"Let's hold each others hand to avoid getting lost." He said.

Hinayaan na lamang ito ni Khione at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Basa ang mga bagay na natatapakan nila at masyadong makapal ang hamog sa paligid. Lumipas ang ilang minuto at tahimik parin ang paligid, pero biglang nakaramdam si Khione ng kakaiba sa paligid nila gayun din si Tober. Inihanda nila ang sarili nila sa kung ano man ang maaaring umatake sa kanila.

Mabilis na yumuko ang dalawa nang may bumulusok na vine na may maraming tinik papunta sa direksyon nila.

Mas lalong naging alerto ang dalawa dahil sa hindi nila alam kung saan banda ulit maaring umatake ang vine.

A sword made of ice instantly appeared in her hands, waiting for the vines to attack again.

Hindi nakikita ni Tober ang ability na ginagamit ni Khione dahil sa sobrang kapal ng hamog.

Muli ay umatake ulit ang vine na mabilis namang nasunog ni Tober, ngunit dahil sa ginawa niya ay biglang yumanig ang paligid nila. Mas maraming vines na ang umatake sa kanila, pumulupot ang ilan sa paa nila na pilit pinuputol ni Khione. Sinunog naman ni Tober ang mga umaatake sa harap nila ngunit parang walang katapusan ang nang yayari, kung mag isa lang si Tober ay baka nasunog na niya lahat ng ito ngunit hindi niya ito magawa ngayon dahil sa kasama niya si Khione at natatakot siya na baka pati ito ay madamay sa sunog.

Parami ng parami ang mga vine na nakapaligid sa kanila hanggang sa mabitawan nila ang isa't isa at maghiwalay. Hinila ng isang vine si Khione palayo habang si Tober naman ay patuloy na inaatake ng iba pang vine.

Tinatawag nila ang pangalan ng isa't isa ngunit hindi na nila marinig ang boses ng bawat isa.

Dahil sa nauubos na ang pasensya ni Khione ay mabilis niyang pinutol ang mga vines na nakatali sa bewang niya at naghanda para sa atake niya.

She raised her hand leveling her shoulders and felt her power leaving her hand. In a blink of an eye, the vines stopped attacking- dead and frozen.








Now that Khione wasn't there with him. Tober began to unleashed his blue flame, burning everything around him.

Matapos niya masunog ang mga vines na umaatake sa kanya ay muli niyang tinawag ang pangalan Khione pero walang sumasagot kaya nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad nagbabakasakali na di pa nakakalayo ang babae.

Habang naglalakad ay naaalala niya ang pag uusap nila ni Khione kanina. Walang emosyon ang babae at pakiramdam niya ay nakikipag usap siya sa isang manika. Kung tutuusin ay malayong malayo ito sa Miracle na babaeng mahal niya, pero nagbabakasakali parin siya na si Khione at Miracle ay iisa.

---

Nakalabas na si Khione sa hamog at may tatlong passage na nasa harapan niya. Ang nasa kanan ay puno ng tinik, sa kaliwa naman ay may mga bulaklak at ang nasa gitna ay madilim. Pinili niyang pasukin ang nasa kanan, muli siyang sumulyap sa kinaroroonan ng hamog kung nasaan si Tober bago siya umalis.

Habang naglalakad ay may ibon na papalapit sa kanya, ibinigay nito ang isang papel na may sulat.

2hrs left

Ang nakalagay sa sulat.

Binilisan ni Khione ang paglalakad dahil sa kakaunti na lang oras na kailangan niya para makalabas.

Tatlong passage na ang nadaanan niya at iba't ibang klaseng halaman din ang mga na-encounter niya. Ngayon ay papasok na siya sa kasunod na passage na pinili niya ngunit mabilis siyang umiwas nang may umatake mula sa likuran niya.

She faced the person who attacked her and saw two Nobles, the one that Zach told her who were Nobles of the Ortiz Kingdom.

