CHAPTER 4 PAGDILIM NB MGA BITUIN

1 0 0
                                    

CHAPTER 4 PAGDILIM NG MGA BITUIN
Hindi makapag move on si Ken sa relasyon nilang dawala ni Fena. Patuloy pa rin nya itong tinatawagan at binibisita sa tinitirahan nito. Ngunit hindi ito pinapansin ni Fena dahil sa tagal nilang magkasama nagawa pang maghanap ng iba si Ken ng dahil lang sa walang oras sa kanya. Inaaliw ni Fena ang sarili sa pagpasok sa trabaho at pakikipagusap sa mga kaibigan nito, pati na rin ang pag aalaga sa ama nya. Hindi matanggap ni Ken na nakakamove on na si Fena kaya panay ang inum nito sa mga club o bar at laging nagwawala. Ang mga kaibigan naman nito ay hinahayaan sya para makalimot na rin ngunit dahil naawa na ang mga ito kay Ken tinawagan nila si Fena.

Arman: Fena? Fena? alam ko naririnig mo ako si Arman ito. Si Ken hindi na namin maawat, laging naglalasing at hinahanap ka, lagi nyang tinatawag ang pangalan mo.
Halos hindi magsalita si Fena ngunit nag iisip ito.
Fena: Sang banda ba ang club na pinuntahan nyu?
Binigay ni Arman ang address kung san ito..
Pagpasok palang nya ng pintuan ng club dinig na nya ang boses ni Ken umiiyak na naghihinagpis at banggit ang mga pangalan nyang paulit ulit.
Arman: andito kana. (lasing din ito)
Fena: Sige na umuwi na kayo at ako na ang bahala kay Ken.
Arman: Sige Fena, salamat.
Nilapitan nya si Ken, umupo sa tabi nito.
Fena: Ken hindi mo kailangan ang mag inum ng mag inum. Tumayo ka dyan at ihahatid kita sa iyong tinitirahan.
Ken: Bakit mo ako iniwan Fena? Mahal na mahal kita alam mo yan. Fena bumalik kana sakin. Lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako.
Fena: Ken tumigil kana, wala na tayo. Malaya na ako at Malaya ka na rin.
Ken: Hindi ko kayang mawala ka sakin Fena. Parang awa mo na. Wag mo na akong iwan.
Fena: Tumayo kana dyan at hindi kita mabuhat.
Kinuha ni Fena ang kaliwang kamay at nilagay nya sa balikat nya para makaalis na sila ng club. Patuloy pa rin ang pangungumbinsi ni Ken kay Fena habang hinahatid sya sa bahay nya. Hindi malaman ni Fena kung mahal paba nya ito o awa nalang ang nararamdaman nya dito.
Fena: Ken hindi ko alam kong anung sasabihin ko sayo dahil alam kong lasing ka at makakalimutan mo din ito. Kung gusto mo kausapin mo nalang ako pag ok kana.
Binuksan ni Fena ang pintuan at dumeretsyo sila sa kwarto ni Ken. Ipinahiga nya ito tinanggal ang sapatos at medyas nya. Sa sobrang kalasingan ni Ken nakatulog ito agad. Tinitigan sya ni Fena at hinawakan ang mga mukha. Nagluto si Fena ng lugaw para may makain si Ken pag gising nya. Madaling araw na ng matapos si Fena. Binigyan nya ng isang basong tubig si Ken sa kwarto. Hinila ni Ken ang mga kamay nya. “Fena wag mu akong iiwan mahal na mahal kita”. Saad nito.
Tinanggal ni Fena ang mga kamay ni Ken tila nakatulog ulit ito. Umalis si Fena pauwe sa tinitirahan nya. Iniisip nya may pasok pa ito.

“Ate? Ate si papa”… aniya ni Cecil.
“Bakit? Anung nangyari?? Kinabahang sagot ni Fena.
Dali daling umuwi si Fena sakanilang bahay paglabas ng kompanyang pinagtatrabahuan.
Fena: “Ma anung nangyari? Bakit si Papa?
“Aling roda: naghina nanaman ang katawan ng papa mo”.
Umiiyak na si aling Roda. Hindi na rin makapagsalita si Fena, pinuntahan nalamang nya ang kanyang ama sa kwarto nito.

Fena: Hello, Sander ? Sander ang papa ko. (habang umiiyak)
Sander: Fena, anung nangyari? Pumunta kayo dito sa hospital para makita ang kalagayan ng papa mo, wag kang mag alala Fena.
Fena: Sige Sander, maraming salamat.

Nagimpake ang mama at kapatid nito para ihatid sa hospital ang kanyang ama.
Dumeretsyu sa ER ang kanyang ama, inasikaso agad ito ni Sander bagamat hindi nya propesyon ang sakit sa puso ay hindi pa rin nya ito pinabayaan. Naghihintay at nagdadasal sila Fena.
Nung lumabas ang mga doktor, nilapitan nila agad ito.

Fena & Aling Roda: Kamusta na po siya?
Doc. Anthony: okay naman na po ang kalagayan ng inyung asawa, kelangan na po nila ang pahinga ngayon.
Aling Roda: maraming salamt po Doc.

Nawalan ng tinik sa puso ang mga ang pamilya ni Fena. Ngunit kapansin pansin sa mga mukha ni Fena ang pag aalala nito sa mga bayarin sa mga hospital.

Sander: wag kanang mag alala Fena ako na ang bahala.
Fena: Naku, maraming salamat Sander pero wag na, marami na akong utang sayo.
Sander: Wag mo munang isipin iyon naiintindihan ko naman ang kalagayan mo ngayon Fena.
Ang importante ay maipagamot mo ang papa mo.
Fena: nahihiya man ako sayo wala din akong choice kaya salamat talaga.
Sander: ayos lng yun. (ngiting proud sa sarili)

Nakatingin naman ang bunso nyang kapatid kina Fena at Sander, na tila ba may nabubuo itong senaryo sa isip nya.

Walang Katulad Na Bituinحيث تعيش القصص. اكتشف الآن