I called him. "Tara Foodtrip. May laptop ka? Nood tayo Movie!"

"Oo, kukunin ko lang." Bumaba siya para kunin ang laptop niya. Wala pang isang saglit ay bumalik na siya dala-dala ang laptop at alak sabay umupo sa tabi ko. "Anong papanoorin?"

"Bahala na!"

We ended up watching nothing. Hindi kasi kami magkasundo sa panonoorin namin kaya nagpatugtog nalang kami. Pinagsaluhan namin ang Pizza na binili ko. Ininom rin namin ang dala niyang alak. Malaki ang ngiti ko nang tanggalin niya ang dalawang pendant na nakakabit sa bracelet niya at muling nilagay sa bulsa. Konti nalang...

"Nabawasan mo na naman." Kamot-ulo niyang sabi, tila nahihiya. Tinawanan ko lang siya at tinuloy ang pagkain. Bigla namang napalitan ang kanta.

"Magaan na ba ang 'yong paghinga

bumalik ka na sa'kin...

Klaro na ba ang isip sinta

bumalik ka na sa'kin."

Nagkatinginan kami ni Doreen at sabay kaming natawa sa kanta. Iwinawagayway niya pa ang kanyang kamay at feel na feel ang pagkanta ng Chorus. Sa ginagawa niya ngayon ay napagtagpi-tagpi kong dahil nga sa ex niya kaya siya ganyan.

"Sige na please 'wag nang mainis bumalik ka na sa'kin, Sorry mahal ika'y nasaktan bumalik ka na sa'kin." Pagsabay niya ulit sa Chorus. Bigla ako nakaramdam ng hiya nang pakiramdam ko ay may nanonood sa amin pero kung sino man yun ay hindi ko na inalam.

"'Wag mo sana akong ipagpalit, ikaw at ako na lang ulit!" sigaw ko. Sunod-sunod ang pagsinok ko. Mukhang natamaan na ako ng alak. Tatlong sunod-sunod na shots pa lang ang nagagawa ko pero lasing na agad ako. Natapos ang kanta at tawa lang kami ng tawa sa katangahan namin.

"M-Matututulog na s-si me, okay? if you want to stay here. Then stay here. Good night!" I waved my hands before leaving. Muntikan pa ako mabangga sa pader kaya naman napa-ayos ako ng tayo. "What are you doing Mr. Wall?"

"You're drunk."

"Ooops. You're talking! I don't know that walls can talk huh, who are you?" I giggled. Someone pinched my nose. "Ouch! sasabihin ko sa may-ari ng hotel na 'to tanggalin ang wall na ito! Sobrang kulit! Goodbye, I'm going to sleep na!"

"Ang sakit ng ulo ko!!" Napabangon ako ng gising at nakitang madilim dilim pa. Halos makaupo ulit ako nang parang umikot at paligid ko. Nakita kong may gamot para sa sakit ng ulo at tubig sa side table ko. Kinuha ko ang ito at ininom. "Anong nangyari?" Pilit kong inalala ang nangyari kagabi pero wala akong maalala. Lahat kulay black! Hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa kwarto ko.

"Glad that you're awake now, how are you?" Iñigo asked. So siya pala. Bakit ba hindi pumasok sa isip ko 'yun. "Did you drink the medicine?" I nodded my head.

"Thanks, you can go now."

"Bet you're not gonna go to work tommorow. You'll be sick." Sabi niya na tila nakikita niya ang mangyayari bukas. "Bakit ba kasi nakikipaginuman ka? Your alcohol tolerance is low, Natasha." He said in a serious tone.

"Kaya ko na ang sarili ko. Don't mind me." Pagmamatigas ko.

"Yeah, yes you can. Magpabantay ka nalang doon sa kasama mo kagabi." Akala ko ay aalis na siya pero nanatili lang siya sa sofa at nahiga. Maybe he is tired because of work.

Tumayo ako para maligo at maayos. I don't know if he eats his breakfast, maluluto pa rin ako. I make two coffee's and fried rice with bacon.

"G-Gusto mo ba munang kumain? Kukuhanan lang kita." Kumuha ako ng plato at nilagyan ito sabay bigay sa kanya. Nakangiti naman niya itong kinuha at nagsimulang kumain. And as usual, we remained silent. Nagpapakiramdaman pa kung sino ang unang magsasalita. It's an awkward scene. "Thank y-you..."

"Why are you avoiding me? Hindi ko kasi alam kung may nagawa na naman ba akong mali sayo."

"Bakit ba...lumalapit ka na naman kasi? N-Nasanay kasi ako nang wala ka a-at hindi ko alam kung bakit ba nandito ka pa rin kahit na pinagtatabuyan na kita." Sabi ko na parang wala lang sa akin.

"What do you want me to do? Just tell me, gagawin ko." Nakikiusap niyang saad. I looked at him seriously.

"Leave me alone. Pinipilit kong ilayo ang sarili ko sayo Iñigo! Hindi mo ba napapansin? Bakit ba kasi pinagpipilitan mo ang sarili mo!" Halos sumigaw kong sabi. Nakaramdam na naman ako ng sakit sa aking dibdib. Makisama ka naman kasi sa akin. I was stunned when he hugged me.

"If that's what you want, I'll do it. Hindi na ako magpapakita sayo. Sorry kung ganoon na pala ang tingin mo sa akin. Mahal pa kasi kita, hangga't mahal kita. Hindi ako magsasawang ipagpilitan ang sarili ko sayo. T-Take care. I'm leaving." bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at dire-diretsong lumabas.

For the second time, nasaktan ko nanaman siya. Pride nalang ang natitira sa akin. I don't know where this is going but hopefully the outcome will be good. 

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now