[Gaga! Ang nega mo naman! Si Amadeus pa? You know that he's not that kind of person, Milada. Baka busy lang talaga siya sa Albancia at siguro'y mas kailangan ng pansin ng pamilya. Tulad ng nasabi sa'kin ni Amadeus ay hindi talaga sila umuuwi roon dahil may hindi pagkakaintindihan ang papa niya at ang lolo nito. Baka they spent some quality time there. Just wait him at baka mamaya or bukas ay ma-contact na siya.]

Pinanghawakan ko ang sinabi ni Cassie. Naghintay ako kahit hindi naman ako sigurado. May part sa akin na gustong sabihin kay Cassie na pumunta kami sa Albancia para malaman kung ayos lang ba si Amadeus doon. Pero alam ko rin naman na ayaw umuwi ni Cassie sa probinsya nila.

I'm just sad and hurt. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. This past few days I come up to confess again my feelings for him. Bahala na kung anong magiging kahihinatnan ng gagawin ko. Basta masabi ko lang sa kanya na gusto ko siya. Pero sa ngayon... mukhang malabo 'yon. Wala siyang paramdam at hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa kanya.

Milada:
Amadeus, kamusta?

Milada:
Narinig ko ang nangyari sa lolo mo. Maayos na ba siya? Ikaw?

Milada:
Masyado sigurong busy diyan kaya hindi mo na nachi-check ang phone mo.

Milada:
Makaka-attend ka pa ba ng prom?

Milada:
Hindi na ako sumali sa cotillion. Wala rin naman akong partner. Narinig ko rin kasi na baka hindi ka na makakauwi ng Biñan.

Milada:
Kumusta ka?

Paulit-ulit kong pinasadahan ng tingin ang mga text ko sa kanya noong nakaraan. Marami pa 'yon pero ni isa ay wala siyang nireplayan.

Kinabukasan ay tumulak na ako papunta kila Cassie. Nag-commute lang ako lalo't hindi naman ako marunong magmaneho ng sasakyan kahit pa may mga sasakyan sa garahe namin. May naiwan din susi pero hindi na ako nag-abala.

Malakas na tili ang salubong sa akin ni Cassie ng makapasok ako sa bahay nila. Their house is big. Chandeliers. Marble floor. And the structure of their house is elegant and classy. Sabi niya sakin ay mas malaki at maganda raw ang bahay nila sa Albancia. Ang Casa Montimer.

"Uuwi kami pagkakinabukasan ng prom. Ano? Sasama ka?" si Cassie habang tinutulungan akong ilabas ang gown sa loob ng paper bag. Bago kasi ako dumiretso sa kanila ay dinaanan ko na rin sa boutique ang gown ko.

"Hindi pa ako nagsasabi kay Tita Kilari at hindi rin sigurado kung papayag 'yon. Malayo ang Albancia sa Laguna, Cassie." Sagot ko rito.

"Eh di ako ang magpapaalam. Ang kambal kasi ay walang balak umuwi kaya maiiwan sila dito. Kaya mas masosolo natin doon." Ngumiti ako. "O, baka naman... si Amadeus ang gusto mong puntahan doon?"

Bakas ang pang-aasar sa kanya kaya ngumiti ako at bahagyang tumango. Umirit siya at pinanggigilan ang unan na yakap-yakap niya na ngayon.

"Hindi ko alam ang bahay ng mga Contrejas sa Albancia lalo't hindi naman ako naglalagi roon. Pero pwede ko naman na itanong sa mga pinsan ko na nandoon." Tipid akong tumango sa kanya.

"Gusto ko lang malaman kung ayos lang ba siya..." nagtagal ang tingin sa akin ni Cassie.

"Hindi na isang simpleng pagkakagusto lang ang nararamdaman mo kay Amadeus, Milada... nararamdaman kong mas malalim pa roon." Hindi ako sumagot. "Did he give you mixed signal, Milada?"

Nagkibit ako ng balikat.

"Hindi ko alam, Cassie. At mukhang malabo na bigyan niya ako ng gano'n dahil alam naman natin na mabait talaga si Amadeus. Yes, I feel like he cares for me. Tinulungan niya nga ako sa mga subject na nahihirapan ako. Sabay kami pumasok at umuwi. At marami pang iba, Cassie. Hindi ko naman inaasahan na magiging malapit kami ni Amadeus. I just admired him from a far. I never confess to him again because I'm scared. Pero sa mga nagdaang araw, linggo at buwan na nagkakalapit kami... alam ko sa sarili kong talo na ako. Kasi nahulog na ako ng tuluyan sa kanya. Hindi na ako nakaiwas at tinanggap na lang ang lahat."

Operation: Secret GlancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon