"Oh sige na nga ang kulit mo din eh, teka magpapalit lang ako ng damit" aniya.


Agad din siyang nagpalit at sumama na kay Alexandra nagtungo sila sa isang mall na never niya pang napuntahan kung ano ano ang binili sa kanya ni Alexandra, may pabango, dress, pajamas at jewelries.

"Ang dami nito Alexandra"


"Kulang pa nga yan eh, oh wait mag tingin na kaya tayo ng gamit ni baby" 



"Hindi pa nga natin alam kung anong gender ng baby eh" aniya rito.


"Eh magtitingin lang naman tayo"


"Sabagay sige tara"


After nilang bayaran lahat ng pinamili nila agad silang nagtingin ng mga gamit for baby.


"I'm excited na sa baby O.m.g! look at this oh ang cute" wika nito habang ipinakita sa kanya ang isang maliit na damit na pang babae "Kung girl man siya sagot ko na lahat ng staff niya"


"Eh paano kung boy?"


"Well let see but i bet its a girl,"


Kahit siya ay excited na din sa anak niya I mean anak nila ni Logan kung ano man ang gender nito pinangako niyang mamahalin niya ito ng buong buo. 


Matapos nilang maglibot nagpasya na din silang umuwi kaya naman nagpahinga na lang siya sa kwarto niya.



KINABUKASAN maagang  siyang nagising para pumunta sa garden  doon kasi siya madalas mag paaraw o tumambay.


"Amanda anak"

"Mommy"

Oh ito kumain ka na pinagluto ko kayo ni Alexandra ng almusal.


"Salamat po" aniya.


"Maiwan na kita dyan ah enjoy your breakfast"


"Opo kayo din po"


Na miss niya tuloy ang papa niya madalas din siyang ipagluto nito eh.



"Papa, magkakaapo ka na oh miss na miss na kita," aniya sa isip saka sinimulan ng kumain.



Kina hapunan si Alexandra ang nag asikaso sa kanya para sa dadaluhan nilang birthday isang black dress ang suot niya at inayusan din siya nito ng buhok.



"Ang blooming mo sis feel ko tuloy baby girl yang pamangkin ko"


"Ayy manghuhula kana pala ngayon"


"Well feel ko lang naman eh"


Natawa na lang siya pagtingin niya sa salamin nakita niyang maganda ang pagkakaayos sa kanya kaya naman tiningnan niya si Alexandra.


"Magaling ka nga talaga sa Fashion"


"Ako pa" pagmamayabang nito sabay sway ng buhok nito.



"Girls are you done? let's go baka malate tayo" saad ng mommy nila.

"Saan po ba gaganapin?" Curious na tanong niya.


"Sa resort nila" 


"Oh my gosh sa beach mom akala ko sa mansion nila so beach party pala?"


Heartless Billionaire (COMPLETED)Where stories live. Discover now