"Milada..." nilingon ko siya.

Pero bago ko pa siya makausap ay dumating si Radin na hindi ko alam kung saan galing. Inakbayan niya ako at parang iniipit ang leeg ko. Napasinghap ako lalo't nandoon si Amadeus.

"Sabay na tayo, Milada." Aniya.

"K-Kasama ko si Amadeus..." sabi ko at lumingon sa direksyon ni Amadeus na nakatingin din sa amin.

"Ah... sabay ka sa amin?" gusto kong mapatampal sa noo ko dahil sa kaangasan ng tono ni Radin.

Mahina ko siyang siniko kaya nabitawan niya rin ako. Inayos ko ang buhok ko bago bahagyang lumapit kay Amadeus. Nakatitig siya sa'kin at parang walang pakialam kay Radin na nakatingin din sa aming dalawa.

"Let's go..." tipid niyang sabi kaya napatango na lang ako.

Nauuna sa amin si Amadeus sa paglalakad pero nakikita kong nililingon niya ako at parang wala lang talaga sa kanya si Radin. E, bakit nga ba, Milada? Ano naman sa kanya kung kasama niyo si Radin sa pagpasok? As if, naman na magselos siya.

"I'm not informed that you and him... now?" umiling ako.

"Sabay lang talaga kami pumasok. At... panira ka!" mahinang bulong ko sa kanya.

Umiwas siya ng tingin sa akin pero nakangisi naman.

Nang patawid na kami ng pedestrian lane ay nagulat pa ako na sabay silang humawak sa likod ng bag ko. Nilingon ko 'yon at nakitang magkapatong ang kamay nila. Nagkatinginan ang mga ito at mabilis na naglayo. Napalunok naman ako dahil sa nasaksihan. Naririnig ko pa ang bulong-bulong ni Radin.

Pagdating sa school ay hinatid pa ako ni Radin sa classroom. Hindi ko alam kung nanadya ba siya o inaasar lang talaga ako. He knows that I like Amadeus dahil hindi ko naman 'yon tinago sa mga kaibigan ko. Kaya siguro ganito rin ang ginagawa niya para inisin ako.

"Ba't ka hinatid no'n ni Radin?" nagkibit ako ng balikat kay Cassie.

Nandito kami ngayon sa gym at magpa-practice na naman ng cotillion. Hindi pa nagsisimula dahil wala pa ang instructor namin. Mainit ang panahon kaya panay kami paypay sa sarili dahil kahit nakaupo lang naman kami sa bleachers ay pinagpapawisan pa rin.

"Hindi mo pa sa'kin sinasabi kung paanong naging si Aiden ang partner mo? Akala ko pa naman si Ulrid ang partner mo dahil nakita ko kayo noong isang araw." Ngumiwi siya.

"I don't know nga, e! Ayaw ko nga siyang partner pero nagulat ako na nakasulat na ang pangalan namin sa registration. Like what the fuck?!" umirap ako.

"Hindi naman halata na ayaw mo. Kapit na kapit ka nga sa balikat niya, e." She acted like she's disgusted.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Baka tuluyan akong mapalayas sa casa namin kung maging kami niyan ni Aiden." Nangunot ang noo ko.

"Wala naman akong sinabi na magiging kayo ni Aiden, ah? Ang tinatanong ko ay kung paano mo siya naging kapartner." Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya at kalaunan ay namula. "Gusto mo si Aiden?"

"Hindi! Hindi, Milada!" aniya at nagtakip pa ng kanyang bibig.

"Tsk! Defensive witch!" humalakhak ako ng lalo siyang namula kaya inasar ko ito ng inasar hanggang sa dumating na lang ang instructor namin.

Hindi pa muna ako pumunta sa unahan dahil hindi ko naman makita si Amadeus. Hindi pa naman daw magsisimula kaya nanatili akong nakaupo sa bleachers kasama si Cassie. Wala pa rin daw kasi si Aiden kaya nandito pa kami naghihintay. Makalipas lang ang ilang minuto ay nakita ko na ang barkada nila Amadeus. Direkta siyang nakatingin sa akin kaya napaayos ako ng upo at nag-iwas ng tingin.

Secret GlancesWhere stories live. Discover now