Prologue: Kapag Wala Ka Nang Maisulat

2 0 0
                                    

Kapag wala ka nang maisulat,
mapapaisip ka;
Ano ba? Ano kaya?
Ang mailalabas kong mga salita?



Kapag wala ka nang maisulat,
baka naubusan ka.
Nasa papel na ba ng iba,
ang bago kong itutula?



Kapag wala ka nang maisulat,
mababaliw kang talaga;
Hindi ako ganito!
Hindi ako dating ganito!



Kapag wala ka nang maisulat,
bura ka nang bura;
Mali, mali, mali.
Lahat na lang mali!



Kapag wala ka nang maisulat,
saka sila rumaragasa;
nagdadalamhating taludtod,
mata mo'y laging nalulunod.



Kapag wala ka nang maisulat,
tama na;
Dahil ninakaw ng pinili kong buhay
ang nakatago kong makata.

SemiWhere stories live. Discover now