"Hindi."

"Mas maganda sigurong sabihin mo mukhang warning 'to. Halata sa mensaheng pinag-iingat si Thrizel." Napasandal si Gio sa upuan. "Kumusta na kaya sila Thrale? Nakalock ang bahay nila, Anissa. Saan dadalhin ni Thrale ang kaniyang kapatid?"

Napunta ang atensyon namin kay Anissa na kanina pa hindi nagsasalita. Tahimik lamang ito, halatang malalim ang iniisip. "Sabik kasi si Thrale na mahanap ang kaniyang kapatid kaya siguro gano'n siya umakto. Hindi ko rin alam kung saan niya p'wedeng dalhin, baka siguro mag-uusap sila lalo na't nalaman niyang si Kein ang nagtago kay Thrizel." Mahinahong itong ngumiti sa amin.

Nagsalita ako at humarap kay Brooks na nakatayo. Tinabingi ko ang aking ulo at tinitigan siya. "Bakit mo nga pala tinago si Thrizel? Alam mo namang hinahanap siya ni Thrale, hindi ba?"

Inis na bumuntong hininga si Kein at umupo ng pabagsak sa sofa. "Alam niyo kung paano humiling, magmakaawa at katigas ang ulo ng tinatago ko."

"By the way, Arella. Nasaan ka no'ng mamatay ang ilaw?" Tanong ni Anissa kay Arella na nananahimik lang sa single sofa.

Agad itong sumagot. "Nasa chocolate fountain po. Hindi ko alam na may nangyayari na pala."

Natahimik na naman kaming lahat. Wala na namang gustong magsalita. Lahat ay malalim ang iniisip. Ang nasa isip ko iyong nangyari kanina, lima kaming naglahad ng kamay sa harapan ni Thrizel. Ito na ba ang sinasabi kong mauulit ang pangyayari 2 years ago? Si Thrale ang pinili sa amin ni Anissa. This time ba mananalo na naman si Thrale? Malabo ng mangyari iyon. Sa aming apat, sino ang mananalo? Tanggap ko namang hindi ako mahal ni Thrizel pero pakiramdam ko, may pag-asa pa. Ang hirap sukuan ng babaeng 'yon.

"Sandali nga." Nakakunot ang noo ni Kein na humarap muli sa amin. "Bakit tuwing may mangyayari kay Thrizel, nandodoon si Dominic?" Sa kaniyang tanong, mas lalo niyang ginulo ang aking isip.

"Kasabwat ba iyang si Dominic? Bakit parang alam niya lahat ang nangyayari?" Si Gio.

"Malabong si Dominic ang may masamang intensyon kay Thrizel dahil kaibigan niya si Link." Blankong emosyong sagot ni Anissa.

"Nasaan ba si Link?" Pagtatanong ko naman.

"Hindi ko alam, bigla siyang umalis."

Napahinga ako nang malalim. Binuksan ko ang pintuan at lumabas ng bahay. Nang nasa gate na ako, nilibot ko ang aking paningin. Nakita ko siyang nakaupo sa isang bato habang naninigarilyo.

"Wala kang balak pumasok sa loob?"

Binuga niya ang usok na galing sa kaniyang bibig bago humarap sa akin. "Ayos na ako rito. Pumasok ka na." Malamig niyang sagot.

"Stop smoking, ang baho ng usok." Winagayway ko ang isa kong kamay sa harap ng aking mukha dahil papunta sa'kin ang usok.

Muli niyang hinithit ang sigarilyo, matapos iyon ay tinapon sa basurahan. "Pumasok ka na nga. Istorbo ka rito."

"Malamok dito, bakit ba ayaw mo pumasok, Blue?"

"Hinding-hindi ako papasok diyan." Ramdam ko ang diin sa kaniyang pananalita. "Pumasok ka na. Hayaan mo ako rito. Wala akong pakialam kung nilalamok ako. Tigil-tigilan mo ang paglapit sa akin. Iwas na iwas na nga ako sa 'yo."

"Kahit kailan, matigas ang ulo mo." Sininghalan ko muna siya bago ako pumasok sa loob. Hindi niya ako kailangan, kaya niya ang kaniyang sarili. Masyadong mayabang. Rebelde nang rebelde.

Thrizel's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw galing sa aking bintana. Nakangiti akong umunat ng aking mga braso. Maganda ang mood ko ngayon, iyon ang aking pakiramdam. Uminom ako ng tubig na nasa maliit na lamesa. Tatayo na sana ako nang makita ko ang kabuoan ng kwarto. Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko ito kwarto, napatingin ako sa kama. Puti ang bedsheet, pillows at comforter.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now