Pangalawang Tikim

48 3 7
                                    

Hi! Dedicated ito kay @kuya_plongxXx
Salamat sa support ;)
--------------------------------------

James Angeles ang lalaking pinag alayan ko ng dark chocolate . Ang lalaking kaibigan lang ako sa paningin .

Ang sakit kaya . Kung anung kinasarap nang chocolate ay siya namang kina sakit ng pagmamahal ko .

Gusto kong umamin sa aking nararamdaman ko para sa kanya , pero nasaan ang pagkababae ko kung ako mismo ang aamin . Kahit umamin man ako alam ko na sa puso niya wala akong puwang .

Isa lang naman akong pampalipas oras kapag nasasaktan siya at kapag walang tumatawa sa mga ka cornihan niya .

'Sabihin mo na bago mahuli pa ang lahat .'

'Eh?'  Nakakagulat naman itong si Dana  . Si Dana na pinakatahimik sa aming mag kakaklase.

'Anu ka ba Honey? Alam ko namang may gusto ka kay James eh . Observer ako kaya alam ko .'

Nagulantang naman ako sa sinabi niya buti pa siya na observe niya , eh si James kaya pansin niya ?

Pero may point naman si Dana kailangan kong sabihin kay James dahil baka mawalan na ako ng chance na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko . Malay ninyo marealize niya na mahal niya rin pala ako .

Gagradweyt na kami ng highschool at gusto ko na sabihin sa kanya ang aking nararamdaman . Ibaba ko ang pride ko bago pa mahuli ang lahat . Kung ang radyo may replay , pause , at play , yung buhay ko wala .

Magkasama kami ngayon ni James at bukas na ang graduation namin kaya kailangan ko nang sabihin sa kanya .

"James ..."
"Baket ? May problema ba ? "
"Ano kasi ... kasi  gusto kita ." nahihiya kong sambit sa kanya . Nakayuko lang ako kaya hindi ko makita ang expresyon sa kanyang mukha .
"Honey kasi kami na ni Jane . Nagtapat na ako sa kanya at sinagot na niya ako kaagad . " Ouch ! Ang sakit lang . Siguro nga nahuli ako .  Kaya pala bihira nalang siya makipag usap saakin kasi sila na . Kasi may nagpapasaya na sa kanya . Kasi di na niya kailangan ng panakip butas .
"Baket hindi mo sinabi ? Sayang naman yong kaba na naramdaman ko makapagtapat lang ng nararamdaman ko para sayo . Ha-ha -ha" mahinahon kong sabi habang pinipigilan ang luha ko .

"Sorry talaga Honey ..."
"O-okay lang .. Hehe anu ka ba ?  Magkaibigan tayo diba ? Diba ? Naintindihan ko ." umalis na ako sa tabi niya at dumiresto sa kubeta .

Sa kubeta kung saan ipinaulan ko ang aking luha .

"Oh kainin mo yan para gumaan loob mo ." Sabi niya sabay bigay ng isang chocolate .

"Dana? "

"Tanggapin mo na ."

Tinanggap ko naman yung cadburry na chocolate .

Tinitigan ko ito .... At syempre kinain . Gumaan ang pakiramdam ko sa tamis nito ...

Cadbury , siguro kailangan ko nang ilibing ang pagibig ko para kay James Angeles ...

I'll bury my feelings .

------------------------------------------------

Hoho ang corny ba nung cadbury ? Haha ang sarap niya kasi .I'm craving . At sa sobrang pagmamahal ko sa cadbury ay muntik ko nang mapa laminate ang balat nito . haha ang weird ko talaga . Anung chocolate ang susunod ? Abangan !

-kawaiiKrisilicious

My Chocolate loveWhere stories live. Discover now