Chapter Sixteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakita kong tumingin si Cairus dito sa taas kaya mabilis akong nagtago habang si Raya naman ay hindi man lang natinag.

Kinalabit niya ako. "Papasok sila!"

"What do you want me to do?" sarkastiko kong tanong.

"Ayaw mong lumabas? Nandiyan si Cai."

"Nakita ko. 'Di ako bulag!"

"Sumagot ka nang matino! Bubusalan ko bibig mo, e," napipikon niyang sabi saka ako inirapan.

Ngumuso ako. "Lalabas tayo? With our looks like this?" Tumingin ako sa buong katawan ko.

"Ano'ng gusto mo? Mag-gown pa tayo? Gabi na, maiintindihan ni Cairus bakit ka nakapantulog," aniya saka ako hinila palabas.

Kaya nga ako hindi umuwi para makaiwas muna kay Cai dahil bukod sa dumidistansya muna ako ay nahihiya ako pagkatapos nang nangyari kanina.

Wala na akong nagawa dahil tuluyan na akong nahila ng pabibong si Raya pababa kung nasaan ang tatlong magkakapatid na komportableng nakaupo sa mahabang sofa nila Kylei.

Sinuri ni Cai ang ayos ko mula ulo hanggang paa saka sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang labi. "Cute."

Umirap ako sa hangin saka kinuha ang damit ko na hawak pa rin ni Jairus.

"Taksil ka! Bakit kasama mo 'tong dalawa?" inis kong tanong.

"What? Kuya wants to see you while Zai . . . I don't know with this guy," he answered.

"For a few clothes, tatlo pa talaga kayong pupunta rito? Bakit? Gaano ba kabigat 'to?"

Cairus pulled my hand which made me sit on his lap. "You're blabbering too much."

Nanigas ako bigla. Nagulat ang mga nakakita saka sila isa-isang nag-iwas ng tingin. Pinapahiya ako ni Cairus! Bakit ba ganito ang lalaking 'to? Bakit sa harap pa ng ibang tao? Gusto ko na lang lumubog sa hiya.

Tumayo ako saka siya sinipa sa paa dahilan para mapadaing siya. "Nakakahiya ka! Umuwi na nga kayo!"

"Hoy! No!" Kylei shouted. "They will stay here for a while. We're actually planning to have a few drinks before they go home."

Nagsalubong ang kilay ko. Kinindatan ako ng kaibigan. Alam ko na ang ginagawa ng impaktang 'to. Kung kanina ay siya ang binubugaw ko, ako naman yata ang binubugaw niya ngayon. It's a wrong idea to ask Jairus to come here!

"Hear that, wife?" asked Cai. "Mamaya pa kami uuwi. Even if you order me to go home, I won't."

I pulled my hair out of frustration. Sobrang kahihiyan na 'to para sa araw na 'to, at ano iyong tinawag niya sa akin? Wife? Asa!

"Just a few drinks and you'll go home," I said.

I have no choice but to be with them. Cai pulled me to sit beside him. Walang nagawa si Zai kundi lumipat sa tabi ni Raya. I really think that they are already close to each other. I wonder if they want to be married. Mukha naman kasing ayos na sila.

Raya didn't tell us that she doesn't want to, so maybe she agrees with the arrangement.

Kylei together with Jai put beer in cans on the table. I just asked Jai to bring my clothes but why do they seem prepared for tonight? Hindi kaya pinlano na nila 'to?

The boys started to drink. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na kumuha ng akin pero bago pa ako makakuha ay tinampal na ni Kylei ang kamay ko.

"What?" I asked. "Bakit nanghahampas ka?"

"You won't drink," she uttered with finality.

"Anong hindi ako iinom? Batas ka ba?"

The guys laughed which made me roll my eyes. Hindi ako napigilan ni Kylei sa pag-inom.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon