CHAPTER 11

6.7K 111 9
                                    

"dj, tara na check na natin kung maayos na ba lahat?" pag-aaya ni kath kay dj na may inaayos pa na mga papers.

foundation day na nila ngayon at dahil VP si dj at P naman si kath ay sila ang naatasan mag-check nang lahat.

lumabas na sila at lumibot na, may jail booth, marriage booth at kissing booth na ang english club at sports club ang nag-mamanage.

meron na ding mga puzzle na isosolve na galing sa science club at math club.

yung buffet naman ay sa food club naman.

may t-shirt at mug printing na galing naman sa art club.

yung sa drama club ay parang tea house, yung sila mismo ang mag-seserve ng tea pero naka costume sila nang maikling palda.

"dj, ano nacheck mo na ba yung sa sound system?" tanong ni kath habang may sinusulat sa papel na hawak niya.

"yeah, their good, kath le--" naputol yung sasabihin ni dj dahil may nagsalitang babae.

Kath's POV

"hello po, fan na fan niyo po kami" masayang sabi ng babae.

grupo sila actually, at sa pagkaka-alam ko ay nakita ko na sila sa shooting namin ni dj.

"ohh haha, thank you" sabi ko na lang.

"diba po mag-boyfriend, girlfriend po kayo?" tanong nang payat na girl.

hinapit naman ako ni dj palapit sa kanya, at todo naman sila sa kilig.

"yeah!" nakakadiring sabi ni dj, naglip-bite pa siya habang nakatingin sa akin, ewww.

"ohmygash, nakakakilig po kayo, direct to the bones, pwede pong papicture?" nakangiting sabi ng maputing girl.

"sure" sabi ko, si dj naman ay nakahawak lang sa bewang ko.

nakapalibot naman sila sa amin at kami ay nasa gitna.

"thank you po" sabi nila at nagpaalam na habang kinikilig pa rin

"let's go" sabi ni dj at hahakbang na sana nang pigilan ko siya.

"oopps, yung kamay mo tanggalin mo" mataray kong sabi.

"are you insane, there's a lot of different students here, they might get curious, babe" tapos hinalikan niya ako sa pisnge.

may nakatingin kasi sa amin, tsk ang dami naman kasing tao dito, pati yata yung mga prof nila ay nandito ehh.

"oo na! basta huwag mo kong tsansingan, malilintikan ka sa akin pag ginawa mo yun" pabulong na sabi ko.

"tss" he just hissed at hinigpitan yung hawak sa bewang ko at lumakad na.

pumunta kami sa buffet table at kung minamalas ka nga naman, ang daming tao at ang malala pa ay nakatingin pa sila sa amin.

nagsweetan-sweetan naman kami ni dj, sasapakin ko nga to mamaya kasi hinalikan ako sa pisnge.

"hi, nik ano? ayos ba benta?" tanong ko kay nikki na nag-aayos nang mga paperplates na may design na hearts, si dj nag-suggest niyan -_-

"oo! kath ang lakas nga eh" sagot naman niya.

"ahh good news yon, sige pagpatuloy niyo lang yan" masayang sabi ko.

"hi dj" biglang sabi ng babae kaso nga lang parang hindi yata niya narinig dahil nagkukukut-kot siya sa phone ko.

Getting That Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon