Prologue

202 7 0
                                    

--

Prologue





Ito na ba iyon? Tanong ko sa sarili, nasa harapan ako ng may kalakihang bahay na may puti at blue. Parang water refilling station. Pero cute, kumportableng tignan.

Agad kong hinila ang maliit kong maleta, kunti lang ang damit ko, wala kaming pera para bumili, at nasa bag ko pa ang ibang gamit at uniform na nabili. Second hand lang iyon pero kasya sa katawan ko, maliit kasi ako, kinulang sa height ngunit mahubog naman ang katawan. Sakto lang tignan, ngunit maliit nasa 5'0 o 4'11. Pang highschool parin ang height ko, unfair minsan ni Lord.

Nang makapasok ako sa gate, bukas kasi, pumasok na lang ako. Pinihit ko ang doorknob ngunit lock iyon, bumuntong hininga ako at kumatok sa pinto. Nabanggit ng Tita Lusile na nandito rin ang anak nito, mag aaral din sa paaralan na papasukan ko. Buti nalang pala may makikilala ako.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto iniluwal ang lalaking naka-jersey, napakatangkad, tumingila pa ako para makita ng mukha nito. Ngunit ang lalaki ay nakatingin sa likuran parang nag tataka.

Hindi niya ba ako makita? Gusto kong magpapadyak sa inis dahil sa lalaking ito! Pinapaalala niya ang kinulang kong height! Pesti naman e!

"Tingin sa baba." Kahit iritado ako habang sinisabi iyon, agad naman tumingin ang dambuhalang lalaki sa baba, umawang ang labi ko ng makita ang mukha nito.

Hindi naman sa sobrang gwapo nito kundi sa gulat! Hindi pwedi!

Tulad ko ay gulat rin ang lalaki, mas naunang itong nakabawi sa gulat at ngumisi pa, mas lalong kumulo ang dugo ko sa pag ngisi nito. Bwesit talaga! May balat yata ako sa pwet napakamalas ko naman, ang aga aga eh! Pesti talaga!

"Ang liit mo parin Kassandra HAHA," pang aasar ni Hanzo, mas lalong madagdagan ang inis ko rito, tinignan ko ito ng masama.

"Ang pangit mo parin Hanzo." Sabat ko rito pabalik, tumawa lang ito at niluwagan ang pinto, sumama ang mukha ko at napilitang pumasok sa bahay. Hindi ko namang akalain na anak ito ng kaibigan ng Mama ko! Tangina naman!

Kahit ayaw kong makita ang mukha nito ay lumingon parin ako para tanongin kung saan ang kwarto ko. "Asan ang kwarto ko nang mailagay ko na ang mga 'to." Mataray kong sabi at itinuro pa ang bagahe ko, hindi nito pinansin ang tono ko. Hindi man lang mainsulto tsk.

"Sa taas-," hindi ko na ito pinatapos at pumuntang taas agad dala ang mga gamit ko. Agad ko namang natagpuan dahil lahat doon lock ang mga kwarto at tangging isa lang ang hindi.

Maaliwalas ang kwarto, binuksan ko ang cabinet, ang kaliwang parte ng cabinet ay may mga damit na, ngunit sa kanan ay wala kaya doon ko na lamang inilagay ang damit ko. Isa lang rin ang unan sa kama, ayos na siguro iyon. Mag isa lang naman ako, mukhang bago at malinis ang comforter, kahit papaano ay kumalma ako.

Ngayon ng matapos ako ay inihiga ko ang sarili sa kama, may ilang pawis pa sa noo ko, pinikit ko ang maya ang akala ko tahimik akong makakapaghinga ngunit bumukas ang pinto at narinig ko ang pag sigaw ng bakulaw na si Hanzo.

"Hoy! Kwarto ko 'to!" Napadilat ako at nabakas ng pagtataka ang mukha ko, sabi niya sa taas? Eh, isa lang ang kwartong bukas.

"Nakalock lahat ng kwarto pangit! Nag papahinga ako ano ba! Bwesit, isturbo!" Asik ko rito, nangunot ang makapal na kilay nito at tumawa lang nang parang nababaliw.

Bed ClashWhere stories live. Discover now