Chapter 22

4.8K 103 2
                                    

"Pagpapatawad at Bagong Kabanata,"

HALOS magulat ang magulang ni Logan ng makitang magkahawak ang kamay nilang dalawa kaya naman agad itong lumapit sa kanila at doon na inamin ng kanyang asawa na nakakaalala na ito.


Diretsyahan pa nga nitong sinabi na buntis na siya. Masayang-masaya sila sa nalaman nila kaya naman after ng party nag paiwan siya para makasama pa ang asawa niya.


"Take care of my sis or els—"


"Okay Alex" pagputol ni Logan sa sasabihin ng kanyang kapatid sanay din itog tawagin ng kanyang asawa bilang alex since magkababata nga ang mga ito.


"Okay sis aalis na kami nila mom and dad" paalam pa nito  sa kanya saka niyakap siya "Siya nga pala weird maglihi itong kapatid ko kaya be ready" wika pa nito kay Logan.


"Alexandra" pag suway naman ng mommy nila at nilapitan siya para halikan sa noo "Just call if you need us okay?" Saad nito sa kanya.


"Opo po, Ingat po kayo" paalam niya rito.


"Logan ikaw na bahala" saad pa ng daddy nila sa asawang si Logan saka bahagyang tinapik ang balikat nito.


"Ingat po" wika ng kanyang asawa sa mga ito pagkaalis ng mga ito ay nagpaalam na din sila sa magulang ni Logan na uuwi na miss na miss niya na talagang makasama ang asawa.


"Are you ready to go home wife?" tanong nito sa kanya habang kinakabit ang seatbelt niya.


"Oo" sagot nito sa asawa.


Sa kabila ng pag byahe nila napatingin siya sa asawa.


"Logan?"

"Hmm?"


"Uhm…B-Balak kong dumalaw kay tita sa kulungan" saad niya rito kaya naman sandali siya nitong tiningnan.


"Ready ka na ba na makita siya?" tanong nito bago nito hinawakan ng libre nitong kamay ang kamay niyang nakapatong sa hita at ang  isang kamay nito ay naka hawak sa manibela.


"O-Oo.. gusto ko na din kasi siyang makausap" sabi niya pa naramdaman niya namang pinisil ni Logan ang kamay niya.


"I'll go with you" 

"Sigurado ka?"


"Yes, gusto kong makita siya" sambit nito bago siya ginawaran ng halik sa kamay.


Nang makarating na sila sa bahay nila nagbihis na agad siya ng pajama may ilang damit nga pala siyang naiwan dito.


Matapos nilang magbihis na dalawa nahiga na sila sa kama. Nakaunan siya sa dibdib ng asawa habang hinahaplos nito ang buhok niya.


"Wife?"


"Hmm?" sagot niya mariin siyang pumikit dahil nakaramdam na din siya ng antok.


"Kung hindi siguro ako ninakawan ng tita mo, siguro hindi kita makikilala" wika nito.


"Sinasabi mo ba na si tita ang naging tulay nating dalawa?" tanong niya rito.



"I think yes, may part saakin na galit ako sa ginawang niyang kasalanan pero yung naging resulta ng ginawa niya parang gusto ko na lang siyang pasalamatan hindi man maganda yung ginawa niya pero binigay ka niya saakin," Noong una gusto ko lang talaga mag higanti dahil ayaw na ayaw kong natatalo ako but "Then you came you changed my life nabago lahat ng gusto kong mangyari all I need to do is to protect you" sambit nito.




Heartless Billionaire (COMPLETED)Where stories live. Discover now