"Papayag na ko sa gusto mo, kakampi na 'ko sayo, lalabanin natin yung dalawa para makuha ko si Atina at makuha mo si Stell"

Hindi ko siya nakikita pero alam kong ngumiti siya na halos mapunit na ang labi niya.

"Yun naman pala eh, pinatagal mo pa... Oh ano start na ba bukas?"

"Oo start na"

*End call*

-----

*Kinabukasan*

"KEN!"

Inawat ako ni Pablo dahil sa pagsuntok ko kay Stell. "What the hell Ken, why did you punch Stell?"

"Gusto niyo malaman?" Tinignan ko muna si Stell na nakahawak sa pisngi niya na nasuntok ko.

"He kissed Atina yesterday in the coffee shop where we were hanging out, hindi siya nahiya sa ginawa niya!"

Napatingin silang tatlo kay Stell at hindi makapaniwala.

"Ginawa mo talaga yun Stell? I thought---" hindi natapos ni Pablo ang sinasabi niya dahil sumagot agad si Stell sa kaniya.

"Wala kayong karapatang kontrolin ako, mahal ko siya kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko"

"Oo mahal mo nga siya, but you don't have to do that because you don't own her" si Josh.

Tinignan ko si Stell at hindi siya nakatingin sa kaniya. Napaalis siya sa harap ni Josh at tinignan pa ako ng malalim bago kami tinalikuran.

*After Two Weeks*

"Hindi pwedeng may makahalata na nag-uusap tayo, na may binabalak tayo sa dalawa"

Bulong niya sa akin para walang makarinig, narito kami sa taas ng rooftop ng building ng school.

"Sa palagay mo papayag din ako dun, malamang hindi din... At huwag kang mag-alala napatawad na ako ni Atina kaya madali ko nalang siya maging akin, kaya sana ikaw rin, gawin mo ang lahat para makuha mo na agad si Stell dahil sabik na sabik na ako kay Atina"

"You know Ken malapit na, baka magulat ka na lang boyfriend ko na si Stell sa susunod na linggo" she raised her eyebrow at me.

*Lunch break*

Nilapitan ako ni Atina sa court dahil bibigyan niya ako ng tubig at pagkain.

"Kain ka muna Ken, mamaya nalang 'yang laro"

Tumigil naman ako kaka shoot.

Pinagmasdan niya akong mabuti. "Oh bakit? Nagwagwapuhan ka ata sa akin ah?" I smirk.

"Matagal ka naman na gwapo eh kaso... Lalo kang pumogi sa hairstyle mo ngayon, pero bakit red ang pinakulay mo?"

Kinuha ko muna yung inilalahad niyang bottle na may water sa akin bago magsalita.

"Diba nga idol ko si Sakuragi na anime kaya ginaya ko, naghahanap nga ako ng Haruko ko eh pero--- Ah matagal ko na pala siyang nahanap at nakita kaso maraming hadlang kaya hindi ko magawa-gawang mapasaakin siya" pagpaparinig ko.

Nanahimik siya sa sinabi ko. Kaya bigla niyang iniba ang usapan.

"Ah Ken this oh towel, wipe your sweat first"

GANGTHROBWhere stories live. Discover now