Chapter Fourteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"She's sexually abused by our father, Seb..." humagulgol siya ng iyak at mabilis na ipinaloob siya nito sa mga bisig nito.

Hindi niya alam na ang pag-alala sa nakaraan ay magdudulot pa rin ng nakaliliyong sakit sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. She had left everything in Agusan for sixteen years now! Pero sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ilang beses niyang inisip na kitilin ang sariling buhay. The past is still haunting her.

"Isang araw na naglako ng gulay ang nanay at naiwan kami ng Ate Mildred sa bahay. Ang akala namin ay nasa bukid ang tatay pero tanghalian ay umuwi siya. Pilit niya akong isinasama pabalik sa bukid. Lumaban ang Ate ko, ayaw niya akong sumama kay tatay. Hindi ko maintindihan kung bakit—"

Niyakap siya nang mahigpit ni Seb. "Oh, my God! I didn't know. I didn't know. I'm so sorry you had to go through that! Oh, Rei..." unti-unti siya nitong tiningnan sa mga mata.

"Nagpilit ang Ate na siya na lang ang isama sa bukid. Dahil dose anyos lang daw ako at maawa naman daw sa akin ang tatay. Pumayag siya at umiiyak na naman ang Ate na sumama sa tatay. Pagbalik niya ay hapon na. Narinig kong nagsusumbong ulit siya sa nanay dahil daw sinalbahe siya ulit pero sinabi lang ng nanay na huwag na lang daw matigas ang ulo ng Ate ko at sundin na lang daw ang lahat ng gusto ng tatay dahil kung hindi, pare-pareho daw kaming masasaktan."

"Rei..." usal ni Sebastian sa pangalan niya na tila ba hindi na alam ang dapat sabihin.

"Trese anyos ako noong...makita ko ang unti-unting paglaki ng tiyan ng Ate. She tried killing herself, Seb, pero sabi niya, paano na daw ako kapag nawala siya? Sino daw ang magpoprotekta sa akin? Pero hindi na rin kinaya ng kapatid ko ang lahat ng pambababoy sa kanya dahil nagtangkang magsumbong ang Ate ko sa pulis. Nalaman 'yon ng tatay kaya siya binugbog pagkatapos ay binantaan na kapag nagtangka pa daw magsumbong ang Ate ko, papatayin daw ako ng tatay. Sabi niya sa 'kin, kapag may pagkakataon daw ako tumakbo, huwag na huwag na daw akong babalik. Ilang araw siyang hindi makausap nang maayos, para siyang nawala sa sarili niya. Isang umaga, paggising ko, wala nang buhay ang Ate sa tabi ko. Naglaslas siya, Seb. Kaya nagising ako noon dahil nakaramdam ako ng basa, dugo na pala niya ang nararamdaman ko no'n. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko.

"Sa burol ng Ate ay nagpunta ang lola Edita, naglakas loob ako na magsumbong at sinabi ko lahat sa kanya kung ano ang mga naranasan ng Ate Mildred. Kinagabihan, matapos mailibing ang kapatid ko, hinahanap ako ng tatay at kakausapin raw ako. Sinabi ng lola na isasama lang daw niya akong bumili ng balut at babalik rin daw kami agad, itinakas na ako ng lola hanggang sa makauwi kami sa San Luis. Mula noon ay hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa mga magulang ko at ayoko nang malaman pa."

Unti-unting lumuwang ang pagkakayakap sa kanya ng binata at masuyo nitong tinuyo ang kanyang mga luha gamit ang palad nito. He looked at her with such admiration.

"I am so grateful that you were brave enough to ask for help during that time. I couldn't imagine what that monster would have done if you did not speak up. At hindi rin kita masisisi kung ayaw mo nang makita pa sila ulit. I'm sorry that you went through all those hardships. I couldn't even imagine it, it's terrifying. I promise that I will protect you, katulad ng pagprotekta sa 'yo ng kapatid mo noon. I'll always be here, Rei."

Pasinghot-singhot siya habang tumatango kay Sebastian. She's not scared anymore. Wala nang puwang ang takot at lungkot sa puso niya dahil kasama na niya ito. Kung nasaan man ngayon ang Ate Mildred niya, sigurado siyang masaya ito dahil nasa maayos siyang kalagayan.

"Masaya siguro ang Ate kung nasaan man siya ngayon dahil alam niyang ligtas ako."

Sebastian kissed her forehead. Masuyo iyon at nagdulot ng haplos sa kanyang puso.

The Billionaire's Fake Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon