Chapter Twenty-Seven

Começar do início
                                    

"Hindi ka pa daw kumakain sabi ni Ashley" Malumanay na sabi n'ya sa akin.

"Halika anak kain ka muna" Tinitigan ko lang s'ya sa bawat kilos n'ya.

The moment our eyes met mas lalong nadurog ang puso ko. I can see sadness in her eyes, kita ko rin ang pag-aalala n'ya sa akin, kita ko ang sakit sa mga mata n'ya.

"Ma..." As soon as I said those my mom hugged me, and lahat ng sakit biglang bumuhos sa akin.

"Ma ang sakit sakit" I said in between my sobs habang yakap ko s'ya. "Ma bakit? Bakit ganito?" I never heard anything from her, but her hug and how she caress my back is all I need. Not her words, just the hug that I needed the most.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakatayo at magkayakap ng nanay ko, pero as time goes by gumagaan ang pakiramdam ko.

"Kain na anak, niluto ko paborito mong bulalo" Sabi n'ya sa akin at tumango naman ako, pinunasan n'ya ang mga luha ko at hinalikan ako sa ulo.

"Ma" Tawag ko sakanya, andito kami sa sala at nanonood ng kung ano sa TV.

"Hmm" Sagot n'ya sa akin.

"Ma I'm sorry" My voice is shaky, ang mga luha ko namumuo na naman.

"Ayos lang anak" Sabi n'ya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Ma, anong mali sa akin?" Umiling s'ya sa akin.

"Walang mali anak, pero..." Tiningnan ko s'ya sa mga mata n'ya.

"Ang mali lang anak ay 'yung ginagawa mo ngayon sa sarili mo" Napayuko ako sa sinabi n'ya, tama naman s'ya, maling mali ang ginagawa ko.

"Walang masamang umiyak, mag-inom, magkulong, lumayo. Lahat 'yan nararamdaman mo anak, 'wag mong ibalewala. Pero ang mali lang anak nilulunod mo ang sarili mo sa alak, hindi ka kumakain, hindi ka nakakatulog ng sapat" Ngumiti s'ya bago muling nagsalita.

"Alam mong suportado ka namin ni papa mo, ng mga kaibigan mo. Pero anak hindi naman mawawala 'yung sakit sa pag-inom mo ng alak, makakalimot ka pero panandalian lang. Mahal mo si Pia hindi ba?" Tumango ako sakanya.

"Kung mahal mo s'ya anak aayusin mo ang sarili mo, bubuoin mo ang sarili mo. Para kapag dumating ang panahon na magkrus ulit ang landas n'yo buo ka na, handa ka na. Tandaan mo anak, hindi ka maaaring magmahal kung ikaw mismo hindi mo mahal ang sarili mo. Ikaw muna anak, ikaw muna ang ayusin mo bago 'yung sa inyo"

End of flashback...

After that day nagbago ang lahat, I opened another shop sa Cali and focused myself doon.

Ashley and Mia did not give me any earful scolding, what I got instead is love, they cook for me, take me out for dinner, lunch, movies, they even helped me open my shop.

I am so grateful for the two of them, siguro kung wala sila hindi ako makakaahon ng ganito.

Naputol ang pag-iisip ko nung may nabunggo akong bata.

"Oh sorry, are you okay?" I said at napaupo 'yung bata, tumango lang s'ya sa akin bilang sagot, tinulungan ko s'yang makatayo at natulala ako nung makita ko ang mga mata n'ya, just like her eyes.

"Sophie!" Napalingon ako sa kung saan nanggagaling ang boses at halos mapako na ako sa kinatatayuan ko.

"Baby, I told you no running right? Are you okay?" Pinagmamasdan ko lang s'ya. Hindi n'ya siguro ako napansin dahil nakasuot ang hood sa ulo ko at oversized ito.

"Yes mom" Mom? So anak pala n'ya. Napangiti na lang ako ng mapait.

"I'm sorry I--" Hindi n'ya natapos ang pagsasalita n'ya nung makilala n'ya ako.

"Hi" Bati ko sakanya at tinanggal ang hood sa ulo ko.

"He-hello" I can hear nervousness in her voice, I wanted to smile, she didn't changed a bit. Same old Pia.

