4: Fate

3.5K 128 23
                                    

"It's ok Cat. They deserve it." Bulong niya sa sarili.

Kasalanan nila iyon.

I have all the reason to hate them.

Napayuko nalang siya habang inaalala ang lahat.

Hindi siya minahal ng mga magulang niya.

Her birth was treated as a bad omen.

Halos daang taon na ang lumipas ng pinanganak ang huling trueblood. Some believed it's a good sign. Ayon kasi sa observation ng nga nakakatandang bampira, tumataas lang ang fertility rate ng lahi nila kapag nagkakakaroon nang gulo. Kapag nagkakaroon ng mawalakang gera. Kapag maraming namamatay.

Naniniwala din tuloy ng ilan na pwedeng ang susunod ditong ipapanganak ay magdadala sa kanila ng sinasabi nilang second war.

Kasamaang palad, siya iyon.

Idagdag pa ang naging kulay ng buhok niya.

Red. Blood. The color of death.

Kung hindi nga dahil sa batas nila na bawal ang pumatay sa isang walang muwang ay malamang, ginawa na iyon ng sarili niyang mga magulang. Takot lang ang mga ito sa parusa ng High Council kaya hindi siya agad tinapos.

Pero mas mabuti nga siguro kung ganoon nalang ang ginawa nila. Kung pinatay nalang siya agad, sana ay di nalang siya naghirap.

Mga alchemist ang mga magulang niya. Dati ay kilala ang Valerius sa ganong larangan, ngayon ang mga magulang nalang niya ang may ganoong kakayahan. Nabaon na sa limot matapos nang nakaraang gera. Natabunan na rin ng mga makabagong medisina.

May pagkakataong kailangan ng test subject para sa bago nitong gawang mga gamot. Sa kabila ng bata pa niyang katawan noon, nakaranas na siya ng kung ano-anong eksperimento sa mga ito.

Nakaranas na siyang hiwain, hatiin, paduguin ang balat sa kung ano-anong paraan. Ramdam na ramdam niya ang matinding sakit sa bawat pagkakataong iyon.

Bampira siya, mabilis ang paggaling at hindi basta-basta namamatay. Pero dahil hindi pa siya awakened, nag-iiwan parin ng pilat at marka.

Hanggang ngayon dala pa niya ang mga iyon.

Napatingin siya sa mga puting pilat sa mga braso, maninipis pero mapapansin parin lalo na kung titingnang mabuti. Marami pa iyon. Meron pa siya sa likod at sa dibdib.

Napayakap nalang siya sa katawan.

What have I done to them to deserve this?

Nadidinig na niya ang usapan sa labas. Mukhang gising na si Rafaella. Kanina ay nadidinig pa niya ang mga kaluskos at mahihinang kalampag sa kusina. Alam niyang si Pierre iyon. Mukhang hinahandaan ng almusal ang babaeng yon. Naamoy niya din. Mukhang espesyal.

Napaisip siya. Is he really inlove with her? Gagawin na ba nitong mate ang babaeng hunter na yon?

Huminga siya ng malalim at tumayo na sa kama. Hindi na siya nakatulog pa nang bumangon siya kaninang madaling araw.

Hindi siya pwedeng magmukmok ngayon. May mga umaasa sa kanya.

Binuksan na niya ang pinto at napanganga sa nadatnang eksena. Hawak ni Pierre si Rafaella sa pisngi at--

Err. Did I just block their kiss?

Biglang lumayo si Rafaella kay Pierre. Lumingon ito sa kanya at ngumiti kahit namumula na nang sobra ang mukha.

"Oh, hi! Good morning!" Bati pa ng babae.

Napansin niya ang suot nito sa leeg. Yung kwintas.

Soliel symbol. My ghulay! Nagpropose na si Pierre! Seryoso na nga talaga!

Requiem: AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon