05

1.1K 29 0
                                    

Xybrix POV

"S-sa sofa ako matutulog". saad ni vivian.

"No, ako ang matutulog sa sofa. Dito ka sa kama".

"Hindi ak-".

"Kapag sinabi ko, gagawin mo".

"S-sabi ko nga sa kama ako eh". Umiga na ito at ipinikit na nya ang kanyang mga mata.

Humiga narin ako sa sofa at tinignan muna siya bago matulog.

"Goodnight Honey".

"Goodnight honey!". biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa paulit-ulit nyang binibigkas ang honey.

D*mn wag kang naniwala sakanya vivian. Baka niloloko kalang nya.

Isinantabi ko muna yun at hinayaan kuna ang aking mga mata na pumikit.

Nagising nalang ako ng may tumutusok sa aking pisnge.

Kaya minulat ko ang aking mga mata at bumungad sakin ang mukha ni xybrix.

"Buti at gising kana honey".

"Uhm, s-si ashley?". Naiilang kong tanong sa kanya.

"Wag kang mag-alala, inihatid kuna siya sa bago nyang shool".

"Ano? P-pero ba't hindi mo ko ginising?".

"Wag kang mag-alala kumuwa ako ng yaya para kay ashley".

"Ganon ba".

"Sige na bangona't para makakain ka".

"Sandali lang xy". huminto ito at humarap sakin.

"Pwede ba akong mag paalam sayo".

"At saan naman?".

"Dadalawin ko lang si Manang feng sa bahay, at kailan ko ding mag pakita kay carla. Birthday nya kase kahapon kaya hindi ako nakapunta. Nangako kase ako na lalabas kame ngayon. Sige na payagan mo ko. H-hindi naman ako tatakas eh".

"Okay".

"Talaga?".

"Oo, pero sasama ako".

"S-sasama ka?".

"Oo, baka kase anong mangyari sayo".

"O-sige".

Andito ako ngayon sa sasakyan nya.

Pumunta muna kame kay manang feng.

"Honey, baka gusto mong sa bahay nalang natin patirahin si manang feng?"

"Hindi na".

"Alam mong malapit sa isa't isa ang anak natin pati si manang feng". nilingon ko naman siya.

"Paano mo nalaman?".

"Alam kuna ang lahat, at saka yung apilyedo ni Ashley pinalitan kuna rin".

"Ano?".

"Ashely Vicky Samonteverde Walter At ikaw naman ay si Vivian Samonteverde Walter".

"Pero xy!".

"Honey, hayaan mo kong bumawi sayo".

"Hindi ko alam kung totoo ang pinapakita mo sakin o hindi". nakayuko ako habang sinasabi ang mga yun.

Huminto ito at nilingon ako.

"Hanggang ngayon ba hindi ka padin naniniwala sakin?".

"Xybrix, sa limang taon hindi ko padin nakakalimutan ang sakit na pinaramdam mo sakin. Sakit kung paano kayo nakikipag s*x kay Janessa sa bahay natin".

"I-i'm sorry vivian. Pero wala na kame at ito ako bumabawi sayo, sa inyo ni ashley".

"Pero xy, hindi ko na maibabalik ang tayo. Dahil wala na kong nararamdaman sayo. Pumayag lang ako dahil para kay ashley, ayo kung maging makasarili at ayo kung ipagkahit sa kanya ang buong pamilya. Magsasama tayo sa iisang bahay para sa kanya pero wala nang namamagitan satin, xy I'm sorry pero hanggang doon nalang yata ang nararamdaman ko sayo Ayo ko na xybrix". nakita ko naman kung paano lumungkot ang mukha nyo.

"Vivian naman eh! Ikaw ang nag pabago ng buhay ko. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganto, ikaw ang buhay ko. Tapos sasabihin mo ayaw muna. Hindi ako papayag kukunin ko ulit ang puso mo para mahalin mo ulit ako". Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha nya.

"I'm sorry". saad ko at iniwasan siya.

"K-kung saan ka masaya, pero ito lang ang tatandaan mo. Hindi ako sosoko hangga't hindi ka bumabalik sakin. Mahal kita vivian".

Hindi ko na siya sinagot at sinimulan nya na ang pagmamaneho.

Andito na ko ngayon sa harap ng bahay ko.

"Hindi ka papasok?". Saad ko sa kanya.

"Hindi na, ikaw nalang. Sige kailangan ko ng umalis".

"S-sige". lumabas na ko at huminto muna saka ko siya nilingon papalayo.

Mahal kita xybrix pero hanggang dito nalang yata tayo.

Cheating Series#1: Got pregnant by my ex husband Where stories live. Discover now