Chapter 44: The Queen

Magsimula sa umpisa
                                    

In adjust ko yung alarm clock para hindi siya maagang gumising. Tanghali pa naman ang pasok niya pero maaga siyang gumigising maasikaso lang ako. Napapangiti na lang ako kapag ganun siya dahil pinaninindigan niya na talaga ang pagiging asawa niya sakin. Marunong naman na siya magluto ng ilang pagkain kaya komportable siyang paghandaan na ako ng makakain. Pero alam kong pagod siya physically and emotionally so ididisregard ko muna ang wifely duties niya.

Sa aming tatlo sa grupo ako daw ang pinaka in demand. At first hindi ako komportable dahil ayoko naman na magkaroon kaming tatlo nila Anden at Minho ng inggitan but as I can see okay naman sa kanila. Sa katunayan mamaya nga may endorsement deal akong pipirmahan para sa commerical.

"Hey, Derick" hindi ko ine expect na maaga din si Cathy pupunta ngayon dito. Gusto ko sana iwasan siya but there is no way dahil nasa harapan ko na siya. Professional naman ako pero hindi ako komportable na nasa isang lugar ako kasama siya dahil pakiramdam ko nagtataksil na ako sa asawa ko. It's like associating with an enemy

"Hello, Cath" I greeted tonelessly pero bahagyang ngumiti para wala naman siyang masabi. She smiled too at pinagkrus pa ang mga braso niya

"If you dont mind, hinihintay na ako ni Percy" I said dahil matagal na siyang nakatingin sakin na wala naman sinasabi. Lumakad na ako para lampasan siya but she grabbed me by the arm and to my shock, hinalikan niya ako.

"What are you doing?!" sigaw ko sa kanya at umalis sa pagkakahawak niya. Kung hindi niya lang nabalanse ang sarili niya tutumba sana siya. Oh God, give me the strength na makapagpigil dahil baka masaktan ko ang babaeng to!

"Ang OA mo naman. It's not like this is the first time na may hinalikan ka" nang aasar pa na sabi niya

"Yeah, this is not the definitely the first time na may nahalikan ako pero hindi kasi ako nakikipaghalikan sa kung sino lang. What are you, Cathy? Stop acting like a slut!" galit kong sigaw sa kanya at nagtuloy tuloy na papasok sa loob ng building.

Kapag nalaman ni Erica yun, hell sorry but I am going to kill her

Erica

"Na approve naman na ni ma'am yung topic natin so I guess we should stick with it" sabi ni Minho habang sabay kaming naglalakad papunta sa classroom namin. Nakasalubong ko kasi siya sa first floor at saktong gusto niyang pag usapan yung tungkol sa research namin.

Malapit na ang pasahan nun but surprisingly wala pa kaming nauumpisahan na kahit ano. These past few weeks busy na din kasi ang Big Three sa pagre rehearse para sa mall shows nila na naka sched within months kaya hindi kami nagkakaroon ng pagkakataon makapag usap tungkol dito. Plus madalas na din siya lumiban sa klase.

"Eh kailan tayo magsu survey? Tsaka saan?" balik ko sa kanya. About K to 12 curriculum kasi ang research namin at hindi ko maisip kung sa mga parents o teachers ba kami dapat mag survey. At kung nakapili naman na kami, saan magsisimula?

"Ako na ang bahala dun. Basta ikaw na ang gumawa ng chapters one and two tsaka abstract. Kailangan may maipakita na tayo next meeting kung hindi wala tayong grade" seryoso niyang sagot na napatango na lang ako. Naisip ko na pupunta na lang siguro ako ng library mamaya para humanap ng resources.

Mga tatlong classrooms na lang bago ang room namin nang harangin kaming dalawa ni Minho na kung tama ang alala ko, mga higher years ng SpEd Major. Kilala ko sila dahil nung nagkaroon ng welcoming ceremony para sa mga freshmen na tulad ko last sem, nandun sila. Apat lang naman sila. Isang lalaki at tatlong babae.

"Erica?" sabi nung lalaki

"Uhm opo ako nga" magalang kong sagot at awkward na ngumiti dahil hindi ko maitago yung curiousity ko kung bakit nila ako nilapitan. Minho looked at me na nag aabang pero nagkibit balikat lang ako.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon