Huling huli ni Proserfina ang pananaas ng kilay ni Kurt. Hindi niya alam kung para saan iyon pero iba ang kutob niya. Pakiramdam niya ay may ibang balak si Yohan at Kurt. Paanong nag-iimbestiga sila gayong wala ni isa sa kanila ang nagreport ng tungkol doon.

Napayukom ang kamao ni Proserfina bago muling sinulyapan si Madam Terry Sassy, "What do you want me to do, Miss?" Bahagyang nanigas ang panga niya ng titigan ang bawat pahina na hawak ni Madam Terry Sassy kanina. Lahat iyon ay may lagda ni Leighton Solon, lahat ng iyon ay orihinal.

Pagdroga ang sangkot sa usapan ay lalo lamang siyang nagagalit sa mundong gingalawan. Droga ang dahilan kung bakit magisa siya sa buhay. Droga ang dahilan kung bakit kailangan niyang mas maging matapang, malakas, at walang kinatatakutan.

Ngayong nakumpirma niyang si Leighton Solon ang totoong nasa likod ng drogang sinasabi ni Yohan, kahit pa may ibang tao sa likod ng transaksyong ito. Kailangan na niyang mahanap ang microchip upang mailantad na niya sa publiko ang mga ilegal na trabaho ni Leighton Solon at pati narin ng yumaong ama.

"Hera,"

Napatunghay si Proserfina,

"Gusto kong talikuran mo ang misyong ibinigay sayo ni Mr. R..." Deretso ang mga mata ni Terry Sassy na nakatitig kay Proserfina.

Napatuwid siya, "Miss?" naguguluhan sa mga nangyayari.

Bahagyang umubo si Kurt at Yohan habang si Eya naman ay mukhang alam na ang mga mangyayari.

"Iyon ang gusto ko, Hera. Gusto kong lubayan mo si Leighton Solon." Ngumiti ito at saka tumayo. Pinagpag ang nagusto na skirt at saka nilibot ang mga mata.

"No... Hindi. Alam mong hindi papayag si Mr. R kung... kung basta ko nalang tatalikuran ang misyong 'to." Naiiling niyang hinarap ang titig ni Terry Sassy, "at paano ang microchip na naglalaman kung sinu-sino ang mga taong nasa likod ng mga malalaking sindikato na patuloy na sumisira sa reputasyon ng ating bansa, Miss?" Matigas niyang tanong.

"Iyon ba talaga ang dahilan? Ang nilalaman ng microchip?" Naglakad lakad si Terry Sassy sa kabuoan ng headquarter nila, "importante ba talaga sayo ang nilalaman noon?"

"Miss..."

"Alam ko, at alam ng mga kasamahan mo na hindi iyon ang dahilan kung bakit kating kati kang mapalapit kay Leighton Solon. Hindi ang sindikato o kahit ang punyetang repustasyon na iyan ang dahilan kung bakit nagkakaganito ka!" Bulyaw nito na nagpayuko sa kanilang apat.

"Kulang ka sa mga impormasyon, Hera. Ngayon lang kita nakita na sumugod sa isang gera na kulang ang dalang bala." Tumawa ito.

"I'm sorry, Miss... pero hindi ko tatalikuran ang misyong 'to dahil lang sa kulang ang mga impormasyong hawak ko. Dugo at pawis ang puhunan ko kung bakit nasa harapan mo ako ngayon. Kaya kong isugal ang buhay ko para sa microchip at sirain ang buhay ni Leighton Solon..." Mariin niyang katwiran.

Napuno ng katahimikan ang silid. Wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Naroon si Kurt na nakahilig lamang at si Yohan na malayo ang tanaw. Si Eya na nakasugpong ang mga palad habang nakayuko.

"Fine... kung iyan ang gusto mo. Galingan mong magpanggap, Hera. Ayokong pagsisihan mo ang lahat ng ito sa huli..." Pagsuko ni Terry Sassy.

Mukhang hindi na nito maawat ang dalaga sa mga plano nito na mapalapit kay Leighton Solon. Alam ni Terry Sassy na ang kasalanan ng ama ay hindi kailanman naging kasalanan ng anak. Natatakot siyang kamuhian ni Proserfina ang sarili sa oras na lumantad ang katutuhanan.

Magaan ang pakiramdam ni Proserfina habang nakaupo sa tapat ng fountain kung saan ay nakaharap sa mansion ng mga Solon. Ilang araw din niyang hindi nakita si Leighton. Kaya't hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng hiya. Idagdag pa ang impormasyong tungkol sa droga. Pero hindi maalis sa isip niya ang pagkaaligaga na makita ang lalaki.

Flaming June (Calendar Girl Series #6)Where stories live. Discover now