XXI

4.6K 101 11
                                    

"Babe, please always remember na you are my own happy place."

~MIKA

The week passed by quickly. Dahil parehas naman kami ni Kiefer na busy sa practice at sa acads, naging bihira kaming magkita. I will always tell him to go home and rest na lang after practice para hindi naman siya mapagod ng sobra.

Araw araw din naman ang training ko at dahil I'm a graduating student, busy din ako sa thesis and the like.

He would keep on bugging me na gusto niya ako dalawin sa school but I would always tell him na magpahinga na lang dahil puspusan ang training nila for the Nationals.

------

It is a Sunday today at kanina pa ako paikot ikot dito sa bahay dahil wala talaga akong magawa. I have already finished my assigned tasked para sa thesis namin and I have passed it sa groupmate ko who was designated to compile everything.

I went down and headed to the kitchen. Mama was in the dining table having her breakfast while reading the newspaper.

"Oh Potch, maaga ka yata nagising. Iniisip ko mamaya ka pa babangon dahil gabi ka na nakauwi from training."

"Ewan ko nga din po ma e. Nagising ako ng maaga tapos tinry ko ulit pumikit para matulog pero ayaw na ako dalawin ng antok e."

"So ano ba gagawin mo today? Gusto mo ako samahan sa ate mo sa Maynila?"

"Uhm, kakatamad ma e. hahaha Magbasa na lang po ako sa library."

"Baka naman may lakad kayo ni Babe?"

"Wala mama. Ito naman kung maka babe."

"Kumain ka na nga dito. In 30 minutes tatawag na sigurado yang babe mo."

So I sat in papa's usual seat and started to have breakfast nang biglang magring ang cellphone ko.

"Ay mali pala hula ko, hindi pala 30 minutes, 3 mins pala." biniro pa ako ni mama bago ko sinagot ang telepono.

~KIEFER

Naging sobrang busy kami ni Mika parehas sa training this week. Kahit pa ilang araw ko na siyang pinipilit na magkita kame, parati niya akong sinasabihan na magpahinga na lang daw at ireserve ang energy ko para sa training.

Perk of having an athlete girlfriend.

Naiintindihan niya ang ginagawa ko, someting na hindi agad agad matatanggap ng ibang babae kapag walang oras ang mga boyfriend nila para sa kanila.

Kanina pa ako nagiisip ng pwede namin gawin ni Mika ngayon. Alam ko na wala din siyang naka schedule na activity ngayon and she told me last night na tapos na daw niyang gawin ang assigned task niya for her thesis.

Kanina ko pa pina iikot ikot ang telepono ko habang nakaupo ako sa kama. Si Thirdy naman ang lakas pa ng hilik sa kabilang kama.

Binuksan ko ang camera roll ng telepono ko at nakita ko ang mga litrato namin ni Mika kasama si Nico at Yanna.

I exited my camera roll in an instant and went to my contacts.

CALLING MARTIN

"Yo Marts, good morning bud. I hope hindi kita nagising, may itatanong lang sana ako sa'yo..."

---

Pagkatapos naming magusap ni Martin, dali dali akong nagshower at tinawagan ko naman si Mika para yayain na lumabas.

She has no clue kung saan kami pupunta.

I initially called martin para malaman kung saang depressed area ko pwede puntahan sila Yanna at Nico, I was pretty surprised to find out na ulilang lubos na pala ang dalawang bata.

Stay With MeWhere stories live. Discover now