Prolonged

4 0 0
                                    

*Charlie message you*

One pop up a message from someone I shortly knew. One notification that got my attention, but I denied my urge to read and continue what I was doing. But technically speaking, I wasn't really doing any serious thing, I was just buying some time or two before to pay my whole attention to it. After all, I said that I barely knew him. 

Well, he is my classmate. No, he isn't actually, he is my program-mate rather. We share the same school, the same program, only that we came from different section. Charlie Philip B. Mariano, hmm... what's up with you? 

Don't get me wrong, okay? It was an expected message, I don't him and how he looks, and etc. That is why, I thought of what can it be his intention for a message. 

"CJ!..." Nagising ako sa malalim na pag iisip sa tawag ni papa, I look over to our kitchen counter, I am in our mini sala, not far from our kitchen area, just seating and doing my schoolworks. "...bumili ka nga saglit ng mantika, bilisan mo at gagamitin ko na." Pagtutuloy nya ng kanyang utos, pagkakita nyang nakuha na nya ang attention ko. 

For a while, I just stare at him without a response, still processing what he just said, because I was too busy overthinking about small things. After a while, I said "Okay po pa." And got up to where I was seating and get the money from him. Pagkakuha ko ay lumabas nako ng bahay at tumunga na kila aling Aiza kung saan ako madalas bumibili. Medyo may kalayuan ang tindahan nila, kung tutuusin may madadaanan pa kong tindahan bago ang kila ate Aiza, kaso doon ko talaga gustong bumibili. Sabihin nalang natin, dahil nakakautang kami sakanila kaya naging suki na nila ko. 

On my own way to their sari sari store, I can not help but notice how hot is the weather outside. Its already 3:00 pm, pero tirik parin ang araw. Mas lalo pang nagpainit ng panahon ang pagkawala ng mga puno matapos palawakin ang daan dito samin. Pinutol nila ang mga puno kasama na ang punong mangga na nandito na bago pa kami nakalipat sa baranggay na 'to. Ang alinsangan tuloy lalo, wala ng kumukontra sa init ng araw, kaya direkta na itong tumatama bahay namin. 

Nakarating na nga ako kila aling aiza, "Pagbilan po aling aiza..." Pauna ko para tawagin ang tindera. 

Pamaya-maya lumabas ang maputing ale mula sa kanilang kusina. "Ano yun CJ?" Anang nya ng nakangiti sa akin.

"May mantika po kayo ate aiza?" Tanong ko, tumango lamang sya. "Pagbilan po ng limang pisong mantika po." Pagpapatuloy ko.

Kumuha sya ng nakabalot na mantika sa maliit na plastik at inabot sakin, inabot ko na rin ang bayad. "Salamat po." Anang ko at patalikod na sana ng magsalita pa ang ale.

"Diba CJ College kana?" Pagtatanong nya kaya't humarap ako muli sakanya.

Nginitian ko sya sabay sagot, "Opo."

"1st year?"

"Opo"

"Ano ulit kurso mo?" Pagpapatuloy nya ng tanong.

"I.S. po" Saad ko naman.

Tila bago sakanya ang sinabi ko dahil kumunot ang kanyang tanong, kaya muli akong nagsalita.

"Information system po, ate." Pagdurugtong ko.

"Ah parang I.T. ganun?" Paghihinuha pa nya. "Ade, nag co-computer-computer din kayo nyan?"

Ngumiti ako ng marahan at tumango nalang. " Opo Ate."

"Ah ganun ba, diba sa EXACT ka nag aaral?" Pagtatanong pa nya. Tumango na lamang ako bilang tugon. "Doon rin kasi nag aaral girlfriend ng pamangkin." Pagbibigay alam nya, na ikinatango ko nalang po at sabay ngiti. 

" Osiya, pagbutihan mo sa pag-aaral. Wag mo muna magbo-boyfriend." Pangangaral naman nya ngayon. "May boyfriend kana ba pala nyan?" Pag-uusisa pa nya na kinakamot ko nalang ng aking ulo.

'Si Aling Aiza talaga, napakamatanong, mantika lang binili ko bakit nagkaunli Q and A na' bulong ko sa isip ko bago sumagot sakanya. "Wala papo" nahihiyang tugon ko.

