Chapter Fifteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yeah. I remember. Pagkatapos ay nalaman kong after graduation ay ipinagpatuloy mong mag-aral ng Engineering. At si Patricia naman ay tumuloy sa Psychology. You guys followed your dreams and I'm so happy for both of you."

Tumango-tango si Patricia. "Pero nakakatuwang isipin na mas mataas pa ang narating mo sa amin." sabi ni Patricia.

"Oh, wala naman akong halos kinikita sa pagsusulat sapat lang pambayad ng bills ko."

Ngumiti ang kaibigan at umiling. "Hindi 'yon! I mean, look at you, wearing that expensive ring, branded clothes and having the best life dahil napangasawa mo ang isang katulad ni Sebastian Andrada, I mean, you don't even go out and party tapos nakakilala ka ng isang tulad niya? That's just so...what's the term I'm looking for?"

"Blessed." Sabi ni Hector na nginitian pa siya.

"Lucky." Sabi ni Patricia bago nawala ang ngiti sa mga labi. "I guess it's pure luck."

Umiling siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga sinabi ng mga ito. Masaya ba ang mga ito sa kanya? Parang hindi iyon ang dating ng pananalita ng mga ito lalo na ni Patricia na ipinagtataka niya. Lagi namang supportive sa Patricia sa kanya mula noon kaya bakit parang may iba sa tono nito ngayon. Itinuturing niya itong best friend kaya bakit nag-iiba ito ng pakikitungo sa kanya?

"H-hindi naman ako umaasa sa asawa ko. I still work."

At hindi ko 'yon asawa! Sigaw ng isip niya.

Patricia laughed. "Why? Para saan pa na magtrabaho ka? You live in his mansion with maids and a driver. Kahit sino puwede mong bayaran para pagsilbihan ka. Hindi ko talaga akalain na ikaw pa ang makakapangasawa ng pinakamayaman sa batch natin. I mean, natalbugan mo pa sina Karla."

Hindi siya nakapagsalita dahil hindi naman siya makapaniwala na maririnig iyon mula sa bibig mismo ng itinuturing niyang matalik na kaibigan.

"Well, I admire you for that, Rei. Mas okay rin na tumutulong ka sa kanya at hindi lang nakaasa." Sabi ni Hector. "Patricia has a point though."

Hindi siya nagsalita. Hindi niya alam ang dapat niyang sabihin sa mga ito. Tumayo na si Hector at nagpaalam na babalik na ito sa trabaho. Napatayo rin siya para sana kamayan ito nang biglang yakapin siya nito.

"I hope to see you again, Rei. Kung hindi lang sana ako dapat na bumalik na sa site, matatagalan pa sana ako dito." Halos ay bulong nito sa kanya. At hinawakan siya sa magkabilang balikat at inilayo dito.

She went back to her seat thinking how in the world Hector was acting as if they were close friends. Ang weird sa pakiramdam niya ng ginawa nitong pakikitungo sa kanya. That kiss on the cheek was the first red flag pagkatapos ay niyakap naman siya nito nang mahigpit. That was just weird. What's going on?

"Parang may iba..." aniya at deretso ang tingin sa kaibigan.

"Ha? What do you mean?"

She shrugged it off, baka siya lamang ang nag-iisip niyon.

"Anyway, kumusta ang trabaho? At ang boyfriend mong si Phil?"

Umikot ang mga mata nito na para bang biglang nabwisit. "Wala na kami ni Phil. He's a loser. Kaya ayoko nang pag-usapan. Work is fine. Same shit everyday." Biglang ngumiti ito at tila kumislap pa ang mga mata. "Ikaw naman ang magkuwento. Kumusta ang bago mong buhay? Ano'ng hitsura ng bahay ng asawa mo? Malaki ba talaga katulad ng nakita ko sa balita noon? Magkuwento ka dali! Ilan ang mga katulong n'yo? Ilan ang kotse niya? At saka, joint account ba kayo ni Sebastian? Nag-prenup ba kayo?"

"Okay lang naman, Peks." Tipid niyang sagot.

Hindi niya inaasahan na mas interesado ito kay Sebastian kaysa sa kanya. She could feel that something has changed at nagiging malinaw na iyon sa kanya. Hindi ganoon si Patricia dati, palagi ay tungkol sa mga pelikula, artista, potential businesses at mga lugar na gusto nilang puntahan ang pinag-uusapan nila ngayon ay puros si Sebastian lang ang bukambibig nito.

The Billionaire's Fake Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon