Truth or Dare

53 0 0
                                    


Sino ba kasi ang may gawa ng truth or dare na yan ha?!

--------------------------------------------

First one-shot story ko to... hihihi nakakaexcite!!!

-Aph M.

--------------------------------------------

THIS STORY IS PURELY BASED FROM THE AUTHOR'S IMAGINATION AND EXPERIENCES ANYTHING OR ANYONE THAT MAY SEEM TO HAVE SIMILARITIES ARE COINCIDENTAL!!!

--------------------------------------------

BEWARE: MISSPELLED WORDS + GRAMATICAL ERRORS!!!

***

"Huy, ok ka lang ba ha, namumutla ka eh." Natauhan naman ako sa sinabi ng classmate ko.

"Ah, eh, ok lang ako, puyat lang to." sabi ko sabay ngiti.

"Sigurado ka ba?"

"Siguradong sigurado"
Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na siya, tumayo na rin ako sa kina-uupuan ko para makauwi na.

Transferee ako sa school na ito, wala pa akong gaanong kakilala.

Habang naglalakad ako ay bigla namang sumakit ang ulo ko. Pakiramdam ko ay babagsak na'ko ano mang oras.

At ayun, sa pangalawang apak ko ay readyng- ready ko nang maramdaman ang malamig at matigas na simento- ngunit imbes na simento ang pag-landingan ng ulo ko ay isang braso, oo braso pero sino naman kaya--

Dahil sa pagtataka ay tumayo ako agad at hinarap ang lalaking sumalo sa'kin. Nang nagharap ang mga mukha namin ay ngumiti siya, yung ngiting nakakalaglag panty. Yes namern!

"Miss are you okay?"
Do I look like I'm okay?- gusto ko sanang sabihin sa kanya, pero dahil gwapo...

"Okay lang, thank you nga pala." sabay flash ng killer smile ko, oh diba bogga!

"Sige, una na ako. See you around."

"Bye" tipid na sambit ko

***

Nasa canteen ako ngayon dahil lunch at nagc-concert na ang aking tiyan.
Nasa pila na ako nang biglang may tumulak sakin galing sa likod at naghello ang tuhod ko sa floor. Nakailang mura at aray na ako, at pusang kinalbo naman oo, may dugo!

"Ay sorry" walang pakealam na sabi ng BABAEng naka bangga sa'kin, at umalis na

"Ela, ano ba! tignan mo nga kung anong ginawa mo!" inis na sabi ng lala-- teka, siya yung sumalo sa'kin nung isang araw...
At yung babae pulang pula na! May HD ( hidden desire ) yata sa guy.

Nagulat naman ako nang biglang hinawakan niya ang aking kamay.

"Tulungan na kita sa pagtayo" sabi niya habang nakangiti- ayan nanaman eh, yung ngiting nakakalaglag panty!

"Thanks" simpleng sagot ko

Inalalayan na niya ako papunta sa bakanteng table.

"Diyan ka muna kukunin ko lang yung first aid kit." at dahil sa sinabi niya hindi ko na kayang pigilan ang aking ngiti.

Tumango nalang ako

Mga ilang minuto lang ay bumalik na siya na may hawak na first aid kit.

"Lika gamutin ko yang sugat mo"

"Ah sige,"
"Hm, ilang beses mo na ako tinulungan hindi ko parin alam yung name mo hanggang ngayon." Dagdag ko.

Tumawa naman siya.

Truth or DareWhere stories live. Discover now