one was inside nang pumasok ako sa restroom. I was busy doing number 1 when I heard girls talking as they entered the room.


"Ang gwapo pala talaga nung Ravena ano?"

"Oo nga e. Akala ko maliit kasi diba sa picture parang mas matangkad pa yung Reyes sa kanya."


Natatawa ako habang pinakikinggan ko sila. Mas matangkad naman talaga kasi si Kiefer, by 1 inch nga lang kaya hindi masyadong halata.


"Sila ba talaga nung Reyes?"

"Parang hindi naman. Baka for show lang."

"E bakit super sweet sa pictures?"

"For show nga kasi."

"May pag-asa pala talaga si Nikki."

Narinig ko pa ang paglapat ng mga kamay nila. Nag high five pa yata ang mga bruha.

Dali dali kong tinapos ang pag ihi ko at lumabas naman ako agad ng rest room. Ano bang pinagsasasabi nung mga babaeng yun? Mahanap nga si Kiefer. Baka may milagro ngang ginagawa ang lokong yun ah.

Pero hindi. Malabong gawin sa akin ni Kiefer yun. Nagpromise nya siya diba.


Pabalik na ako nang lamesa namin nang maaninagan ko si Kiefer, pangiti ngiti pa ang loko, but he was far from looking at me hanggang may mapansin ako.


I saw a hoe in her little red dress na may sinusuksok na papel sa bulsa ng jacket ng nalintikan kong boyfriend.


Stay With MeWhere stories live. Discover now