✟ CHAPTER 3 ✟

Začít od začátku
                                    

Nakadikit ang naaagnas niyang noo sa noo ko. Hindi ko kayang maigalaw ang aking katawan. At kahit ganoon ay pilit kong tinitigan siya sa mata.
Ang mga mata niyang walang itim na makikita at pulos puti lamang. Ang mga ngiti niyang nakakatakot. Ang nakakadiring balat niyang naaagnas.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang hindi gumagalaw. Naramdaman ko ang malamig niyang kamay na nakahawak sa kamay kong nakahawak din sa buhok.

Hinaplos niya ang aking kaliwang kamay at dahan-dahang siyang gumalaw. Ang kaniyang malamig na hininga ay palapit nang palapit sa aking tainga. Bumulong siya, dahilan para mangatog ang aking kalamnan.

“Samahan mo ako.”

💀💀💀

Napitlag ako nang may maramdaman akong mabigat na bagay na nakatambad sa aking dibdib. Dahil sa mabigat na bagay ay naimulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahang nakikita ko ang puting kisame. Pinihit ko kaagad ang aking tingin sa nakatambad sa akin. Nakita ko ang ulo ng isang lalaki. Dahan-dahan niyang inaangat ang kaniyang mukha. Ramdam ko ang pagtaas ng kilay ko sa pagtataka nang makita ko ang sariwang bakas ng dugo sa gilid ng ibabang bahagi ng kaniyang labi. Napasinghap akong makita si Michael sa ganoong sitwasyon. Kagigising ko lang at iyon agad ang salubong sa akin.

Inilipat ko ang aking tingin sa isang sulok ng kuwarto. Ramdam kong may iba pang tao sa loob kung saan ay siya ang may kagagawan sa sugat sa labi ni Michael. Si Xander. Nakakuyom pa rin siya na halatang anumang oras ay dadagsain na naman niya si Michael ng suntok.

“Mahal . . . ?” usal ko.

Napatingin naman siya kaagad sa akin at saka namang paggalaw ko para makaupo ako nang maayos.

Napalitan ang galit na mukha nito ng pag-aalala habang papalapit siya sa akin. Umupo sa gilid ng kama si Alexander sa gawing kanan ko. Si Michael naman ay nakatayo lamang malapit sa mesang maliit sa kaliwang bahagi ng kama habang pinapahid ang dugo na nasa labi niya.

“What happened?” I asked.

Hindi sinagot ni Alexander ang tanong ko.

“Was there anything bad that happened between you two?” tanong ko sa kanilang dalawa habang palipat-lipat ng tingin.

Nagkatinginan silang dalawa bago tumikhim si Alexander para sagutin ako. “Wala, mahal. Ang mahalaga ay okay ka na.” Sabay ngiti nito sa akin.

Kinunutan ko siya ng noo bago ako sumagot sa kaniya.

“Bakit mo siya sinuntok? At bakit may nakakabit na dextrose sa akin?”

Biglang lumungkot ang ekspresyon sa mukha ni Xander na parang binagsakan siya ng bundok.

“Nakita kitang nakahandusay sa sahig.” Si Michael ang sumagot.

Oo nga pala. Nahulog nga pala ako sa hagdanan. Naaalala ko na ang mga pangyayari. Dahil siguro sa panaginip at suntukan nila sa kuwarto ko ay nakalimutan ko iyon.

Napatulala ako nang maalala ang lahat ng mga pangyayari mula sa pagkahulog hanggang sa naging panaginip ko. Hindi ko pa rin kasi alam kung bakit ako ginagambala ng babaeng multo na iyon.

May sinasabi si Xander sa harapan ko pero wala roon ang isipan ko kaya hindi ko siya maintindihan kung ano man ang sinasabi niya.

“Jessica? Are you with me?” Napukaw uli ni Xander ang tuliro kong kaisipan.

“Oh?” sagot ko sa kaniya sa kawalan.

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED) Kde žijí příběhy. Začni objevovat