Money meets Intelligence XXXV : Lawrence

287 7 0
                                    

Paggising ko, nasa clinic na ako..

Agad kong hinanap si Justine..

Wala.. wala siya..

Siguro, panaginip lang ang lahat. Panaginip lang, ang totong nangyari ay talgaang nahimatay lang ako, siguro ganu--

"Hello." ngiting sabi ni Justine, nakataas ang sleeves ng uniform niya at may hawak na face towel na basa.

Ngumiti lang ako, so.. hindi panaginip lahat ng nangyari?

Umupo si Justine sa tabi ko at idinampi ang towel sa tuhod ko.

Namumula ako for sure.

"Alam m--" natigil niyang sabi.

"TIFFFFANNYYYY!!" Sigaw ni Jessica sa lobby ng clinic.

Nang makita na niya ako, napabuntong hininga ako, "here goes nothing" sabi ko.

"TIFFFFAANYYYY!!! Grabe, pinag-alala mo ako!!! Kailangan ko pang magantay ng Lunch para makapunta dito!! Di mo man lang sinabi na napunta ka ng clinic! Akala ko kung ano na nangyari sayo! Kasabay mo pang nawala si Ju.. JUSTINE?!!" Gulat niyang sabi kay Justine.

 Ngumiti sa kanya si Justine, "Hello."

Napatitig sa akin si Jessica.. nababasa ko ang mga nasa mata niya.

naghello sa akin si Justine Tiffanyyyy!! Naghello siya!!!

ngumiti ako sa kanya at medyo natawa.

Natigil ang ngiti ko nang makita ko ang sumunod na mga pumasok.

"Justine.. Justine!" sigaw ng isang babaeng alalang alala.

Ngumiti ng malaki si Justine, "Anong ginagawa mo dito Leila?" Tanong niya.

"Justine!!" sabi niya nang makita niya si Justine, "Anong ginagawa mo dito? napano ka?" Alalang alalang sabi niya.

"Ayos lang ako, ano ka ba." sagot ni Justine.

Napayuko ako at narinig ko ang pagpasok ni Kenneth sa clinic,

"Kaya mo na bang maglakad?" Tanong ni Justine sabay hawak sa kamay ko.

thump. Thump.. "Oo, kaya ko na siguro.." sabi ko.

Kumapit siya ng mahigpit sa akin, "kaya mo ba? O.. buhatin kita?" Tanong niya.

"Wag na wag na!" sabi ko.

Pero nang muntikan na akong ma-out of balance, may ibang kamay na humawak sa aking kamay.

"Are you alright miss?" sabi ng isang lalaking... lalaking... lalaking..

Mahihimatay na ata ako.. totoo ba to? O nasa langit na ako...

Thump. Thump. Thump. Thump. Thump.

napaupo ako sa kama ng clinic..

"I'm ok.. I'm ok.." paulit ulit kong sabi.

Itinaas nung lalaki ang paa ko sa kama at kumuha ng kumot.

Pinatong niya ang kumot hanggang dibdib ko.

At ipinatong niya ang mga malalamig niyang kamay sa noo ko.

Lalo pa niyang nilapit ang mukha niya... thump.thump.thump.

tae.. ano bang problema nito.. bakit.. ang gwapo na.. kung makatitig pa parang hihimatayin ako bigla..

"May lagnat ka. Rest for a while." sabi niya, "I'll be back"

Nang makaalis lang siya, atsaka lang ako nakahinga ng maayos.

lahat ay para bang di rin nakahinga sa biglaang pagdating ng lalaking yun.

Si Leila, Kenneth at jess at nakatitig sakin at gulat din..

samantalang si Justine ay nakatingin lang sa kawalan..

What happened? O_O

Sino yung.. guy... what happened?!

Ano bang nangyari.. bigla nalang.. bumilis tibok ng puso ko.. para bang..

Anong nangyari?! Bakit..

"Ba't ka namumula?" Asar ni Jessica sa akin.

Agad akong napahawak sa mukha ko, "Di ah.. ganto lang talaga ako." pagpapalusot ko.

"Ahh, ano.. uhm.. alis na siguro ako." sabi ni Leila, yung babaeng dumating kanina na hinahanap si Justine, siya rin yung babaeng nasa canteen at 2nd floor hallway.

Tinigil siya ni Justine, "Ako rin, aalis na rin ako."

Tumingin sa akin si Justine, hindi ngumiti, sumenyas lang na aalis na siya.

"Ingat." sabi ko, sabay silang umalis ni Leila.

Nang mawala na sila, "AWWKWARDD" sabi ni Jessica.

Hindi ko siya pinansin at binalot ko ang buong katawan at mukha ko ng kumot.

WAHHHH, ano ba tong nararamdaman ko... tae.. *hawak sa pisngi* bakit ba ako namumula?!

Eh.. sino bang di mamumula dun?!

The way he looks!! Yung ngiti!! Tapos.. hinawakan pa yung kamay ko!! Tapos.. ang lapit pa ng mukha!! Sino bang di mamumula dun!

Bumalik yung lalaki sa kama ko, may dala siyang tubig at gamot.

Tinignan ko lang siya, inabot niya ang gamot, "Oh, inom na" sabi niya.

"Sino ka ba?" tanong ko.

Hindi niya ako pinansin, umupo lang siya sa tabi.

"Sino ka ba?" ulit ko.

"Oh, I'm sorry. I'm Lawrence, Lawrence Dall." Inabot niya ang kamay niya para makipagshake hands.

Hindi ko inabot ang kamay niya, "bago ka dito?" tanong ko.

"I'm the son of the head doctor of the school, known to be the student doctor." proud niyang sabi, "Ang magulang ko ang may ari ng pinakamalaking mga hospital dito sa bansa, and you should know, kakumpitensiya ako ng pamilya when it comes to investment and income"

Wow.. si prince charming.. biglang naging.. prince yabang!! Wow!! wow talaga!

"Ok." sabi ko, sabay tayo pero nadapa din kaagad, siya uli ang nakahawak sa kamay ko. "wag mo nga akong hawakan." sabi ko.

 Binitawan niya ako at nahulog ako sa lapag, ngumiti siya sa akin, "Sorry."

"ARGGG!!!" inis akong paika ikang lumabas sa clinic.

Money meets IntelligenceWhere stories live. Discover now