Unang Tikim

71 3 2
                                    

Ganito pala ang feeling nang inlove .

Masaya .

Ang saya mo kasi lagi kasama ,lagi mo akong napapatawa .

Nung una akala ko ika'y kaibigan lang naglaon ika'y mahal na .

Hindi ikaw yung tipo ng lalaki na kababaliwan ng lahat.

Hindi rin ikaw yung tipo na malakas ang appeal ,ngunit ika'y napansin.

Sa tagal ng ating pagsasama , ang nardamdaman para sa iyo ay hindi maibunyag .

At sa panahon na tayo ay magkasama , aking napagtanto na ika'y may ibang gusto .

Wala akong karapatang magtaka kung anong meron siya na wala ako .

Mabait siya, maganda, kagigiliwan ,at mamahalin ng lahat .

Nilalapitan mo akong tuwing nasasaktan ka na may kasama siyang iba .

Naisip ko tuloy na ang pagkakaibigan lang pala natin sa'yo ay isang panakip butas .

Panakip sa sakit na iyong nadarama .

Hindi mo man sabihin, kita ko sa iyong mga mata kung gaano mo siya kamahal .

Ako'y isang kaibigan lamang na iyong takbuhan .

Hindi naman kita matitiis , parang chocolate na nakakaadik .

Kahit na alam kong ako'y iyong takbuhan lamang sa sakit na iyong nadrama .

Parang chocolate na alam kong maaring makasakit at makasira sa ngipin ko .

Makasira at makasakit sa aking puso .

Kinain parin kita kasi gusto ko ...gusto kita .

Nahihirapan ako kasi alam kong may pagtingin ka sa iba , pero gumagawa ka parin ng mga bagay na ikakahulog ng puso ko para sa'yo .

Mas lalo akong nahirapan na itago ang aking nadarama .

Tuwing nakikita kita parang gusto sumabog ng puso ko .

Parang kumain ako ng chocolate at naging hyper na naman ang puso ko tuwing kasama ka .

Sa unang pagtikim ko nakatikim ako ng dark chocolate .

Ampait lang kasi may mahal kang iba at ako ang iyong magiting na panakip butas .

--
AN: Thanks for reading . Salamat sa pag aksaya mo ng oras para lang sa tsokolateng pagibig na ito ... :) Please be the one to comment after you read this . :)

My Chocolate loveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora