Chapter 1 Masasayang Bituin

6 0 0
                                    

Nagkaroon noon si Fena ng masayang relasyon sa kanyang kasintahan ng umabot sa pitong taon. Laging masaya ang dalawa, parehong may trabaho at laging may oras sa isat isa. Magkalapit bayan ang bahay nila. Sa tuwing Linggo ang kanilang pagkikita o date, ay manood ng sini, kumain sa labas, maglaro sa world of fun. Habang nag papalit ng pera ang babae sa kahera nahagip nya ng tingin ang kasintahan na si Ken nakatitig sa isang magandang babae. Nakadama ito ng kaba sa dibdib at takot. Nung bumalik sya sa kay Ken ay pinagwalang bahala nya ito.

Si Ken ay isang matanggkad na lalaki, matipuno at gwapo. Mahal na mahal nya si Cecil. Lagi nya itong kinakausap sa telepono tuwing magkaroon sya ng oras. Mula sa kanilang pagpasok at pag uwe ng trabaho inilalaan ang mga segundo, minuto at oras kay Fena. Pareho silang nagtatrabaho bilang isang office staff ngunit magkaiba ang kanilang kompanya. Kahit pa gaano kadami ang lumapit dito alam ng lahat na meron na itong kasintahan. Hindi siya nakikipag aliw sa mga babae sa kanilang opisina.

"Mahal, may problema sa aming bahay at kailangan kong umuwi., ang aking ama..." ang dali-daling pagtawag ni Fena kay Ken nung gabi ng Sabado. Hindi na nakapagsalita si Ken at pinatay nalang ang telepono. Alam naman nya at inintindi naman nya ang mga pangyayari, dahil hindi naman magmamadali si Cecil umuwe sa kanyang mga magulang kung hindi naman ito importante.

Nang dumating si Cecil sa kanilang bahay ay nagpapahinga ang kanyang ama, sinabi ng kanyang ina na nagpacheck up ang kanyang ama sa ospital at doon nalaman na may sakit ito sa puso. Matanda na rin ang kanyang mga magulang. Ang kanyang mga kapatid ay nasa Manila may mga asawa na rin ang mga ito, ang kanilang bunso na si Cecil ang kasama lamang ngunit itoy nag aaral sa paaralan. Sambid ng doctor na magpahinga na muna ito at wag magtrabaho. Habang tinititigan ni Fena ang kanyang ama tumulo ang luha nito. Iniisip na nya ang mga gastusin para sa pagpapagaling nito. Inasikaso nya ang kanyang ama ng ng isang buong araw at sinasabihan nito na makinig sakanila at sa doktor. "Lunes na bukas pa. Kelangan kong pumasok sa trabaho. Ma, kayo na po muna ang bahala sa pagpapainum ng gamot kay papa. Ikaw din Cecil pag may oras ka bantayan mo si Papa."
"wag kang mag alala ate, ako ang bahala", sambat ng kanyang kapatid. "Tawagan mo ako agad at balitaan mo ako lagi.."

Sa pagpasok nito sa trabaho naalala nya si Ken. "Mahal, pagpasensyahan mo na ako at hindi ako nakatawag sayo kahapon. Pumasok kaba ngayong araw?". "Oo mahal, kamusta ang kalagayan ng iyong ama? Mabuti na ba? Sambat nito. "maayos naman na sa ngaun ngunit kelangan nyang magpahinga at uminum ng mga gamot." "Mabuti naman kung ganoon."

Hindi makapag concentrate si Fena sa kanyang pagtatrabaho, dahil sa kamahalang gamot ng kanyang ama para sa pitong tabletas na kanyang iinumin araw araw. Minsan ay nakatulala ito sa harap ng kanyang kompyuter. Iniisip nya na kulang ang kanyang sinasahod sa kompanya at hindi nya maasahan ang kanyang mga kapatid sa kadahilanang mayroon din itong mga sariling pamilya.

Nang magkita ang magkasintahan napansin ni Ken ang malungkot na mukha ni Fena. "ang lalim ng iyong iniisip Fena, kanina ko pa inaabot sa iyo itong sorbetes na binili ko. Ano ang iniisip mo.? Tungkol ba ito sa iyong ama? (malungkot na mukha) " oo Ken sa susunod na mga araw wala ng gamot si Papa, San ako kukuha ng pera?" "Huwag kang mag alala meron pa naman akong ipon dito pwede po naman ipahiram sayo ito para kay uncle." Sambat naman ni Fena na nakangiti ang mukha "sigurado kaba sa yong sinabi , maraming salamat sa iyong pagtulong Ken,' (sabay halik sa pisngi ni Ken.)

Naging priority ni Fena ang kanyang ama sa mga nakalipas na mga Linggo. Dumaan pa ang mga araw, nakakarecover na rin ang kanyang ama. Patuloy pa rin ang gamutan nito at ang balance diet sa pagkaen. Ang kanilang bunsong si Cecil ay gustong tumigil muna sa pag aaral dahil wala silang ibabayad sa kanyang matrikula. Pinigilan ito ni Fena dahil dalawang taon na lamang ay magtatapos na ito. "Cecil wag kang titigil sa pagaaral, ako'y magiisip ng paraan para makapagbayad tayo, aniya ni Fena.

Tuloy naman ang pag uusap ng magkasintahan sa telepono. Isang beses nalamang sila magkita sa isang buwan. "Mahal, kamusta kana sobra na kitang namimis minsan ako'y babawi saiyo." Sambat naman ni Ken "okay lang ako, naiintindihan ko naman na kelangan mong alagaan ang iyong ama, sige na Fena at ako'y papasok na."

Gustong isorpresa ni Fena si Ken kaya't pumunta ito sa kanyang tinitirahanag bahay. Pagdating nya doon wala si Ken, kaya tinawagan nya ito. "Hindi rin sumasagot sa kanyang telepono, asan kaya siya?" Bitbit ang mga pagkaen nyang dala para sa picnic nilang dalawa. Umikot si Fena at pumunta sa kanilang mga pinupuntahan. Simbahan, restaurant at Mall. Nasulyapan nya ang babaeng noon nyang nakita palabas ng Worl of Fun, tumuloy sya sa loob ng palaruan para hanapin si Ken. Nakita nya itong naglalaro , nilapitan nya ito. "pinuntahan kita sa iyong bahay ngunit wala ka doon, kya hinanap kita andito kalang pala." (nakangiting sabay pinakita ang dala nyang mga pagkaen). Nagulat si Ken dahil hindi nya akalain na hindi pala umuwe sa kanyang ama si Fena. "ohh mahal andito ka pala,( nanginginig ito) halikanat punta na tayo sa parke tamang tama gutom na gutom na ako (dali dali nya itong hinila palabas ng palaruan). Pagdating sa parke "ang dami mo namang ginawang pagkaen natin mahal". "Uubusin natin ito dahil sa mga araw na wala ako sa tabi mu sa tuwing Linggo, dinamihan ko na ng makabawi ako saiyo." "ganun ba mahal nag abala kapa, sobrang dami nito tataba ako" (sabay tawa silang dalawa). Hinatid ni Ken si Fena sa kanyang bahay. Niyakap ni Fena si Ken at ang paalam silang dalawa sa isat isa. Sa gabing iyon, umiikot sa isip ni Fena kung saan nya nakita ang babae. "parang nakita ko na sya dati, parang namumukhaan ko tsk tsk".. hanggang sya ay nakatulog.

"nakalimutan nyang tumawag sakin kahapon pa, ano kaya ang nangyari kay Ken, tinatawagan ko hindi naman sumasagot". Nag aalala na si Fena kay Ken. Bumisita si Fena sa kompanyang pinagtatrabahuan ni Ken. Nakita nanaman nya ang babae papasok sa kompanya. Sinabayan nya ito. Sa lobby andun nakaupo si Ken. Tinawag nya ito "Ken, Ken." Tinawag din sya ng babae. Nagkatinginan ang dalawa. Nilapitan nilang pareho si Ken. "Ken sino sya at anu ang relasyon mo saknya?" aniya ni Fena. "wala" ang sagot ni Ken habang nakatingin ito ng pagalit kay Fena. Nag eeskandalo naman ang babae na sinasabing boyfriend nya si ken. "Ken bakit hindi mo sabihin sakanya ang totoo, na akoy girlfriend mo, sabi mo iiwanan mo na sya dahil wala na syang oras sayo." Umiiyak na si Fena, hindi na nya kinaya at umalis nalang ito. Hinabol sya ni Ken at gustong magpaliwanag. "hindi ko na kelangan ang mga sasabihin mo Ken, tama na ang mga salitang narinig ko sakanya, paalam na sayo Ken." Sabay bitaw sa kamay ni Ken. Masakitan sakanya pero gumuho na ang buong mundo nya. Iniwan nyang umiiyak si Ken.

Walang Katulad Na BituinWhere stories live. Discover now