I looked at him. Wala akong nasabi. I couldn't read him, but I was certain he was not joking. Para ngang may gusto pa siyang sabihin, ngunit pinipigilan niya lang ang sarili niya.
"Oh, Brix, ano'ng nangyari sa 'yo? Alam mo na pala 'yan? Akala ko'y puro pag-aaral lang ang laman ng isip mo. Huwag mong sabihing may iniibig ka na, anak," sabi ni dad.
Brix looked at him. "Alam kong bata man o matanda, pwedeng umibig, dad. Pero masyado po akong matalino para ma-in love kaagad. Ayon po sa nabasa ko, intelligent people have a hard time finding love kaya mahabang panahon pa ang lilipas bago ako magmahal, dad. I haven't experienced being in love but that doesn't mean wala akong alam tungkol doon. Hindi ko hinahayaang makahadlang sa pagkatuto ko ang kawalan ko ng experiences."
"Gano'n ba, Brix?" sabi ni mom. "Akala talaga namin ng dad mo, may experience ka na kahit alam naman naming imposibleng mangyari 'yon. Akala ko talaga, nagkaroon na ng milagro. Nalimutan kong marami nga pala'ng namamatay dahil sa maling akala."
"Ikaw kasi, hon. Hindi mo dapat 'yan kinalilimutan," nang-aasar na sabi ni dad.
Mom gave him death glares. "Hoy, honey! Pareho kaya tayo nag-akala no'n. Huwag ka ngang umaktong parang hindi ka nagkamali."
"Ah, oo. Palagi nga pala akong nagkakamali. Palagi namang mali ang mga lalaki dahil ang palaging tama ay ang... "
"Sige, ituloy mo at sasaktan talaga kita."
Ngumiti si dad. "Sorry."
"Ah, mom, saan nga po pala nakatira si Stephanie?"
Napatingin silang dalawa sa akin.
"Magkaibigan kayo, pero hindi mo alam kung saan siya nakatira? Ikaw pa lang yata ang kilala kong kaibigan na wala masyadong alam tungkol sa friend niya, James. Dahil 'yan sa katamaran mo. Ni sunduin o ihatid siya, hindi mo kayang gawin."
"Sorry, mom." Halos mapayuko ako.
"Hindi ako ang dapat mong hingan ng tawad. Doon ka sa kaibigan mo may atraso kaya doon ka sa kanya mag-sorry. Immature ka pa rin, James. Kailangan mo pang mas matuto. Mabuti na lang talaga at mabuting kaibigan si Stephanie at kahit ganyan ka, tanggap ka niya." She paused for a moment and sighed. "Maliit na bagay lang ito kaya ititigil ko na ang pangangaral sa 'yo, anak. I don't want this to happen again. I don't wanna scold you dahil lang sa ganitong klase ng bagay. Ayoko lang talagang maramdaman na para sa 'yo ay hindi ganoon kaimportante ang kaibigan mo. I want you to be nice to her, James. Treat her the best way you could. Please... She's a very good girl, and she doesn't deserve to be taken for granted."
"Sorry po," nakayuko kong sabi. "Simula ngayon, tatratuhin ko na po si Stephanie sa pinakamagandang paraan na kaya ko, mom. You're right, a good girl like her doesn't deserve to be taken for granted. She deserves to be treated like a princess."
"Corny," I heard my little brother say.
My father laughed. "Looks like you're in love now, James. Pero aral muna, anak, ha? You need to get a job before you get married. Kailangan mong siguruhing may pambuhay ka sa kanya."
"Before I get married? You're an advance thinker, dad."
"Aral muna bago landi, kuya. Ni hindi ka pa guma-graduate at hindi mo pa kayang bumili ng briefs mo, 'tapos maiisip mo nang makipagrelasyon?" Brix commented.
Pinipigilan ko ang aking sariling matawa. "Saan mo natutunan 'yang line na 'yan, Brix?"
"Nakita ko 'yon sa Facebook, kuya. Tama naman 'yon, 'di ba? Mag-aral ka muna dapat bago ka magsayang ng time sa pakikipaglandian."
Guguluhin ko sana ang buhok niya, ngunit nailayo na niya ang kanyang ulo. "Ang dami mo nang alam, Brix, ha."
"I know, but there's still a lot of things that I need to know. Learning never stops."
VOCÊ ESTÁ LENDO
Forever with You (Under Editing And Revision)
RomanceForever With You Written By: GoddessTheophania "They say, forever doesn't exist. No, it does. Forever exists ... beside you. So, let me stay forever with you." Nasa elementary school pa lang silang dalawa, nagtapat na ng nararamdaman si Stephanie...
Chapter 6: Friendship, and Something More?
Começar do início