"Nandito ka lang pala, mukhang sinuwerte tayo ngayon ah." Sabi ng lalaki na nakakulay pula.

"Baka gusto mong sumama samin, Prinsesa ng Tross." Lumapit naman ang lalaking nakakulay itim kay Khione ngunit nanatili parin itong nakatayo at hindi gumagalaw habang nakatingin sa kanila.

"Kanina ka pa namin hinahanap, tiyak na mag eenjoy ka kapag sumama ka sa amin." Gaya ng nakaitim ay lumapit rin ang lalaking nakapula kay Khione. "Dibale ng prinsesa ka ng Tross, tutal maganda ka naman and looking hot pwede ng pagtyagaan." Di pa ito nakuntento at hinaplos pa ang mukha ng babae.

Wala paring kaemo emosyon si Khione na nakatingin sa dalawa.

Nagulat sila dahil sa malamig na presensya na nilalabas niya pero hindi nila pinakita kung gaano sila na-intimidate sa presence niya dahil sa tingin nila ay wala siyang balak sumugod.

"Quite impressive for a fear stricken people like you." Halos manlamig ang katawan ng dalawa sa boses niya. Walang emosyon, gaya ni Tober kanina ay pakiramdam din ng dalawa ay nakikipag usap sila sa isang manika.

"S-sinong takot ha?" Nauutal na sabi ng lalaking nakapula, pilit paring tinatago ang takot na nararamdaman.

"Aatakihin ba niya kami?" Sabi ng lalaking nakaitim sa kanyang isipan.

"I can smell your fear from here." malamig na sabi ni Khione. She twitched her head to the side as if assessing the two. Halos mangilabot sila dahil dito. "Fear and unstable emotions. The rotting stench is circulating all over your body like an open invitation_" She circulated the dust like ice on her hand as if playing with it. "_an invisible arrow pointing at an easy target." She continued.

"Hah! Look, we're not an easy target, the truth is we've been hunting you all this time." Sabi ng lalaking naka pula sa kanya na tila nagmamayabang pa.

But instead of getting intimidated, Khione only smirked. "Oh, the preys are trying to hunt the predator."

Bahagyang napaatras ang dalawa dahil sa sinabi niya.

"Did I scare you?" tanong niya habang nakatingin ng diretso sa kanila. "I can see your growing fear just by looking at your eyes." That cold kind of voice sent shiver down their spines.

It's like their body is already trying to warn them that the real danger is in front of them.

"Too bad, you can't get out here from now on." She said.

The dust like ice in her hands a while ago turned into a very sharp ice spikes. The spikes flew to their direction, thankfully they managed to avoid it.

Inihanda ng dalawa ang kanilang sarili dahil sa nangyari. Using their ball of fire, sunod sunod nila itong binato sa direksyon ni Khione na nagawa naman niyang iblock using her ice barrier.

"A Khiodis!" gulat na sabi ng lalaking nakaitim.

"Fools, you will never defeat me." Malamig na sabi niya, she's mocking them.

Kahit na ganun ang sinabi niya ay di parin sumuko ang dalawa, umatake ulit sila sa kanya. Pero bago pa makaabot ang mga ball of fire kay Khione ay bigla itong naglaho dahil lang sa isang pagsway ng kamay niya.

Not wasting any time, Khione waved her hand, making the two guys instantly covered in ice. They can no longer move their body, even using their fire ability is pointless.

Naglakad na siya papunta sa isang passage na dapat ay papasukan niya kanina.

Di rin nagtagal nakakita siya ng liwanag sa dulo nito at nagmadali siyang lumabas rito.

"Finally!" She said to herself, and as soon as she stepped outside, ang maingay na cheer ng mga tao ang sumalubong sa kanya at ang announcement ng Host.

"Second place, Khione Tross!"

***

2 chapters for today, I hope you enjoy it!

KillerKnight

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now