Kabanata 18

Depuis le début
                                    

"Go on..." he sitted while looking at me with a bored face.

Lalo tuloy akong nahiya at napaiwas ng tingin sa akin.

"She always wants me to watch it..." tumikhim ako.

"Nanood ka ng porn?" suminghap ako sa bulgar niyang salita.

"Hindi!" halos isigaw ko na 'yon sa mukha niya.

Akala ko ay inuwi na 'yon ni Cassie  sa kanila. Pero nilagay niya naman pala sa lagayan ng mga CD. Paano kung nakita 'yon ni Tita Kilari? Gosh! Pahamak talaga ang babaeng 'yon!

"Then what's that?" nakagat ko ang ibabang labi ko.

Nakita kong tumingin siya roon pero agad din nag-angat ng tingin sa mukha ko.

"Akala ko inuwi niya na 'yan sa kanila. Hindi ko naman alam na nandyan pa pala! I swear! I never watch porn videos!" mas nagtunog depensa ang boses ko.

Gumapang siya palapit sa akin at mabilis na nakarating sa pwesto ko. Naiatras ko ang aking katawan ng ilang pulgada na lang ang layo ng aming katawan sa isa't-isa. He was fast that he was able to take the CD on my hand at my back. Umupo siya kaharap ko at binuksan ang lagayan ng CD.

Suminghap ako ng baliin niya ito sa gitna. Hindi lang isang beses kundi ilang ulit niya itong binali. Hindi pa siya nakuntento na pati ang mismong lagayan nito ay pinunit-punit niya.

"Don't watch porn." Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan.

"Eh, bakit ikaw? Hindi ka ba nanonood ng porn? I know most of the boys watching porn just to satisfy their needs. Bakit sa babae big deal na nanonood ng gano'n?" hindi ko na mapigilang maiusal.

Nagdilim ang tingin niya sa akin. His adam's apple moved and his jaw clenched. Napatitig ako sa kanyang labi ng kinagat niya ito dahilan para  mabasa.

"Hindi ko sinasabi na bawal sa mga babae ang manood niyan, Milada. I'm just saying that... fuck!" nanlaki ang mata ko ng magmura siya.

He even scratched the back of his head and tilt it. Mariin ang tingin niya sa'kin na parang hindi siya makapaniwala na hindi niya masagot ang tanong ko.

"Let's... let's just watch a movie, Milada. Set it up," pagkatapos ay tumayo siya bitbit ang pira-pirasong CD.

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko dahil sa malakas na kabog nito. What was that?

Hindi naman nagtagal ay bumalik siya at napanatag naman ako ng mas mukha na siyang kalmado kumpara kanina. We decided to watch a Korean movie which is a werewolf boy.

I'm still sniffing even the movie was already ended. Nanatili namang tahimik si Amadeus sa tabi ko at inaabutan ako tissue kapag kinakailangan.

"Stop crying, Milada..." hindi ko alam kung ilang beses niya na ba 'yon sinabi sa'kin.

"I didn't know that it was a heartbreaking movie! Bakit iyon ang pinili mo!" halos sisihin ko siya dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa naging ending ng palabas.

He sighed. He looks troubled because of me. Napanguso ako ng walang makuhang sagot sa kanya. Suminghot ako at pinunasan ang maaring sipon sa butas ng ilong ko.

"I thought it was an action movie. Hindi ko alam na gano'n," mahinahon niyang sabi.

Hindi ako sumagot at tipid na lang na tumango. Nilagyan niya ng tubig ang baso at inabot sa akin. Nagtaka pa ako noong una pero kalaunan ay tinanggap ko na lang din at uminom.

What a gentleman!

"Feeling better?" I nodded.

"Let's not watch it again then," seryoso ang pagkakasabi niya no'n.

Secret GlancesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant