Chapter 6: Friendship, and Something More?

Start from the beginning
                                        

Tumingin ako kay mom. "Paano ko nga po pala masusundo si Stephanie, eh hindi ko naman po alam ang address niya?"

"Ah, I almost forgot. Our driver knows it kaya you don't need to worry about it. All you need to do is samahan siyang sunduin si Stephanie. Ang simple lang, right?"

I nodded. "Okay po."

Matapos naming kumain, naligo muna ako at inayos muna ang aking sarili bago ko pinuntahan si Stephanie. Kahit susunduin ko lang siya, kailangan ko pa ring magmukhang malinis at maayos. What if her parents saw me there? Maaari nilang isiping may masama akong intensyon sa kanilang anak o baka pagkamalan nila akong drug addict.

Ayoko namang mangyari 'yon lalo't 'yon ang first time na mami-meet ko ang parents ni Stephanie.

Hindi ganoon katagal ang pagbiyahe namin. Nang dumating ako roon, nakita ko siyang naghihintay sa labas ng kanilang bahay. Napatitig ako sa bahay nila na talagang napakalaki at napakaganda. Parang mas maganda pa ito kaysa sa bahay namin.

Mas mayaman kaya ang pamilya niya kaysa sa pamilya ko? Hindi ko alam, pero parang nakakahiyang isipin na totoo 'yon. Hindi ito tungkol sa pera o kayamanan. Siguro'y nahihiya lang akong isipin na wala akong maipagmamalaki sa kanya? At bakit naman? I also didn't know.

"Hi!" sabay naming bati sa isa't isa.

"Kumusta, Stephanie? I never imagined na ganito pala kalaki ang bahay ninyo," sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanilang bahay. "Siguro, marami kayong kasambahay. Siyempre, kailangan ng mom mo ng tutulong sa kanya sa mga gawaing bahay lalo na sa paglilinis."

"Ah, wala. Kami lang ng family ko ang nakatira diyan."

I looked at her and her sweet smile was the first thing I noticed. I stared at her lips before I spoke, "Talaga ba?"

"Oo. Kaya nga ako na lang ang tumutulong kay mommy sa mga gawaing bahay." Her smile became wider. "Salamat pala at dumating ka, James. I thought you wouldn't come."

"Why? How long have you been waiting for me?"

"Kanina pa, pero hindi naman masyadong matagal. Basta nagpapasalamat talaga ako at nandito ka ngayon."

"Nagpapasalamat din ako sa 'yo sa patuloy mong pagbisita sa amin. Salamat dahil handa kang bumiyahe nang paulit-ulit para lang pumunta sa bahay. You don't know how happy my mother is every time you're there."

Hindi mo rin alam kung gaano mo ako napapasaya.

"Eh, ikaw? Masaya ka rin ba? Hindi lang naman ang mom mo ang binibisita ko kundi pati ikaw rin."

"Me? Well, masaya rin naman. Hindi nga lang kasing-saya niya. Sorry, 'yon ang totoo, eh." I heard her say, It's okay. "Pero salamat pa rin."

"Wala 'yon. Napapasaya n'yo rin ako ng buong family mo. Feeling ko talaga, welcome na welcome ako every time na pumupunta ako sa bahay n'yo. At sa tuwing nakikita ko kayong masaya at magkakasama, I can't help but smile and laugh, lalo na kapag naglalambingan at nagtatalo sina tita at tito. Ang cute-cute nila!"

"Pero mas cute ka," bulong ko. Siniguro kong hindi niya 'yon maririnig. "Masaya akong malaman 'yan. Um... Nakapagpaalam ka na ba sa parents mo? Nasaan sila?"

Gusto ko sanang makilala ang parents niya o kahit makita lang sila. Parang gusto kong ipaalam sa kanila na may James Cortez na nag-e-exist sa buhay ng anak nila.

"Oo, ginawa ko na 'yon bago sila umalis. Dumalo sila sa kasal ng kakilala ni daddy."

"Ah..." Tumango-tango ako. Mukhang hindi ako siniswerte ngayon. "Ano? Tara na?"

Forever with You (Under Editing And Revision)Where stories live. Discover now