"How are you?"

"I'm fine, sorry pala nabunggo ka ni Sophie" I just nod at nakita kong ang dami n'yang bitbit.

"Tulungan na kita" She shook her head.

"Come on, saan ka nakapark, ihahatid ko kayo"

"Ayos lang, d'yan lang kami nakatira" I followed her gaze at nagulat ako. Its just the building next to ours.

"Wow, what a small world, doon lang ako sa katabing building" Kita ko ang gulat sa mga mata n'ya, just like before. I remember the first day na nagkakilala kami.

Kinuha ko na ang mga pinamili n'ya at nagsimula na maglakad.

Naramdaman ko naman na nakahinto lang s'ya sa likod ko kaya naman nilingon ko s'ya.

Huminga s'ya ng malalim bago binuhat 'yung anak n'ya at sumunod sa akin.

Tahimik lang kaming naglalakad, magkasabay. Just like what I imagined our life would be. Napangiti na lang ako sa naiisip ko, kasi alam kong hindi na mangyayari pa 'yun.

"Dito na lang kami Sam" Tumango naman ako at hinintay na buksan n'ya ang pinto bago ako umalis.

"Daddy!" Sigaw nung bata pagkabukas ng pinto, yumuko na lang ako. Hindi ko kayang makita kung sino ang ama ng anak n'ya. Hindi pa.

"Salamat Sam, pasok ka muna"

"Hindi na, baka nag-aantay na--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung magsalita ang lalake.

"Hi I'm Paulo, pasok ka muna" Aya nung lalake kaya naman wala na akong nagawa kundi pumasok na lang din.

"Upo ka muna, asikasuhin ko lang si Sophie" Sabi ni Pia sa akin.

Katulad ng condo n'ya noon, simple lang ito, malinis, and homey ang dating.

"Heto juice, inom ka muna" Alok sa akin ni Paulo, tinanggap ko naman ito at ininom.

"Pia asikasuhin mo muna bisita mo, ako na kay Sophie" Sabi ni Paulo at umalis na sa harap ko.

"Ah hindi na ako magtatagal Pia, salamat" Sabi ko sakanya at tumayo na.

"Dito ka na maglunch, magluluto si Pia. Bihira na lang magluto 'yan" - Paulo

"Rain check? Someone's waiting for me" Nahihiyang pagtanggi ko.

"I see, maybe next time?" I just nod at him.

"Hatid na kita" - Pia

"Its nice to see you again Pia" Sabi ko sakanya habang pababa kami ng building nila.

"Thank you sa pagtulong, ang likot kasi ni Sophie eh"

"No biggie, sige na balik ka na, baka inaantay ka na ng anak mo" Kita ko naman ang pagkunot ng noo n'ya sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?

Tiningnan n'ya lang ako at halatang nagpipigil ng tawa. Anong nakakatawa doon? Tinitigan ko lang s'ya at nakita ko naman na nabasa n'ya ang nasa isip ko.

"Hindi ko s'ya anak, anak s'ya ni Paulo, bunsong kapatid ko" Kapatid n'ya si Paulo?

Gago nakakahiya, akala ko talaga anak n'ya.

"Akala ko--" Umiling lang s'ya na natatawa.

"Silly, sige na baka inaantay ka na sa inyo" Ngumiti ako sakanya. Nakakahiya!

"Pia..."

"Hmm?"

"Last day ng show ni Mia tonight, kung wala kang gagawin invite sana kita" I saw her smile a bit, and with that I am hoping na sana pumayag s'ya.

"I'll ask Paulo muna, wala kasi maiiwan kela Samara, wala kasi asawa n'ya walang magbabantay"

"Maiiwan?" Akala ko ba girlfriend n'ya si Samara?

Nakita ko naman na natawa na naman s'ya, siguro halata na naman sa mukha ko na gulong gulo na ako.

"Si Samara 'yung panganay ni Paulo, si Sophie 'yung bunso. Gets na?" Tatawa tawang sabi ni Pia.

Napangiti na lang ako at napayuko sa hiya.

So single pa rin s'ya? Wala s'yang anak?

-------
Almost at the end.

Hopefully you are still reading.

Yanyan

Tangled HeartsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora