Chapter Five

3 0 0
                                    

HavenUniversity

Nandito na ako ngayon sa labas ng gate, nakatunganga lang na parang ewan. may ini-imagine kasi ako..

"Hoy!" gulat na gulat naman akong napatingin sa guardya'ng nanggulat sa 'kin, tumawa pa 'to matapos mapatalon ako ng bongga dahil sa panggugulat niya.

"Ano ba 'yan, manong! Nanggugulat ka na naman eh!" sabay hampas ko sa likod niya. close na kami ni manong guard simula nong first year high school pa lamang ako dito sa campus, makulit at madaldal kasi ako at madalas akong magtungo dito sa gate para lang magkwentuhan ng kung ano-ano sa kanya.

"Hija, bakit ka naman nakatulala jan? May nakita ka bang kakaiba jan?" sabay tingin naman si manong sa tinitingnan ko.

"May kwento kasing bumabagabag sa isipan ko" sabi ko naman yan habang nakatunganga parin.

"Kwento? anong kwento ba iyan hija na bumabagabag saiyo?" tanong pa ni manong at napaupo naman ako sa nakahilerang bato dito sa tabi-tabi.

At nagsimula na akong magkwento..

Si Eva ay isa sa mga kilalang pinakamarikit na dilag sa buong Isla ng Madamog. Maraming binata ang nahuhumaling at humanga sa kanyang taglay na kagandahan, ngunit..

Isang araw, may isang diwata ang bumaba sa Isla ng Madamog mula sa kalangitan. Nagulat at nagsitakbuhan ang mga tao matapos ang diwata bumaba na may kasamang mga kidlat na nagpausok sa buong paligid. Kasama si Eva sa mga tauhan na nagsitakbuhan papalayo sa bayan ngunit kaagad ng diwata nahanap ang mortal na dahilan ng kanyang pagbaba dito sa lupa, si Eva, si Eva ang kanyang hinahanap na mortal.

Biglang nagliwanag ang mata ng diwata at nagsimula muli itong magbuga ng kapangyarihang kidlat. Natamaan ang ibang mamayan at pati narin ang dalagang si Eva, namatay si Eva. Agad lumapit ang diwata sa nakahandusay na katawan ng dalaga at kinuha nito ang kaluluwa sa pamamagitan ng paggamit ng makapangyarihang ritwal.

Muling bumalik na sa kalangitan ang diwata dala-dala ang kaluluwa ng dalagang si Eva kasabay non ay ang biglaang pagbuhos ng malakas na ulan, malakas na unos ng hangin at kaunting kidlat.

"Eh, bakit naman kinuha ng diwata ang kaluluwa ni Eva?" takang tanong saakin ni manong, maski siya ay intersadong-intersado sa pagkukwento ko sa kanya. "Yan nga eh! Ikaw kasi! Ginulat moko, ayon tuloy naputol ang kwentong ini-imagine ko!" bwelta ko kay manong. agad na akong napatayo dahil naaninaw ko na mula sa di kalayuan si Serva at Sheena na paparating na rito sa gate. "Sige ho, manong! see yah later!" pagpaalam ko sabay ngisi, napangisi rin naman si manong pabalik at naka-apat na yapak na ako papalapit sa dalawang bespren ko ngunit narinig ko ang pahabol na salita ni manong guard.

"Sana naman ipagpatuloy mo pa ang pag-iimagine mo, hija!" sigaw niyang saad at napatango nalang ako.

"Baks!" bungad sa 'kin ni Serva at nginusoan ko naman siya bigla. "Hayop kang bruha ka! bakit mo pinost yung larawan na kaming dal----" muntik na yon, Nics! Buti nalang mabilis kong tinakpan itong bibig kong ubod ng kataksilan. Napangisi naman ng nakakaloko sa 'kin si Serva sabay tingin sa mga estudyanteng napapadaan. Hayop!

"Gusto mo ako na sisigaw para sayo?" ngising pang-aasar ni Serva sa 'kin at hinabol ko na siya, kaasar! hindi ko na naabutan kasi ambilis niyang tumakbo na pang-snatcher yung peg.

"HUMANDA KA SA 'KIN MAMAYA! PAPATAYIN KITA! ARGGGG!!" sigaw ko kay Serva mula sa di kalayuan, napangisi naman ito sabay niloloko pa niya yung mukha niya para makaasar pa sa 'kin ng todo.Ugh!

"Galit?"

Napabaling naman ako kay Sheena at nanlaki ang mata ko nang makita si.........

si Sir White!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

As You Around Me Where stories live. Discover now