Kabanata 8

42.4K 1.9K 991
                                    

GREEN

Nagtatawanan pa kami ni Rid pag labas ng classroom pero agad rin akong natigil ng makita ko si Phan-phan na palapit samin.

Ano ba yan, nandito na naman sya.

Monday ngayon at talagang hindi nya palalampasin ang araw na ito?

"Let's go." Saad nya ng makarating sa tapat ko. Hindi ko na tuloy nakakasama mag lunch si Rid dahil parati syang naka abang sa kung saan.

Yung totoo?

"Ehh-- saka na muna ang utos phan-phan, kakain muna kami." Pero tinaasan nya lang ako ng kilay at nauna ng mag lakad.

"Badtrip yan." Bulong sa'kin ni keene, medyo close na kami. Sipsip kasi sya tapos ako cute lang pero sipsip pa rin talaga sya.

"Bakit naman?" Bulong ko pabalik.

Nag kibit sya ng balikat pero sinagot pa rin yung tanong ko. "Nakita nya kasing nakikipag landian kanina yung taong gusto nya." Sumimangot ako.

"Sabihin mo wag na sya roon, nangangamoy pala red flag eh." Tumawa sya sa sinabi ko tapos tinapik nya ang balikat ko.

"Sabihin mo sa kanya." Umiling ako, ayoko nga. Mamaya nyan bigla na lang akong tumilapon. Naalala ko pa nag nung first day, nung mabunggo ako sa kanya.

Grabe yung impact.

"Ikaw na, ikaw ang best friend eh." May inabot sya sa'kin chocolate. Hindi ko na alam kung pang ilang araw nya na itong ginagawa simula ng malaman nyang kapatid ko si Blue.

Sabi nya ibigay ko raw sa kapatid ko pero kinakain ko naman kapag nagugutom ako, ang ending wrapper na lang ang naiuuwi ko sa bahay.

Ayos lang yun, hindi naman mahilig kumain ng matamis si Blue eh. Pakainin mo ng maanghang at maasim, pwede pa.

"Ibinibigay mo ba talaga to sa kapatid mo?" Nilingon ko si phan phan ng lumiko ito papunta sa library.

"Oo nga." White lie lang yan ah. Hindi naman ako mapupunta sa empyerno dahil sa pagsisinungaling ko.

"Talaga?" Nag taas ako ng kanang kamay na parang nanunumpa.

"Promise." Binitawan nya na ang chocolate, agad ko naman itong isinilid sa loob ng bag ko.

"Uy saan tayo?" Nalampasan na kasi namin yung library na abot hanggang 10th floor.

Grabe, ang dami namang libro nyan.

"Baka sa garden nya."

"Garden nya?" Tanong ko, hindi ko alam na may garden pala rito sa likod ng library.

"Oo, sa kanya yan simula ng mag aral sya rito sa QU." Namamangha ako ng makita ang maliit na gate na puno ng mga halaman, may nakasulat pang malaking AERIS sa itaas.

Saktong pagdating namin roon ay may nakalatag ng picnic blanket at may mga pagkain.

Napatampal ako sa sariling noo ng maalala kong wala nga pala akong biniling gatas.

"May bibilhin muna ako.." hindi na sila nakaangal dahil kumaripas na ako ng takbo paalis sa garden ni Aeris.

Pumunta akong cafeteria at bumili ng gatas ko.

Queen's little nerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon