Kabanata VIII

Magsimula sa umpisa
                                    

Magulo man para sa akin kung bakit need naming mag usap ay kailangan ko namang harapin sya, kung ano man yung dapat naming pagusapan.

Nagmadali na akong naligo at nagbihis na lang ako ng printed white v-neck shirt, kaki jeans at sneakers.

10:12am na ko nakarating sa Univ. at ganon na lang ang pagmamadali ko dahil sigurado akong nag iintay na sakin si Justine doon. Nakakahiya naman na ako pa ang late.

Pagpasok ko sa library, hindi ko pa sya halos makita kaya pumunta ako sa tagong lugar ngunit wala din sya doon.

Napagpasyahan kong libutin ang mga book shelves, at doon ko nakita si Justine na nakaupo sa sahig habang nag babasa ng libro. Suot pa nito ang kanyang glasses, hindi nya kasi ito malimit na sinusuot.

"Hi." Kabado man ay binati ko sya at agad na umupo ng naka indian seat sa harapan nya.

"Akala ko hindi mo na ko sisiputin." Sabi naman ni Justine at agad ding ngumiti sakin tyaka nya isinara yung book na hawak nya.

"Sorry, nalate ako ng gising ehh. Hindi na din kita nareplyan sa GC. Bakit ba gusto mo kong makausap?" Tanong ko sa kanya.

"Dito na lang ba tayo? Doon tayo sa may table." Yaya ni Justine sa akin pero may inayos sya sa buhok ko bago sya tumingin sa mga mata ko. "Ang gulo pa ng buhok mo, magmamadali ka siguro." Dagdag nya pa. "Ayan pa ohhh, yung lip gloss mo medyo lumapas pa sa labi mo." Naramdaman kong hinawakan nya ang gilid ng labi ko.

Grabe yung kabog ng dibdib ko. As in!

"Ahhh sorry, ako na." Agad kong sabi tyaka ko kinuha ang dala kong bag para kunin yung tissue na dala ko.

"Tsk! Craye, ako na." Pag pupumilit ni Justine kaya itinuloy nya lang yung pag aalis ng excess lip gloss sa labi ko

"Ayan! Okay na." Sabi ni Justine at tyaka ito tumayo. "Craye, Tara!" Yaya nya at inilahad nito ang kamay nya para tulungan akong itayo.

Lord! Kaibigan lang po ba talaga tingin sakin ng magandang babaeng ito na nasa harap ko?

Habang hawak nya ang kamay ko ay patuloy lang naming binabaybay ang loob ng library para makahanap ng magandang pwesto.

"Ayun, Tara dun." Sabi ni Justine habang higit higit ako.

Maliit na table lang sya at good for 2 person lang, sakto para sa amin at medyo tagong lugar din.

Bumitaw na sya sa akin tyaka sya umupo, kaya umupo na din ako sa tapat nya.

Sa huli ay ako na ang magbubukas ng topic dahil may gusto din talaga akong malaman ngunit ang gusto kong unahin ay kung bakit kasama nya si Lance sa bar kagabi.

"Hummm Justine, nabasa ko kasi sa GC kanina na ano. Nasa bar ka kagabi at kasama mo si Lance." Tanong ko sa kanya or I must say na pagka-clarify ko.

Ngumiti sya sa akin pero alam kong hindi iyon umabot sa mga mata nya.

"Ang totoo ay nauna ako dun, then I messaged him na samahan ako." Pagamin ni Justine

Mas na curious pa ako. Why Lance? Bakit hindi si Maice?

Bigla akong kinutuban, baka nga gusto nya si Lance. Gusto nya kasama, kausap, kabonding, sa lahat ay baka nga doon kay Lance sya masaya.

"So bakit mo nga ba ako gustong makausap?" Wala sa mood na tanong ko, gusto ko nang idivert agad ang topic, mali pala ako ng tanong.

Masakit pala para sa akin na iopen ang topic na iyon.

"Nakausap ko kasi si Kylie kahapon, free naman daw sya anytime. Sorry ha, nanghimasok na ko. Baka mag chat yun sayo." Paliwanag ni Justine sakin.

Once in a lifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon