He smiled. " Did you meet them? "

I nodded. Maybe he noticed my expression so he stood up and walks towards me.

" Tell me everything. "

Natagilan siya sa paglalakad nang marinig ang sinabi ko. Alam kong alam na niya kung ano ang ibig kong sabihin.

But still, umakto siyang hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ko.

" What? " he asked.

I sighed. " Look. Alam kong nakakausap mo sina mama at Caspian noong nasa Cavite tayo. And probably, you also know what happened in the past 2 years, right?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

" Please tell me. " Halos magmakaawa na ako. Gustong gusto ko ng malaman ang lahat. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa kakaisip.

He sighed. " I promised to Caspian that I won't tell you anything, " he said. " Give him more time. He'll tell you soon."

"Hanggang kailan?" hindi ko naiwasan ang pagtaas ng boses ko. " Hanggang sa mabaliw na ako kakaisip? "

Bumuntong hininga siya, animong nagpipigil na huwag magsabi ng kung ano. " You should sleep. " Was all he said and went upstairs.

                                                 * * *

Sa sumunod na araw ay hindi ako sumabay sa kaniya sa pagkain. Hindi na rin ako nagpahatid sa kaniya.

I don't know why but I felt betrayed. Bakit hindi na lang kasi niya sabihin sa aking ang lahat? Wala namang mawawala sa kaniya, diba?

" Oh, stress na naman, " pang-eepal ni Yesha.

I pouted. " Argh! " Inis kong sinabunutan ang buhok ko.

She laughed at me. Mabuti pa siya, wala siyang pinoproblema. Pakiramdam ko nga ay hindi pa siya nagtatrabaho kasi lagi siyang nandito sa office ko.

Pinaningkitan ko siya ng mata.

" Naalala mo ba noong nasa canteen tayo . Yung tinanong ko sayo kung bakit nagfile ng case si Caspian kay Trisha? " I asked her.

Nagngising aso na naman ang gaga. " First name basis na ah! " she clapped her hands.

" Ano nga? " I asked, getting impatient now.

Luminga-linga muna siya sa paligid upang siguraduhing walang makakarinig. She looks weird.

" Pinatay daw nung Trisha yung anak ni Doc eh, " mahinang aniya ngunit sapat para marinig ko.

Ha?

Tumigil ang aking paghinga at napakapit sa lamesa.

" Doc, okay ka lang? "

Huminga ako ng malalim. " W-when w-was it? " I asked.

" Yung pagkamatay ba ng anak niya? "

I nodded , silently praying that my doubts are not true.

" Ah! Two years ago. "

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang paninikip. Nanghihina na ang katawan ko kaya napakapit ako sa lamesa.

Sinubukan kong tumayo ngunit agad nanlabo ang paningin ko.

                                         * * *

Puting kisame ang bumungad sa akin pagkamulat ko ng aking mata. Agad pumasok sa isip ko ang nalaman ko kanina kaya agad akong bumangon.

Naaninag ko si Yesha na nakaupo sa sofa habang nakatayo roon ang hindi ko inaasahang lalake na makikita ko dito.

" Yesha, pwede bang lumabas ka muna? "

Yesha immediately nodded and went out.

Nang makaalis siya ay agad akong tumayo kahit nanghihina ako. Kita ko ang pagkagulat sa mata ni Caspian.

Galit na galit akong sumugod sa kaniya at agad ko siyang sinalubong ng malakas sampal.

Nanginginig ang aking labi sa galit. Hindi na ako nag-abalang punasan ang mga luhang tumtumulo sa aking pisngi.

" W-why?! " I asked. " Why didn't you tell me that my child was murdered? " I screamed at the top of my lungs.

Sinubukan niya akong hawakan ngunit umatras ako palayo sa kaniya. Nanginginig ang kamay ko at pakiramdam ko ay matutumba na ako.

" Aiana , mag-usap tayo mamaya ,hm? Magpahinga ka- "

" F-ck you! " I shouted.

Dumaan ang panandaliang sakit sa kaniyang mata ngunit agad rin itong naglaho. Lumambot ang kaniyang ekspresiyon.

" Later, I'll tell you - "

" Why won't you ever explain to me? " Nanliit ang boses ko ngunit sapat para marinig niya. " 2 years and now, why won't you ever explain to me ? " my voice cracked.

I gave him all the chance to explain but he never did.

He frustratedly combed his hair using his fingers.

" I'll tell you , okay? Just sit first ," his voice was very soft.

Tahimik akong sumunod sa gusto niya dahil nanghihina na rin ako. Baka matumba ako nang wala sa oras.

Umupo ako sa sa sofa at tahimik na naghihintay sa sasabihin niya.

He sighed. " 2 years ago, Trisha showed in front of me. She was my ex. She's so obsessed. She asked me to leave you and be with her but I refused. That's why she threatened me."

Pinagsiklop ko ang aking mga daliri dahil sa sobrang kaba.

Nagtaas ako ng tingin sa kaniya. His eyes were bloodshot. Nahihirapan siyang magsalita.

" S-she threatened me to kill our child if I won't l-leave you..." he said.

I shook my head. That's not a valid reason.

" You should've told me! Or at least to the police! Kung ginawa mo iyon, eh sana buhay pa ang anak natin! "

Tumulo ang luha mula sa kaniyang mata ngunit agad niya rin itong pinunasan.

" That was my biggest regret, " he said. " I went to the police and told them everything. But they did nothing. Nalaman iyon ni Trisha and she immediately killed our daugther, " pumiyok ang kaniyang boses.

" Y-you should've told me , " I got surprised at the coldness of my voice.

Hindi ba't ganoon ang mag-asawa? Ano pa ang silbi nang pag-aasawa kung patuloy siyang maglilihim?

We married. So we should do things together, we should decide together. We shouldn't be keeping things from each other.

Lumuhod siya sa harapan ko upang pantayan ako. Samantalang ako ay walang ibang ginawa kundi ang umiyak.

My poor daughter. Wala siyang kasalanan kaya bakit kailangan niyang madamay ?!

" I'm s-sorry. I'm s-sorry for e-everything... Kasalanan ko . Kasalanan ko lahat. If only I didn't tell the police about it, then o-our daugther would still be alive right now. " Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.

" I regretted it a lot, " dugtong niya.

I shook my head and pushed him away. Marahil sa sobrang panghihina ay madali ko siyang naitulak.

" Leave , " nanginginig ang aking boses .

" Love plea-"

" I said leave " I tried to make my voice cold.

Dahan-dahan siyang tumayo . Defeat was visible in his eyes. Maybe he decided to give up now. Tumalikod siya sa akin at humakbang siya paalis.

I wanted to punch him and understand him at the same time. Yes, I understand why things had to happen this way. I understand his reason for causing me pain. But mere understanding does not chase away the hurt.

                             V.E.N.I.C.X.X. E

Allejo Series 2 | Will You Unmarry Me? Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum