Tuluyan nang nakatayo si Justine at pinaupo na lang muna sya ni Maice sa monoblock.

"Sure kang okay kana ha? Grabe pinakaba mo ko." Sabi ni Maice sa kanya "Naglalakad lang naman tayo tapos bigla kang natumba" dagdag pa nito

"Nagulat din naman ako, malay ko bang tatamaan ako ng bola." Sabi naman ni Justine tyaka sya uminom ng tubig na galing kay Kylie.

"Ito ngang si Craye nakatingin lang kay Justine, totoo Craye? Wala manlang pakialam?" Pang uusig ni Gianne sakin.

"Tsk! Hindi na ko magtataka." Mahina ngunit narinig kong sinabi ni Maice

"Tsss! Maice." Pigil ni Justine at tiningnan lang nito ito.

"Mas mabuti pa sigurong umuwi na tayo, kanina pa din naman tayong naglalaro dito at para makapag rest na din si Justine." Suggestion ni Angel

"Wait, yung mga tickets ko? Malapit na yung mag 10k." Reklamo naman ni Sandy

"Pwede ba Sandy, next time na yan." Pambabara sa kanya ni Sally

"Okay, sabi ko nga next time na." Pagpayag ni Sandy

Sa huli ay nagkanya kanya na lang kami ng uwi, sinakay ko na si Mon at si Kylie naman ay may sariling kotse.

Napansin kong hindi pa naalis ang kotse ni Maice, si Justine ay nasa labas pa din ngunit sina Sally, Sandy, Angel, Gianne at Kylie ay nakaalis na.

Gusto kong kamustahin si Justine pero paano? Bahala na pero kailangan kong mapanatag kaya tatanungin ko na.

Lumabas na muna ako ng kotse ko at pinuntahan si Justine.

"Hi." Nag-hi ako tyaka ako ngumiti sa kanya

"Hi Craye, bakit hindi pa kayo nauwi ni Mon?" Tanong sakin ni Justine

"Ikaw, kayo ni Maice bakit hindi pa din?" Balik tanong ko

"Ahh may binibili lang sya sa loob, iintayin ko na lang dito." Sagot sakin ni Justine

"Ikaw, okay ka lang ba? Kamusta ka kanina?" Nag alala talaga ko sa kanya, nashock lang talaga ko kaya hindi ko sya natulungan

"Yeah! No need to worry, okay na ko simpleng bola lang naman yun ihh. Nagulat lang talaga ko kaya ako natumba." Explain ni Justine

"Mabuti naman, aiii thank you nga pala dun sa lunch kanina ha. Tyaka sa cream brulee, nagtataka ako bakit alam mo favorite ko?" Natatawa kong sabi sa kanya

Natawa sya at tumingin sa ibaba.

"I have ways." Yun lang ang sinabi nya

"Bakit mo ginagawa yun?" Wala sa planong tanong ko sa kanya kaya napatingin sya sakin

"Bakit bawal na ba? Pinagbabawalan kana ba ni Kylie?" Balik tanong nya sakin

"Aiii hindi hindi, nagtataka lang." Nakangiti kong sagot sa kanya

Ang sarap pala nyang kausap, sana ganito na lang kami lagi. Kahit ganito lang.

"Pero yung totoo, binilhan kita kasi nakita ko kayo kanina ni Kylie sa Univ. na ineenjoy ang mga games at rides so napansin ko na pass lunch na pero hindi pa din kayo natigil kaya ayun, binilhan kita muka namang nakain mo sya diba?." Kwento nya sakin

"As always, you are my savior." Nasabi ko na lang

Ewan ko pero nakakataba ng puso ang mga sinasabi nya sa akin, lahat ng pain na naramdam ko kanina ay nawala dahil sa kanya, ang simpleng usapan na ito namin ni Justine ay hindi ko makakalimutan.

"Alam mo Craye, minsan nakakainggit na din si Mon sobrang swerte nya sayo bilang best friend mo. I mean, I have Maice naman pero basta sobrang bait mo kasi, kung best friend kita hindi na kita ipagpapalit pa." Mahabang litanya ni Justine habang nakatitig sa akin

It's overwhelming! Minsan lang magsabi si Justine nang ganyan at once in a blue moon lang din kami mag usap ng ganito. Sa sinabi nyang yon ay okay na ko, napanatag ako kasi sobrang naguilty ako sa sinabi kanina ni Gianne at Maice sa akin.

Si Justine yung kaibigan na hindi magtatanim ng sama ng loob sayo, gagawin ang lahat pag kailangan mo.

Perfect best friend, I guess.

"Sorry nga pala kanina, hindi kita natulungan. Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong tulungan ka that time." Paghingi ko ng sorry sa kanya

"Anu kaba." Humawak pa sya sa dalawang balikat ko gamit ang dalawang kamay nya, "okay nga lang ako, promise itetext pa kita kung buhay pa ko pagkauwi ko." Natatawa nyang paliwanag sakin

Hindi parin traydor ang puso ko, malakas pa rin talaga ang tama nito sa kanya.

Ang ganda nya, swear.

"Ohhh lakad na, baka magalit na si Mon sayo." Sabay nguso nya kay Mon na nasa likod ko. "Tyaka wag ka ding nagbu-blush, cute mo ehh." May pahabol pa syang kurot sa pisngi ko.

Tsss!

Natawa ko sa sinabi nya, sobrang obvious ko na ba? Pero sino ba naman kasing hindi kikiligin sa ginawa nya.

"Aba Craye! Wala kang balak umuwi? Sabihin mo kung sasabay ka kay Justine ay okay lang naman sakin, akina yang susi mo at ako na mag uuwi nang kotse mo." Reklamo ni Mon mula sa likod ko kaya napatingin ako sa kanya

"Lakad na at baka bumuga pa yan ng apoy dito." Pagkasabi non ni Justine ay bumeso sya sa akin at sumakay na sa kotse ni Maice

Naiwan akong tulala.

How can I resist her, right?

"Craye! Ano ba? Nakakahiya kana jan, nakapasok na si Justine sa kotse ni Maice." Sigaw muli ni Mon kaya natauhan akong muli

"Oo Sige, anjan na. Andami namang sinasabi nito ohhh." Sabat ko kay Mon, nakakainis ehh minsan lang kami ganito ni Justine eeksena pa.

Naglakad na ako papunta sa kotse ko, pumasok na agad ako sa loob at pumasok na din si Mon.

"Crush mo na ba? Kacrush crush no?" Nakangiting sabi ni Mon sakin. "Pero ang totoo mahuhulog ka talaga sa kanya dahil sa kindness na meron sya." Dagdag pa ni Mon

Hindi na lang ako nagsalita, kung alam lang ni Mon na hindi lang crush ang feelings ko sa kaibigan nya baka napaghahampas na ko nito, lalo na siguro kung alam nyang gusto ko na tapos ganon pa treatment ni Justine sakin.

Malala na siguro ang panunukso nito sa akin para kay Justine.

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now