Iww, kadiri yun.

Tumayo ako.

"Where are you going?" Umiling iling ako at patakbong bumalik ng kwarto.


Mabilis akong naligo at nag hanap ng maayos ng susuotin.

Anong ginagawa nun dito? Bakit naman nandito yun? Parang tanga, ang aga aga nangingikapit-bahay.

Hindi ba sya marunong tumingin ng oras? Ang aga aga pa.

Habang pumipili ng damit ay naisip ko bigla kung bakit ko ba naisipang mag ayos eh si Phaniah lang naman iyon. Yung girlfriend ni blue.

Amp, naka simangot na nag suot ulit ako ng pares na pantulog but this time ay spongebob na yung printed sa shirt at pajamas ko.

Dala ko ang iPad ko pag baba, mag lalaro na lang ako habang kumakain kung kasama man namin sya sa hapag.

Nakahain na si blue pag dating ko, tinapunan nya lang ako ng isang mabilis na tingin bago bumalik sa ginagawa nya.

Si phan-phan naman ay panay ang tingin sakin. Cute ko no? Alam ko na iyon, matagal na huwag mo ng sabihin pa.

Umupo ako sa kaharap nitong upuan.

Hmm, blue cooked my favorite.

"Blue, can I have my sterilized milk.." Hingi ko sa kapatid bago sumubo ng hotdog. Focus lang ako sa nilalaro ko habang ngumu-nguya.

Masyado ng malayo ang narating ko sa temple run and I'm planning to have a new record.

Malapit ko ng malampasan ang highest score ng biglang may umagaw sa iPad ko.

"Hoy---" natigil ako sa akmang pagrereklamo ng makitang si phan-phan ang kumuha ng iPad ko na ngayon nga ay ang sama sama ng tingin sakin.

Problema nito? Pagkatapos nya akong pahirapan buong linggo. Halos lagi syang nanjan kapag break time ko na tapos uutus utusan lang ako.

"You're eating, Wynn. Finish your food first." Napipilitang tumango ako at sunod sunod na sumubo ng pagkain.

"There's no sterilized bear brand, Ren. Want some Fresh milk?" Sunod sunod ang iling na ginawa ko dahil sa puno ang bibig ko. Mamaya nyan masita na naman ako.

"Choco drink?" Umiling ulit ako bago sapilitang nilunok ang pagkaing nasa bibig ko.

"I want sterilized bear brand, Blue." Masama ang tinging binalingan nya ako.

"There's no stock of that milk, Ren. You already drink the fresh milk, we'll buy later 'kay?"

"But I want my milk.." Mas masarap kaya sumipsip ng gatas.

Mas dama kapag nasa straw.

"What?" Halos sabay naming pagtataray ni Blue kay phan-phan dahil sa narinig namin itong mahinang tumawa.

Nangingiting umiling ito.

"Nothing." Hinayaan ko na lang at nagpatuloy na sa pagkain.

"What is it, Aeris?" Malamig na saad ng kapatid ko.

"It's just that.." mahinhin itong tumawa. Ang hinhin naman ng tawa nya, pero kapag ako parang nawasakan ng bunganga kapag tumatawa eh, abot hanggang kabilang baranggay ang tawa ko. "I find it cute cause your sister makes you talk five times than normal."

Blue tsked at inilapag ang baso na puno ng fresh milk sa harapan ko.

Natapos akong kumain pero hindi pa rin nito binibigay ang iPad ko, nagdadabog na pumunta akong sala at nagbukas ng TV.

Queen's little nerdWhere stories live. Discover now