09

744 21 1
                                    

Sai POV

"Ang ganda talaga ni friend, diba sai?". Napabalik ako sa ulirat ng tanongin ako ni sahara.

"Ah? Oo".

"Ang swerte naman ng lalaking may nag mamay-ari sa kanya".

"Sahara, my asawa na siya".

"Asawa?".

"Oo at anak".

"Teka seryoso ka ba? Kailan nya sinabi".

"Noong araw na lasing tayong tatlo".

FLASHBACKS

"Vivian lasing kana halikana ihatid na kita sa condo mo".

"Hindi ako lashing, miss ko na ang anak ko". Nakita ko kung paano siya umiyak sa harap ko.

"M-may anak ka?".

"Oo, a-ang m-masaklap pa doon. N-nawala ang anak ko".

"Vivian".

"T-tapos yung asawa ko, s-sa kanya ko sinisi a-ang lahat. K-kung di nya lang s-sana kame g-ginulo edi sana k-kasama ko pa siya". uminom ulit ito ng alak.

"Nasan ang asawa mo?".

"W-wala na kame t-tapos na m-matagal na. S-simula ng mawala a-ang anak ko, k-kinalimutan ko na siya haha".

Niyakap ko siya ng maigpit, ngayon ko lang nalaman na may tinatago pala siyang sakit.

END OF FLASHBACKS

"Naawa tuloy ako sa kanya, ayts. Ang tanga pala ng lalaking yun".

"Ay na ko, ikaw talaga ang ingay mong babae ka tara na nga".

Xybrix POV

"Bro, nalaman namin si janessa". Nilingon ko naman si lance.

"Oh?".

"Sabi sa isang investigation, nalaman nila sa isang lalaking nagpasabok ng school na pinapasukan ni ashley ay si janissa raw".

"What? Are you sure bro?".

"Yeah, pero hindi pa kame sure kung tama ba yung narinig ng investigator. Bigla daw siyang namatay".

"Fvck, yun nalang ang paraan para matukoy natin ang totoo".

"Pero bro, may alam kameng paraan kung paano natin malalaman kung sino ang salarin". Simon.

"What?".

"Balikan mo si janissa". Simon.

"Ano, siraulo ba kayo. Ako makikipagbalikan sa kanya. No way".

"Kung gusto mong makuwa ang evidence. Yun lang ang paraan para malaman natin, baka tama nga ang hula namin na kasabwat si janissa sa pagsabog ng School na pinapasukan ni ashley".

Nagdadalawang isip man pero pumayag na ko.

Kung may kinalaman siya sa nangyari sa anak ko, ako na mismo ang papatay sa kanya.

Vivian POV

Kausap ko ngayon si Manang feng kasama ang dalawa kung kaibigan.

"Kamusta kana jan ija?". Manang feng.

"Ayos naman po ako manang. Kayo po?".

"Ayos na ayos ako rito anak, hindi naman ako pinapabayaan ng mga kaibigan mo at si xybrix".

'Xybrix'

'Xybrix'

'Xybrix'

'Xybrix'

'Xybrix'

"Po? S-si xybrix?".

"Oo anak, nagkasakit kase ako noon kaya siya na ang nag-alaga sakin".

"P-pero manang, ba't di mo tinawagan sila carla't susan?".

"Vivian, busy ako noong mga araw na nagkasakit si manang". Susan.

"Ako din". Carla.

"Uhm, manang kamusta na po siya?".

"Alam mo ija, noong panahon na aalis kana ng pilipinas. Pumunta siya rito, sobrang lasing nya noon".

"Ba't naman siya magpapakalasing".

"Ang slow mo naman besh". Susan.

"Lamang, dahil sayo duh. Kanino pa ba siya magpapakalasing". Carla.

"Pero mukang nagbago na siya". nilingon ko si manang feng.

"Bumalik na siya sa dati".

"T-talaga po". Utal na saad ko.

"Oo, mukang nakalimutan kana nya".

Ngumiti naman ako ng simple.

"Mabuti kung ganon, akala ko buong buhay na siya magmomokmok dahil sakin".

"Pero sana, magkabalikan na kayo". Saad ni manang feng na ikinagulat ko.

Balikan? Hindi na kame pwedeng magkabalikan, lalo't tapos na ang pagsasama namin.

Alam kong hindi na nya ako mahal kaya papano pa kame magkakabalikan.

"Sige po manang, kailangan ko na pong ibaba'to. May meeting pa po ako".

"Sige ingat ka jan/Ija". Saad ng tatlo at pinatay kuna ang laptop.

Napasandal ako sa swivel chair at pinaikot ito.

Cheating Series#1: Got pregnant by my ex husband Where stories live. Discover now