Chapter Eighteen

358 21 2
                                    


MULA sa screen na kanyang tinitingnan ay dumako ang tingin niya sa cell phone na nagv-vibrate sa mesa. Tinanaw niya si Rei na nakaupo sa couch at nagbabasa ng libro. He asked for a couple of hours to do some work na agad naman nitong pinagbigyan. Dinampot niya ang cell phone at nagtungo sa master's bedroom.

"Mom, what is it this time?" sabi niya pagkasagot sa tawag nito.

"Sebastian! Paano mo nagawang bastusin ang Mamita ng ganoon at sa harap pa ni Sofia at Bianca? Have you lost your mind?" talak nito sa kabilang linya.

"What have you done, Mom? Hindi mo manlang ako kinunsulta muna bago mo pinapunta ang lalaking 'yon dito. He's never welcome in my house."

"Sebastian! He is your father-in-law."

"He is not. And stop interfering with my life."

"I just did you a favor, anak. At ako pa itong lumalabas na masama? Alam ko na ang nakaraan ng babaeng iyan at kapag hindi ka tumigil sa pagpapanggap na asawa mo si Rei, ako mismo ang gagawa ng paraan para lumabas sa publiko ang ginagawa n'yong pagsisinungaling! You will be ruined. Bakit mo pinoprotektahan ang isang katulad niya? Have you lost your fucking mind?"

Veronica Andrada must be forgetting that he is an adult at parang teenager ang kausap nito kung pagsabihan siya.

"I had to do what I had do do. Now if you're gonna lecture me about this, please stop calling me."

"Sebastian, galit na galit ang lola mo! Apologize to her!"

"Both of you should apologize to Rei for what you did. I won't let you treat her like that, she's my wife and if you all want to be respected, you have to pay your respect first."

"Anak, Rei is nothing for God's sake! Hindi mo ba nakikita? Bianca is back! Okay, if you don't like Sofia, sige, pero nagbalik si Bianca at willing siyang ayusin ang kung anoman ang nagyari sa inyo noon."

Bumangon ang galit sa dibdib niya. "You have no idea what I went through because of that woman, Mom. At kung gusto mong malaman ang ginawa niya please ask her. I don't really have time for this right now—"

"Sebastian, sinasabi ko sa 'yo na kung ayaw mong matulad kay Catherine si Rei, you have to stop this!" nagbabanta ang tono nito.

Natigilan siya. Lalo siyang parang sasabog sa galit sa narinig mula sa ina. Kung ayaw niyang matulad si Rei kay Catherine ay kailangan niyang itigil na ito? What the fuck did she just say to him?

He ended the call bago pa siya may masabing hindi maganda dito dahil para siyang sasabog sa galit. He was about to go outside when his cell phone vibrated again.

"Keith," aniya nang sagutin iyon.

"Boss, may natanggap akong impormasyon tungkol sa kaso ni Catherine. Natunton ko ang matalik niyang kaibigan at handa siyang makausap ka."

Sumulyap siya sa pintong nakasara saka siya naglakad palayo roon at nakinig sa sinasabi ni Keith. Mas lalo lang lumalakas ang pakiramdam niya na tama ang kanyang hinala. Sooner or later, malalaman na ang totoo at alam niyang hindi na rin siya dapat na mag-aksaya ng oras.

"I need to know where and when as soon as possible."

Matapos ang tawag na iyon ay lumabas siya ng silid. Naglakad siya patungo sa mesa at dinampot ang baso saka tinabihan sa couch ang dalaga. Suot nito ang oversized robe niya at tahimik na umiinom ng green tea. He had to finish some work kaya iniwan niya ito nang halos dalawang oras matapos ang hapunan nila.

Ibinaba niya ang baso ng alak sa coffeetable at ipinahinga ang likod. Sumiksik ito sa gilid ng couch, hawak sa dalawang kamay ang mug at napansin niya ang mga paa nitong walang bahid ng kulay sa mga kuko. She never wear any accessory bukod sa pares nga maliliit na hikaw at ang singsing na bigay niya rito. She looked incredibly beautiful in his eyes kahit na walang makeup sa mukha nito. Kung dati ay hindi niya napapansin ang ganda nito, ngayon ay hindi na ito nawawala sa isip niya.

The Billionaire's Fake Wife (Completed)Where stories live. Discover now