"Maganda iyan, para focus ka muna sa pag-aaral. At ng makatapos kagad, matulungan mo naman ang mga magulang mo." Pagpapatuloy nya s pangangaral. Ngumiti nalang ako at tumango bago nagpahiwatig na aalis na, ngumiti nalang ang ale na kinasingkit ng kanyang mga mata. Tumalikod na nga ako sakanya at naglakad pabalik sa amin.

Mabait naman si Ate Aiza, matanong nga lang. Napatawa ako ng mahina sa isiping iyun at bumuntong hininga. Lingid sa kaalamanan ng lahat, at kahit ng mga magulang ko, na nagka-jowa nako, good for 1 year din kami. 7 months kaming nagkasama, while the rest is LDR na matapos nag-lockdown after lumaganap ang pandemic sa buong mundo dahilan para tumigil ang lahat sa kinagawian nito. Kasama na ang mga paaralan, at kalauna'y pinatupad na ang online school. Kaya't kasalukuyan akong nag-o-online schooling sa pribadong paaralan ng EXACT COLLEGES OF ASIA. Libre naman ang programa nila, dahil sa scholarship na suportado samin. Kaya napagdesisyunan ko ng dito magkolehiyo kasma ang aking kaibigan na si Nikkie. 

Nakabalik nako sa aming bahay at inabot kay papa ang binili kong mantika. "Katagal mo naman yata? SA kabilang baryo ka pa ba bumili?" Sarkastimong tanong nya. 

"Eh si ate aiza eh, kadaming tanong, ni-interview pa ko." Pagpapahayag ko, na di na naman na pinansin ng aking ama at bumalik na sa pagluluto. 

Samantalang bumalik na rin ako sa pwesto ko sa sala, at hinarapan uli ang aking ginagawa. Gaya ng sabi ko, online study muna ang ganap namin, ngunit balita ko'y unti unti na ring babalik ang f2f class sa susunod na taon. 

Speaking of, napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa aming pintuan, Nobyembre na ngayon taong 2021, nalalapit na ang pagtatapos ng taon, ganun na rin ang 1st semestral ko bilang freshman, at higit sa lahat nalalapit na rin ang ika-labing siyam ng aking kaarawan. Mula talaga ng nag lockdown, ang bilis nalang lumipas ng panahon, parang kahapon lang senior high pa lamang ako ngayon ay kolehiyo na ako. Sa susunod kaya san nako dadamputin ng hinaharap?

Nagpangalumbaba ako habang tumitig sa kawalan, walang ideya sa kung anong nahihintay sakin sa future, na syang kinatatakutan ko. Takot sa kawalan ng kaalaman sa kung anong kahaharapin ko, kung kakayanin ko ba, o ano?

'God be good to me.'

Umalis ako sa pagkakapalumbaba at umayos ng upo, kailangan ko ng kumilos ng hindi masayang ang oras ko, tinignan ko ang orasan sa phone ko, 3:35 na rin pala, 5:00 pm ititigil ko ang ano mang ginagawa ko para gawin ang ibang bagay na tanging nagpapagaan sa pakiramdam ko. 

Ang pagsasayaw. Sa pagsasayaw lamang ako nakakaramdam ng kakaibang kapayapaan. Bagay na diko magawa katulad ngayon na kung ano ano nalang ang iniisip at inaalala ko. Sa pagsasayaw ko lang din nalalabas ang bahagi ng pagkatao kong alam kong nakakubli sa mahiyain kong personalidad. In short, masaya ako sa habit kong pagsasayaw. Ito ang naging kanlungan ko matapos ng naging recent break-up ko, dito ko nahanap ang sarili ko, at dito ako muling nangarap.

Binuksan ko ang MSWord sa phone ko at nagsimula ng gumawa ng assignment. Sa huli, napabuntong hininga ako, naghahanda sa oras na gugulin ko para dito, habang nakalimutan ko na ang mensaheng di ko pa na babasa kanina. Little did I know, the moment I received that message was the opening of my new chapter. 

----- to be continued 


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UnexpectedWhere stories live. Discover now