Chapter 1

66 6 2
                                    


It's 5:30 in the morning nang magising ako sa alarm ko. Today is our first day of school. 8:00AM pa naman ang start ng orientation pero kailangan kong gumayak nang maaga dahil siguradong ma-traffic. Alam ko rin naman na buong araw ay puro orientation lang kami na taon-taon ginagawa at pare-pareho lang naman ang sinasabi. Medyo umay na nga rin ako.

Sa dalawang buwan na summer vacation ay parang hindi naman ako nagbakasyon talaga dahil nagtatrabaho pa rin ako as a part timer sa coffee shop ng daddy ko. Nakakapagod pero worth it naman dahil binibigay niya ang sweldo ko every end of the week.

Kagabi ko pa naayos ang mga gamit ko kaya wala na akong ibang gagawin kundi maligo nalang at magbihis. At isa pa pala, kailangan kong gisingin ang kapatid kong tulog mantika.

Pareho kami ng school pero magkaiba kami ng course. HRM student ako sa Junior year at Business Management naman siya sa ganoon ding taon.

Lumabas ako ng kwarto ko para magpunta sa kwarto niya na katabi lang rin ng akin. Pag bukas ko ng pinto ay tulog pa nga siya. Malamang ay pagod dahil sa practice ng pep squad. Last month pa kasi sila nag start ng practice do'n para sa darating na college intramurals.

"Natania, gising na." pang gigising ko rito habang kinakalabit ang braso niya pero hindi ako pinansin. "Natania, 5:30 na may pasok pa tayo." pag uulit ko.

"5:30 pa lang pala, maaga pa..." ungot niya.

"Mabagal kang mag ayos kaya kailangan mo nang gumising. Kung hindi ka sasabay sa akin papasok bahala ka na sa buhay mo." pagtatapos ko ng usapan.

"Oo na. Aga aga pa eh!" reklamo niya pero tumayo rin naman at padabog na nag martsa papasok ng banyo.

Ganon din ang ginagawa ko. Naligo na ako at nagbihis. Alas sais pasado nang matapos akong mag-ayos sa sarili ko. At siyempre pa, hindi pa tapos si Tania. Dumaan ulit ako sa kwarto niya bago bumaba. Nasa loob pa siya ng banyo kaya kumatok ako nang bahagya. Sapat lang para marinig niya.

"Sa baba nalang ako maghihintay. Dito ba tayo mag bi-breakfast o sa school na?"

"Para namang may pagkain tayo sa fridge. Hindi pa nga ako nakakapag grocery." sigaw niya pabalik.

Oo nga naman. Siya ang nakatoka lagi do'n. Pero dahil na-busy siya ay hindi niya pa nagagawa.

"Gusto mo bang ako nalang ang mag grocery mamaya? Wala naman akong gagawin." alok ko dito.

"Wala naman akong practice mamaya dahil pahinga kami ng one week. Samahan mo nalang ako."

"Sige. Hintayin nalang kita sa baba."

"Okaaaaayyyy."

Nang makababa ako ay kumuha ako sa fridge ng dalawang fresh milk at biscuit. Pantawid gutom namin bago makapag almusal ng totoong pagkain.

Halos thirty minutes din akong naghintay na matapos siya. Pag baba niya sa living room ay hindi pa rin siya tapos mag ayos. Napakunot naman ang noo ko sa suot niya.

"Ano ba naman yang suot mo? Tinitipid ka ba sa tela ng mga binibilhan mo ng damit, ha?" tanong ko nang hindi inaalis ang tingin ko sa suot niyang mini skirt.

"Ngayon lang naman dahil first day. Maraming poging magsisilabasan ngayon sa orientation lalo na yung mga varsity players. Siyempre, kailangan mapansin ako." ani niyang nagpapa cute pa sa harap ko.

"Masyadong maikli 'yang suot mo. Mabastos ka pa niyan, eh." reklamo ko ulit.

"Eh, nandiyan ka naman, eh. Please, Tash, kagabi ko pa hinanda 'tong outfit ko na 'to." pagpupumilit niya.

CHANGE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon