Natanong tuloy niya ang sarili na ganon ito ka obsessed mapatumba ang kapatid? Thought hindi sila magkadugo pero magkapatid sila at ang magkapatid dapat nagmamahalan at nagbibigayan kagaya nila ng kuya niya.

Ibabalik na sana niya ang folder sa kamay nito ng iabot nito sa kanya ang car key. "Kailangan mo ng umalis ngayon naghihintay na si Juan Miguel an hour from now. Kailangang mahulog siya sayo Sandy o malilintikan ka sakin. "Saka nagmartsa na ito paalis.

Hindi nakakibo si Nika. Parang napepe ata siya sa arrive ng boss niya. Hindi naman ito ganon mang utos noon. Ayaw niyang pagisipan ng masama pero mukhang nawawala na ito sa tamang daan makuha lang nito ang gusto nito. Napapa iling nalang siya kong susunod sa iniuutos nito o uuwi nalang at aayusin ang resignation niya.





" NARITO kana pala, wala ka bang pasok ngayon ang aga naman ng panlilibre mo?" Anas ni Sam kay Nika. Nang maabutan niya ito samgyupsalan na madalas nilang madaanan pauwi.

Napaharap si Nika sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. Kaagad siyang napangiti ng makita ang gwapong mukha ng kuya niya.

"Bakit may problema ka ba? Hindi ba nagustuhan ng boss mo yung mga sagot sa slambook? "

Hindi nakakibo kaagad si Nika. Para siyang natuklaw ng ahas. Magaling bumasa ng mga kakaibang kilos ang kuya niya. Kaya minadali niya ang pagsasalang ng karne sa lutuan.

"Naku alam mo kasi kuya malaki ang sinahod ko ngayon kaya ito ililibre kita."Nakangiting sambit nito.

Umiling-iling si Sam at pumwesto sa harapang bahagi. Huminga na lamang siya ng malalim at inabot ang chopsticks. Hindi naman aa nagdududa siya Sa intensyon ng kapatid ngunit bakit ganito ang pakiramdam niya? Brother's instinct ba? Nagsimulang magkuha ng lettuce si Sam at nilagay ang karne na tamang-tama lang, luto na. He added some side dish,toppings at agad na inisang subo. Malinam-nam ang karne lalo na at napakacrunchy pa ng lettuce.

Madalas niya rin naman kasing nililibre si Nika ng mga paborito nito noon. Baka nga gusto lang nitong bumawi.

"Hindi ka ba kakain?" Pagtataka ni Sam. Panay kasi cellphone lang ito.

"Ha-ah busog pa kasi ako kuya. Nilibre din ako ni Boss. " Nakangiti nitong sambit.

Tumango-tango nalamang siya hindi na niya ito pinansin. Kumain nalamang siya.

Pauwi na sila sa kanila ng makatanggap ng mensahe si Nika. Para lang magulat kong kanino galing ang laman ng text message. Agad siyang natulala mula sa laman ng mensahe.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa kapatid pero hindi ito kumibo. "Pero grabe busog na busog ako bunso. Salamat sa libre mo. Sa susunod ako naman ang babawi."

Kaagad na napalunok si Nika. "Ah wala kuya may tinext lang si boss. Sige na rereplyan ko lang to." At mabibilis ang lakad na nauna paakyat sa silid nito.

Parang gusto tuloy itanong ni Sam kong ina-under ba ito ng boss niya?Gabing-gabi na at magkatext pa sila? Pero sabi nga niya babawi siya sa susunod. Pero di ata nito narinig.

Nakangusong naibiling na lamang niya ang paningin papasok sa loob ng pamamahay nila. Kailangan niyang matulog ng maaga dahil may papasukan pa siyang raket bukas.

Nag aalis na siya ng damit pang itaas ng mapakunot ang noo niya biglang nag alert ang phone niya. Napatingin tuloy siya sa wrist watch niya kung anong oras na.




Samantala, Hindi naman mapakali si Olivia. Panay ang sipat niya sa phone niya. Matiyaga siyang nag iintay ng magandang balita mula kay Martha. Hindi naman siguro nabulilyaso ang Plano niya ano? Dahil kong sakali nagwawala na ngayon ang mommy niya dahil iba ang pinapunta niya sa blind date ng kuya niya.

Oh My PRIEST!Where stories live. Discover now