The island is very breathtaking. Sobrang ganda. I couldn't find the right word to describe it.

"Hi. "

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Halos maglaway na ako sa nakita. A man was standing in front of me, showing his hot abs.

" Hello. " I smiled.

" Do you have some band aid? " nahihiya siyang napakamot sa batok.

" Ah. Wala eh, bakit? " I asked.

" 'Cause I just scraped my knees falling for you. "

I laughed at his silly pick-up lines. Mukhang masaya rin kasama ang isang 'to.

Napagpasyahan kong umupo sa buhangin at hindi naman siya nahiyang tabihan ako.

" Ang ganda ng isla , no? " I pointed the island.

" Pero mas maganda ka. "

Corny.

Muli na naman akong tumawa at hahampasin ko na sana siya ngunit napatigil sa ere ang kamay ko nang maaninag ko ang isang pares ng mata na nakatingin sa akin.. sa amin.

WTH?!

Bakit na naman siya nandito? I bet it's not a coincidence right? He probably followed me here.

Umawang ang bibig ko hindi lang sa pagkagulat ngunit pati na rin sa itsura niya.

He was topless! And so damn.. nevermind.

Nagtaas siya ng kilay nang mapansing nakatingin ako sa katawan niya .

I cleared my throat and looked away .

" You're blushing. "

Lumingon ako sa lalaking katabi ko. Napahawak tuloy ako sa pisngi kong sobrang init na. Oh My God! Baka isipin niyang namumula ako sa sa sinabi niya.

Sa sobrang init na nararamdaman ko ay agad akong tumayo at hinubad ang suot kong dress.

Pagkatapos ay naglakad ako patungo sa tubig . Ang sarap sa pakiramdam. Sumisid ako , hindi pinapansin ang mga tao sa paligid.

Nang umahon ako ay halos malaglag na ang aking panga . Nakaharang si Caspian sa harapan ko , animong itinatago ako.

" Ano ba? " I asked irritatedly.

His brows furrowed. " Why are you dressed like that? "

I crossed my arms. " Alangan namang lumangoy ako nang nakadress diba? "

" They're staring at you, " masungit niyang saad sabay irap.

" So? "I asked. Ano naman kung tumitig sila sa akin? Ano bang pakialam niya doon?

Hanapin mo muna ang karapatan mo.

" And will you please stop following me?! " Naiirita na ako sa pagmumukha niya. Ang kapal ng mukha niyang sundan ako dito!

" Yell at me again and I'll give you a real reason to scream. " He smirked.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi naman ako inosente para hindi magets ang sinabi niya.

This man , really! Kung ano anong kahalayan ang lumalabas sa bibig niya.

Dahil sa sobrang hiya ay nilagpasan ko na siya at umalis doon. Nagtungo ako sa isang seafood restaurant. Pagpasok pa lang ay amoy ko na ang ulam.

Kakain na sana ako ngunit agad akong nawalan ng gana nang umupo sa harapan ko si Caspian. He shamelessly put his dishes on my table and began to eat without asking permission from me.

Nang mapansin niyang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko ay tumingin siya sa akin.

" Why aren't you eating? Do you want me to feed you? "

I glared at him. " Shut up, " sabi ko at sinimulang kumain.

He just chuckled at my reaction and continued eating.

Tahimik lang kaming kumain. Walang salitang namutawi sa aming dalawa. Mas mabuti na rin iyon dahil nabuwibuwiset ako sa kaniya.

" Stop following me, " I said. Tapos na kaming kumain at pabalik na ako sa hotel ngunit nakasabay parin siya sa akin.

Hindi siya nagsalita, sa halip ay sinundan niya pa rin ako.

Inis akong bumaling sa kaniya. " Ano ba?! "

He smiled to irritate me more. " I'm also going to the hotel. "

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa kahihiyan. What the f-cking hell?!

Mas binilisan ko pa ang lakad ko ngunit agad siyang nakahabol sa akin dahil mahaba ang kaniyang paa.

Tinawanan niya ako ng makita ang kulay kamatis kong mukha. I just ignored him and continued walking.

Nang makapasok sa hotel ay halos takbuhin ko na ang daan papunta sa room ko. Lintek na Caspian!

Wala akong ibang magawa kaya naligo nalang ako at nagsuot ng simpleng dress. Mamamasyal nalang ako mamaya. Sinuklay ko lamang ang maikling buhok ko.

Saktong matapos akong mag-ayos ay may kumatok sa aking pintuan.

Agad kong binuksan iyon at agad napasimangot ang aking mukha nang bumungad sa akin ang pinakaayaw kong makita.

Basa pa ang kaniyang buhok kaya marahil ay katatapos rin niyang maligo. Nakasuot na siya ngayon ng polo at simpleng shorts.

" May bonfire sa baba. Tara? " anyaya niya na para bang normal lang iyon .

Gayunpaman, pumayag na ako. Plano ko rin namang lumabas eh.

Napangiti ako nang makita ang nagkukumpulang tao roon. May bonfire sa gitna at may iilang tao ang nakaupo , pinapalibutan nila ang apoy.

Tumabi rin kami sa kanila habang nakikinig sa lalakeng kumakanta na sinasabayan ng gitara . Tahimik lang ang mga tao roon habang nakikinig.

Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos siyang kumanta. Nagulat na lamang ako ng biglang tumayo si Caspian at lumapit sa lalakeng kakatapos lang kumanta.

Hiniram niya ang gitara at bumalik sa pwesto ko. Ngayon, nasa kaniya ang atensyon ng lahat.

He started strumming the guitar.

" Well, you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love her when you let her go "

His voice was slow. But it was so deep and cold.

" Only know you've been high when you're feeling low
Only hate the road when you're missing home
Only know you love her when you let her go
And you let her go"

And suddenly, all the memories came back into my mind.

The nights we shared together. The hugs and kisses we exchanged. The promises.

I will never regret him or say I wish I'd never met him. Because once upon a time he was exactly what I needed.

" Staring at the bottom of your glass
Hoping one day you'll make a dream last
But dreams come slow, and they go so fast "

Hindi ko namalayang nakatingin pala sa akin si Caspian. And I just stared back at him. Hindi na ako nag-abalang punasan ang aking luha. I want him to know how much he hurted me.. how he broke me into pieces.

His face softened when he saw my tears.

" You see her when you close your eyes
Maybe one day, you'll understand why
Everything you touch surely dies "

Hindi ko na hinintay na matapos ang kanta. Umalis na ako roon bago pa ako humagulgol. I don't want to get everyone's attention .

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong humiga sa kama. Sumubsob ako sa unan habang pinapakalma ang sarili.

And all alone, I've cried myself to sleep.

                                       V.E.N.I.C.C.X.E

Allejo Series 2 | Will You Unmarry Me? Where stories live. Discover now