Chapter Seventeen

Start from the beginning
                                    

"Reina! Isasama na kita pabalik sa Agusan! Anak!" sabi nito na ang boses ay tila malapit na sa kanya.

Habang papalapit sa tinutuluyan ni Mang Jun ay may biglang humawak sa kanyang braso. She got even more scared. But it was Sebastian, nakatitig ito sa kanyang mga mata. Nanginginig ang kanyang mga kamay, nanlalaki ang kanyang mga mata at nangangatal ang kanyang mga labi.

Lumabas si Mang Jun mula sa tinutuluyan nito. "Ma'am Rei? Hinahanap mo ako?"

"P-pa...pahatid ho sana." Gumagaralgal ang boses niya. "Tara na po, Mang Jun. Please? Ihatid n'yo na po ako pauwi. Please po!" tumulo na ang mga luha niya sa labis na takot.

Kumawala siya sa pagkakahawak ni Sebastian nang makitang nakalapit na ang kanyang ama ngunit bago pa siya nito mahawakan ay ihinarang ni Sebastian ang katawan nito sa kanya.

"Wala kang anak dito. Umalis ka na." Seryosong sabi nito sa kanyang ama na para bang nagbabanta ang tono.

"Reina, ano ang sinasabi ng lalaking ito? Halika na, anak. Umuwi na tayo. Sino ba ang lalaking ito?"

Nagpupumilit ang ama niyang makalapit sa kanya.

"I'm her husband. Mang Jun, pakihatid na ang taong ito sa labas." Matigas na wika ni Sebastian. "At kung magpipilit pa rin siya, please call the security and the police."

"Nag-asawa ka na? Reina! Hindi mo manlang sinabi sa amin ng nanay mo na nag-asawa ka? Anak! Hindi totoo ang sinasabi ng lalaking 'to! Magpaliwanag ka, anak! Isasama na kita pabalik sa Agusan!" sigaw nito.

"Hindi ako bata para sumama sa 'yo. Hindi mo ako anak!" sigaw niya rito.

Dahil hamak na mas malaking tao si Mang Jun sa kanyang ama ay wala itong nagawa nang bitbitin ito palabas. Nakita niya mayamaya ang paglapit ni Mamita kasama ang dalawang babae. Ano pa ba ang kailangan niyang gawin para bigla na lang maglaho sa kinatatayuan niya?

"Why would you treat your father-in-law like that, Sebastian? Hindi ba gustong makita ni Rei ang kanyang ama? What's going on here?" litong-lito ang matanda. "Your mother arranged this visit!"

Alam niyang sinadya ng mga itong hanapin ang mga magulang niya para ipamukha sa kanya na hindi siya karapat-dapat sa apo nito. Alam niyang ginagawa ng mga ito ang lahat para sirain siya, para bumigay siya, para iwan niya si Sebastian. At nag-uumpisa pa lang ang mga ito sa ginagawa, una pa lang ay ramdam na niya ang pagkadisgusto ng mga ito sa kanya kaya hanggang saan ang kaya ng mga itong gawin para burahin siya sa buhay ni Sebastian? Pero hindi na ng mga ito kailangang gawin iyon. Maglalaho na siya sa buhay ng mga ito.

"That's not her father anymore. Now I don't know why you would do such a thing without consulting me first." He said in a serious tone.

"Your mother was just being nice to Rei, apo. And because I was close to the airport, ako pa ang sumundo kay Bianca dahil parang wala kang balak na sunduin siya. For old time's sake, apo, at least communicate with her better. Isn't it great?"

"I'm really not in the mood for this right now," ani Sebastian.

Narinig niya ang matataas na takong na lumalapit sa direksiyon nila. Nasamyo niya agad ang mamahaling pabango nang umihip ang hangin. Si Bianca ay tiningnan siya nang makahulugan bago malagkit ang tinging ibinigay kay Sebastian.

"Sebastian, I've been wanting to see you," anang isang bagong tinig sa kanyang pandinig. "Nagpasundo na ako sa airport para masurprise kita. I really miss you. Can we talk?" ani Bianca.

"I saw everything on the internet, Sebastian, bakit mo ipinagtatanggol ang babaeng iyan? She is clearly using you at nagawa pang kumabit sa isang Hector Juarez na isang pipitsuging engineer? Sinasabi ko na nga ba at nagkamali ka sa babaeng iyan!" sigaw na ni Mamita. "Your mother is right about her, too. We never liked her. Ginagamit ka lang niya dahil alam niyang isa kang Andrada."

The Billionaire's Fake Wife (Completed)Where stories live. Discover now